CHAPTER 62

3.4K 35 1
                                    

Chapter 62: Intimate Scenes

WARNING: R-18. This story contains mature content that not suitable for young readers and sensitive people, only for open minded. Read at your own risk.

MAAGA kaming umalis ng asawa ko kasama si Zavein para sa bahay na lilipatan namin ngayon. Gusto niya rin na makasama namin ang pinsan niya kahit noong una ay tumanggi pa ito.

Nang sabihin din ni Archimedes na kailangan ko nang may ibang kasama para hindi raw ako ma-bore ay nandoon naman ang best friend ko. Makakausap ko ito anytime.

Pero ang layo ng bahay na binili niya. Pumasok na sa kagubatan ang kotse namin. Ako ang kinakabahan kung gaano pa ba ito kalayo. Paano na lamang kung gusto niya ulit makipag-ano—pero hindi na makapapasok pa rito sina Randell at Dalia? Dahil tiyak naman ako na hindi na ako makakawala pa kapag nangyari iyon.

Huminto sa malaking gate ang sasakyan at bumukas naman ito kaya umusad na ulit. Sa layo nang biyahe namin ay parang natatakot na ako sa magiging buhay ko rito.

Bago nga kami pumunta ay dinaanan na muna namin si Miko. Baka kasi maligaw ito. Nakasunod ang sasakyan niya sa likod at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Kinakabahan talaga ako.
Parang wala na nga akong takas pa rito.

Isang malaki at mataas na gusali ng mansion ang bumungad sa amin ngayon. Sa ganda nito pero hindi ko magawang i-appreciate. Paano naman  ako magagandahan kung alam kong isa itong panibagong kulungan para sa akin? Isang hawla na mahihirapan na naman akong makawala.

Bumukas ang pintuan sa side ng aking asawa at bumaba siya saka naglahad ng kamay. Tinanggap ko naman iyon at inalalayan niya akong makababa.

Nakita kong bumaba na rin si Miko pero nakatutok ang tingin niya sa akin kaya agad akong nag-iwas nang tingin. Si Zavein ay namangha rin sa malaking bahay na nasa harapan namin ngayon. Kulang na lang ay tumulo na rin ang mga luha ko.

“Did you like it, sweetheart? Maganda ba?” tanong ni Archimedes. Ngumiti ako ng peke at tumango.

“Maganda. Sobrang ganda, hon,” sagot ko at sinapo niya ang pisngi ko saka niya ako hinalikan sa mga labi ko. Ayoko man na tumugon ay ginawa ko na lang din. Humiwalay lang ang mga labi nang may pekeng tumikhim.

Nang sulyapan ko si Miko ay mahigpit nang nakakuyom ang kamao niya at tumigas ang ekspresyon ng mukha. Sa hindi malaman na dahilan ay nakaramdam ako nang guilt na parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

Kahit wala naman akong ginagawa na masama pero kasi ayokong makita ni Miko ang ginagawa rin namin ng asawa ko. Hindi ako komportable kasi parang lumalabas na sinasadya rin ni Archimedes na ipakita iyon sa kanya.

“Let’s get inside, Engineer Brilliantes,” pag-aaya nito sa kanya at tumingin pa siya sa baywang ko kung saan nakapulot agad ang braso nito. I took a deep breath at pinilit ko na lamang ang ngumiti.

Tatlo lang ang kasambahay na kinuha niya. Sa laki ng bahay ay tatlo lang ang servant na kinuha niya? Napansin ko na mas bata ang isang babae. Nakayuko ito pero nang mag-angat siya nang tingin ay napatutop ako sa dibdib ko. Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi niya pero agad din siyang yumuko.

God... Ano’ng ginagawa rito ni Dalia? Bakit isa siya sa mga kasambahay na narito? Si Archimedes ba talaga ang kumuha sa kanya?

Kailangan kong kausapin si Randell tungkol kay Dalia. Ako ang kinakabahan na baka mahuli kami. Pero mukhang wala namang kamalay-malay si Archimedes.

“You okay, Kalla?” my husband asked me with his voice of concern. I shook my head.

“Medyo pagod lang ako. Dahil sa ginawa natin kagabi,” bulong ko sa kanya at narinig ko ang tunog nang pagngisi niya.

The Blind Lost Her Traces (Brilliantes Series #5) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon