Chapter 12: Priorites Change

496 10 9
                                    

Ngumiti ako sa kanya, "That night was the most special night, I mean morning, I had in my entire life, Trance," teary eyed kong sabi sa kanya. Ikinulong ko ang mukha niya sa mga palad ko and looked directly into his eyes, "And it still is."

Nakita ko kung paano mag-glossy ang mata niya bago niya ipikit 'yun at ibaling sa iba ang atensyon niya saka dahan dahan niyang inialis ang kamay ko sa mukha niya.

Tumayo siya at lumapit sa may bintana. Even with his back on mine, alam kong nakatingin siya sa malayo.

I know this is a lot to process for him. Umalis ako na ipinaramdam ko sa kanyang he's not important para lang bumalik ako after how many years to tell him how important he is and how I love him still.

So contradicting.

Maski ako, gusto kong kastiguhin ang sarili ko why I did such thing!

_

Next week aalis na ako at hindi ko pa nasasabi kay Trance ang plano ko sa buhay ko. Ganito pala ang pakiramdam, habang paparating ang araw na 'yun, mas mahirap nang harapin ang bawat umaga. At, habang pinapatagal ko pala ang pagsabi sa kanya, mas mahirap na pala magsabi ng totoo.

Lalo na to say goodbye.

But, I need to do it!

Napag-usapan namin ni Aj na we'll remain the best of friends kahit na sobrang layo namin sa isa't isa. Napaag-usapan din namin kung paano namin sasabihin kay Trance. I mean, paano ko sasabihin kay Trance 'yung mga plano ko.

Pero, hindi ako tutupad sa napag-usapan namin ni Aj.

Andito kami ni Trance ngayon sa isang bar dito sa amin, birthday kasi ng isa sa mga kaibigan niya at ako ang kanyang plus one. Sinundo niya ako kanina sa bahay at ang motor niya ang gamit namin sa pagpunta.

Natatawa pa siya kaninang nasa motor kami at sobrang higppit ang pagyakap ko sa kanya.

"Babe, hindi ka naman mahuhulog ah," lingon niya sa akin.

"Sa daan ang mata, Trance. Ayokong madisgrasya!"

"Sa tingin mo, hahayaan kong madisgrasya tayo? No! Ako, oo. Pero, yung kasama kita? Hindi. Ayokong may manyaring masama sa pinakamahal kong babae sa buong mundo," saka niya pinaibabawan ang kamay kong nakayapos sa baywang niya. Saka lang niya inialis ang kamay niya sa kamay ko nang ililiko na niya ang motor.

Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. "Babe, giniginaw ka? Ako kasi, nag-iinit na kaya pwede pakiluwagan naman 'yung yakap mo?" sabi niya. Alam kong nakangisi na 'yan! Tunog pa lang ng boses eh.

Trance, gusto ko lang namang maraming mabaon nna memories eh.

Ilang sandali pa nakarating din kami saka niya hinawakan ang kamay ko at naglakad papasok sa bar. Nakipag-usap din kami sa ilang bumabati sa dinadaanan namin. Nang marating na namin ang pinakaloob, nilapitan namin ang celebrant at pinakilala niya ako as his girlfriend.

And, yes. Ngayon lang niya ako pinakilala sa circle niya.

Parang pinipiga ang puso ko sa ginagawa niya. Syempre masaya ako kasi pinapakilala na nga niya ako, pero naguiguilty kasi ako.

That night, we partied, we laughed, we did everything that couples do in parties. Pati 'yung bathroom experience? Ni-try din namin. Pero, hanggang making out lang kami doon.

One week na lang. Buti na lang talaga at exam week na noon kaya hindi niya pansin na iniiwasan ko siya. Ayoko namang sabihin sa kanya before the exam. Ayoko siyang bigyan ng poproblemahin kaya nanahimik na lang ako.

Sa one week na iyon, isinagawa ko nga 'yung plano ko. Nang matapos ko, timing na rin na luluwas na ako pa-Manila for my flight.

Ang alam ni Aj kaya hindi nagpapaalam si Trance sa akin ay dahil hindi niya kayang magpaalam sa akin, ang hindi niya alam, hindi pa alam ni Trance 'yung pag-alis ko kaya nginingitian ko na lang siya ng mapait. Biniro pa nga niya ako na huwag daw akong malungkot kasi marami naman ang nakasurvive sa LDR at babantayan naman daw niya ang Kuya niya for me.

Bago ako umalis, iniwan ko sa kama ko ang isang note na nagsasabing he needs to watch my video at ang flash drive ko na naglalaman ng video ko saying goodbye.

_

Sinipa ni Trance ang pader nang mapunta ang usapan sa paraan ko nang pagsabi sa kanya ng plano ko bago niya ako hinarap, "I deserve better than that." Sabi niya sa akin.

Kung galit sana ang nakikita ko sa mga mata niya, makakasagot ako sa kanya. Pero, hindi. What I saw was... betrayal.

Tumango tango na lang ako sa kanya para ipakitang I was on the wrong. "I know that now."

_

Habang kinukuhanan ko ng video ang sarili ko, pinigil ko talaga ang pag-iyak. Hindi pwedeng umiiyak ako. Hindi pwede. Masisira ang plano ko.

Iniisip kong para sa aming dalawa itong ginagawa ko.

"Trance... by now, I guess alam mo nang umalis ako? Hindi ko alam kung ano ang dapat mong maramdaman. Sorry. Ang selfish ko siguro to not say goodbye in person no? Pero, I don't want to see you hurt because of me kasi. Alam mong minahal naman kita, diba? Hindi naman kita lalapit lapitan kung hindi. Hindi rin ako magpapa-cute sa'yo. Hmn. I met someone kasi. At, nakikita ko ang future ko sa kanya. Na kasama siya."

Pagkasabing pagkasabi ko nun, pinatay ko kaagad ang recorder. Hindi ko na kasi kaya 'yung pagpapanggap ko sa sinasabi kong may nakilala akong someone. Hindi ko na kayang ngumiti pa sa harap ng camera.

Baka kasi mahalata niyang wala namang iba at gawa-gawa ko lang si someone para saktan siya.

_

"Sino siya, Laine?" tahimik niyang tanong sa akin. "Hindi ka niya napasaya kagaya nang pagpapasaya ko kaya bumabalik ka sa akin ngayon?"

"It's always been you, Trance." I started. "Yung scholarship ang tinutukoy ko, Trance. Walang ibang lalaking involved. Yung scholarship lang. I am just sorry that you just came second sa priorities ko. You know that my career comes first."

"So, bakit ka andito ngayon? You left your work para sa akin? What changed?"

Huminga ako nang malalim. "Priorities change."

Karamihan naman sa mga babae ngayon, priority talaga nila sa younger years nila ang mag-aral ng mabuti, to land a wonderful job at saka hahanap ng partner. I just went through it too.

"What if all I want from you is a closure?" tinignan niya ako na seryosong seryoso ang mukha.

Umiling ako as a response.

Iling for not accepting it. Iling for not believing it. Iling for I don't know what will be next.

If that what if is really true.

goog[M���f�

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taken By Him (Little Thing #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon