Nagmamadali na akong nag-aayos ng sarili ngayon. Sa super pagkaexcite ko atang bumalik nang Pilipinas ay di na ako pinatulog nang nararamdaman ko kaya ayan, nang makatulog ako, umaga na, tinanghali tuloy ako ng gising. Nagmamadali tuloy ako para maabutan ang flight ko. Buti na lang talaga at excited ako kaya naayos ko na lahat ng dadalhin ko. Not that marami akong bagahe.
Nang makarating ako sa airport agad akong nagcheck in. Buti na lang talaga walang traffic at kung anumang aberya kaya di ako nagkaproblema.
Haaaaaaaaaay. Philippines. I'm coming back! And, Trance, I'm getting you back!
When I settled na sa seat ko. Pinilit kong alisin ang utak ko sa napipinto kong pakikipagkita sa mga antique friends ko. Akala mo naman andami. Eh ang kaibigan ko lang naman talaga ay si Aj. Ayaw kasi sa amin nang mga classmates namin noon. Medyo iba kasi ang attitude namin sa kanila kaya ganun. At gusto nila, sila ang ilakad ni Aj kay Trance. Eh, sorry sila. I am the best friend.
I was the best friend na ata ang tamang term. Ang sakit no? I think, mas masakit pa ito kaysa sa ex-boyfriend sa totoo lang. Kasi ang boyfriend you would know why they broke up. Eh ang best friends na hindi na best friends, why? Masakit na nga, mahirap pang i-eksplika.
Iniisip ko na tuloy kung ano ang uunahin ko sa lahat ng dapat kong gawin sa Pinas eh. Si Aj ba? To make ammends sa nasira't naputol naming pahkakaibigan. O si Trance? To explain why I left him, pero alam kong alam niya ang rason. Ang gagawin ko na lang ay kung papaano ko sasabihin sa kanyang kahit na naabot ko na yung pangarap ko, kulang pa rin iyon kasi wala siya sa buhay ko. Tanggapin pa kaya niya ako? Paano na lang kung may iba na siya? Hindi ako ready don.
With the thought of him having a girlfriend makes my heart ache. Hindi ako ready don. Mas mabuti pa atang magtago muna ako sa office ni Jake para mapaghandaan ko ang dapat paghandaan. Mas mabuti iyon para hindi ako magulat.
Tama! Hanapin ko muna sila sa Social Media. Never ko kasi silang sinearch sa social media kasi baka bigla akong umuwi nang Pilipinas kapag nakita ko ang mga pinaggagawa nila. Iba pa man din ako. Kaya kong labanan ang homesick kapag wala akong nakikitang nakakapagpaalala ng aking 'home' but pag naipakita sa akin what I'm missing, uuwi ako kaagad. Itatapon ko ang lahat.
_
At dahil kulang ako sa tulog, nakatulugan ko na ang dapat kong gawing paghahanda. Para akong nasa sleep-induced coma. Kasi, nagising na lang ako with the announcement na papa-land na kami sa NAIA.
I messaged Jake, Nakarating na ako. Masusundo mo ba ako? You can drive to the airport na. Enough na siguro ang travel time mo para makapag-check out ako. See you
Then my phone beeped, Ako na lang ang susundo sa'yo, Cupcake. Jake is a married man, baka mapagselosan ka lang ni Daina. Ex ka pa naman. Cj texted me.
I replied, Oo nga noh? That didn't cross my mind. Wala naman na kaming awkwardness ni Jake eh. Allright, see you
Nang lumabas ako ng airport, nakita ko kaagad si Cj, bago pa ako makapagreact, nilapitan niya na ako and hugged the living hell out of me, "Wow! You must missed me so much to hug me like that." Sabi ko sa kanya nang pakawalan niya ako sa kanyang tight embrace.
BINABASA MO ANG
Taken By Him (Little Thing #2)
قصص عامةSiya ang nanligaw, siya rin ang nang-iwan. Kaya, siya rin ang babalik at gagawa ng paraan para magkaroon sila ng happy ever after. Magiging madali kaya ang lahat? Magiging madali ba para kay Laine na makuha uli ang puso ni Trance?