Chapter 04: Mind off the gutter

367 9 3
                                    

TRANCE

Sinusulyap-sulyapan ko siya habang nagmamaneho ako, doon ko naisip, kaya ko bang magtagumpay sa binabalak ko kung isang ngiti lang niya sa akin, pakiramdam ko, tumitiklop na ako?

“Tang*na, ang iingay naman ng mga bubwit na ‘to!” reklamo ko saka ako bumangon.

 

Bugnut na bugnot akong nagtungo sa kwarto ni Aj, kasama na naman niya panigurado ‘yung best friend niyang katulad niya kung makahagikhik.

 

“Nakakairita yung hagikhikan niyo, ah?” sita ko sa kanila, walang paalam kong binuksan ang kwarto ni Aj.

 

Natigilan naman sila sa pagtalon-talon nila sa kama na tumatawa-tawa. Tinignan ko ang tv ni Aj sa gilid, nanunuod na naman pala sila ng kung anong kakornihan ngayon. Nakita ko ‘yung apat na maangas na lalaking naglalakad.

 

Hindi ko na naintindihan ang sagot ni Aj sa paninita ko. Nakita ko lang na nakapamewang siyang sumagot sa Kuya niya. Humanda ‘yan mamaya sa akin kapag hindi na ako badtrip.

 

Nakalimutan kong badtrip ako nang makita kong nakatitig sa akin ‘yung kaibigan niya, may ngiting naglalaro sa labi niya. Maganda pala itong kaibigan ni Aj, bata nga lang. Maganda rin ang ngiti niya.

 

Nagulat ako sa itinatakbo ng utak ko kaya nagmartsa na lang ako paalis sa kwarto ng kapatid ko.

 

At, ngayon nga, masisira na naman ba ako ng dahil sa ngiti niya?

_

LAINE

Nararamdaman ko ang pasimpleng tingin sa akin ni Trance. Hindi ko alam kung aware ba siyang sumusulyap-sulyap siya sa akin. Nakatingin ako sa dinadaanan namin, papasok na kami ng SCTEx, inayos ko ang pagkakatingin ko sa labas, simply stated, inayos ko ang anggulo ko, yung tipong maganda ako, ngumiti na rin ako kahit na wala akong nginingitian. He told me once that he loves my smile. Yun na lang ang panghahawakan ko.

Panghahawakan! That cut me from my ridiculous thought of making the right angle para ma-appreciate niya ako.

Alam kong he’s a man on mission. Ramdam ko naman na gusto niyang ma-realize kong how wrong I was for leaving him. And, I want to show him kung gaano ako nagsisi for leaving him for my dream.

Hindi ako nagsisisi at naabot ko ang pangarap ko, ang pinagsisisihan ko ay ang taong binitiwan ko for the sake of reaching my dreams. If only I could undo the past ginawa ko na. Yes! I will still go abroad and chase my dreams pero hihilain ko na si Trance para kasama ko siya all the way!

Is that selfish? Ayokong mamili ulit if papapiliin ako. I’d still want my carreer with Trance on it.

Unti-unti kong inialis ang kamay ko sa lap ko at saka ito nagtravel ito to his lap. Naramdaman ko ang pagkislot niya with my simple touch.

Taken By Him (Little Thing #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon