LAINE
Paano mo ba mababawi ang taong iyo naman talaga mula sa umpisa?
Hirap na hirap akong isipin ‘yan. Kung sana may makakausap ako nang maayos. You know some girl friend to talk to to make a ploy on how to get him back. Magaling pa naman si Aj sa mga ganitong bagay. Namimiss ko na talaga ang kakulitan ng babaeng yon.
Naisip ko pa ngang bagay ang ugali ni Aj kay Cj eh. If nagkaayos kami ni Aj, ipapakilala ko siya kay Cj. Tignan ko lang! Tignan ko lang kung makakaporma nang maayos si Cj sa pag-uugali ng kaibigan kong iyon. Kinikilig ako sa naiisip ko. Pansamatala ko tuloy nalimot yung pinoproblema ko.
Haaaaay. Sana mahal pa ako ni Trance.
Nakahiga pa rin ako sa kama nang tumunog ang cell phone ko, inabot ko ito at tinignan kung sino ang caller, “Oh, Jake! Missed you buddy,” bungad ko kaagad nang makitang si Jake ang caller ko.
“Hindi si Jake ito. I’m just calling to make sure na nasa Pinas ka na. This is his wife, and as a good wife Im inviting you over for dinner. Be here at our house ng 6pm ok? I already informed Cj about it. Susunduin ka niya,” matinis ang boses na dire-diretso niyang sabi.
Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa bungad ni Daina sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya ganyan sa akin. The first time na makilala namin ang isa’t isa hindi siya ganyan sa akin, yun din ata ang nag-iisang time na nakaharap ko siya. Pero nang mga sumunod na, the phone and skype conversations? Grabe! Nakasneer lang siya sa akin.
So, to clear things. Ganito kasi ang nangyari kung papaano kami naging mag-on ni Jake.
_
Kinakabahan ako. First time kong mag-isa na haharapin ang first day ng school, sa banyagang lugar pa naman. At, dahil sa sobrang kaba ko, napaaga ako para makita ko muna ang environment. Mahirap naman iyong hindi ko pa kabisado ang lugar.
Nakatambay lang ako sa isang tabi holding my coffee, pinapanuod ko ang pagdaan ng mga tao, inoobserbahan ko sila nang maay dalawang lalaki na nag-approach sa akin.
Malakas ang dating nila. That. Was. An. Understatement. Ang commanding ng presence nila. Siguro their built na rin at saka yung confidence na mayroon sila. Hindi ko alam kung papaanong may ganon silang characteristics considering kung titignan mo sila parang kaedad ko lang o kaya naman ay mga 2-3 years lang ang tanda sa akin.
“Hi. Pilipina ka?” tanong sa akin nung mas malaki ang katawan.
“Yeah,” nangingimi kong sagot. Mahiyain talaga ako sa umpisa but when you got to know me, balahura na ako. Amd, mahiyain ako kapag alam kong wala akong kakilala!
“Jake, namiss ko na ang mgaa Pinay beauty,” nakakaloko niyang sabi sa kasama niya.
Tinignan ko ang kasama niya. He smirked at me! Kung hindi lang makakasira sa kagwapuhan niya yung smirk niya, pinunit ko na sana ang bibig niya!
BINABASA MO ANG
Taken By Him (Little Thing #2)
Ficção GeralSiya ang nanligaw, siya rin ang nang-iwan. Kaya, siya rin ang babalik at gagawa ng paraan para magkaroon sila ng happy ever after. Magiging madali kaya ang lahat? Magiging madali ba para kay Laine na makuha uli ang puso ni Trance?