Chapter 03: Let's get it on

395 10 1
                                    

LAINE

Lumabas na ako ng building nang matanggap ko ang message ni Cj na susunduin na daw niya ako.

Nang makalabas ako ng building, nakita ko! Nakita kong pababa ng kotse si Trance sa parking lot sa tapat. I tried to appear nonchalant. Mahirap magpanggap na hindi siya nakita kung ang gustung-gusto kong gawin ay tumakbo at pupugin siya ng halik.

Pero, nagtiis ako. Natatakot kasi ako sa magiging reaksyon niya. And, I Laine Xyre Montez, walang kinakatakutan, matapang, successful na sa career ay nabahag ang buntot nang makita niya ang kanyang first love.

Yeah. First love never dies.

 

Naalala ko tuloy yung first time na makita ko siya, I mean madiscover kung gaano siya kagwapo. Na siya pala ang bibihag ng bata kong puso.

I was on my 6th grade noon.

“Ang gwapo talaga ni Lei!” kinikilig na hiyaw ni Aj. Sinabayan niya pa ang hiyaw ng pagpapalo ng unan sa kama niya. Kinulang pa ‘yon, tumayo siya sa kama saka nagtatatalon doon.

 

“Pero, ang cute cute ni Mei Zuo!” kinikilig na hiyaw ko rin. Hindi ko na sinubukan na pigilan pa siya kasi kinikilig na rin ako. Tuwing naifofocus ang mukha nila para akong nanghihina. Binitawan na namin ang hawak-hawak naming unan at saka naghawakan ng kamay na nagtatalon sa kama niya. Humahagikhik pa kami habang tumatalon.

 

Natigilan kami nang biglang magbukas ang pinto.

 

“Nakakairita yung hagikhikan niyo, ah? Abot na abot hanggang kwarto ko,” naaasar na bungad ng Kuya niya sa amin.

 

Binitiwan ni Aj ang kamay ko saka nakapamewang na sumagot sa Kuya niya, “Sabi ni Mama okay lang daw na mag-ingay kami ni Xy tutal Saturday naman eh. Tsaka hindi namin kasalanan kung mairita ka Kuya. Hindi ko kasalanang napuyat kaka-counter strike mo kagabi. Blegh!” saka pa siya kumendeng-kendeng. Kaya pala siya humawak sa bewang niya.

 

Tahimik ko lang silang pinapanuod na nag-aaway na magkapatid. Naiinggit ako! Hiniling ko rin naman sa parents ko na gusto ko ng kapatid na makakalaro eh, kaso di nila ako pinagbigyan. Hindi daw ganun kadali yun.

 

Dahil siguro sa pagtitig ko, nakita ko kung gaano kaganda ang features ng mukha nitong Kuya ni Aj.

Ahead siya sa amin ng isang taon. Bale, first year high school na siya sa high school department ng school na pinapasukan namin. Magkakaiba kasi kami ng building. Pero nang pareho pa kami ng building, nakikita ko na ang mga kaklase at ka-batch namin na nakabuntot sa kanya. Ngayon, naiintindihan ko na sila.

 

Hindi ko maintindihan noong una kasi ang nakikita ko lang ay Kuya ni Aj. Ang maloko niyang Kuya. Ngayon, nakikita ko na siyang talaga.

 

Nagising lang ako sa pagtitig nang ibalibag niya ang pinto ng kwarto.

 

Taken By Him (Little Thing #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon