ONE

3 0 0
                                    

Fate

Everyone stood up as we walked inside the room.

“Everyone, allow me to introduce Ms. Anastasia Maeve Zaccardi, the CEO's daughter,” ani ng head manager. I bowed my head and smiled at everyone.

“She'll be with you for her training and please be kind to her,” napangiti ang head manager sa akin at nag palakpakan ang mga empleyado sa akin.

Tatlong taon na ang nakalipas simula noong trahedyang nangyari sa akin at sa mga kasama ko. Pagkatapos kong tumalon sa barko ay may nakakita sa akin at kinupkop ako. I was eighteen at that time and I don't know what the real world really is. Naputol ang komunikasyon ko sa aking mga kasamahan, pati mga mahal ko sa buhay ay nawala na. Maybe they didn't bother looking for me, or did they?

“How should I call you?” bumalik ako sa matinong pag-iisip nung kinausap ako ng isang seniors.

“Anya or Maeve, kayo na po bahala,” I smiled at her and they nod.

“I'm Cara by the way and I'll be the one to train you. Don't worry I don't bite, siguraduhin mo lang gawin mong maayos ang trabaho mo,” aniya.

“Okay po, walang problema. Willing naman po ako magpa-train,” I said confidently.

“Good to hear that. Maiwan muna kita dito and bukas ka na magsisimula sa iyong trabaho,” I nodded and she bowed before leaving me.

Napasinghap ako dahil orientation pa lamang ay stressed na ako. Ms. Cara is kinda strict but I don't mind lalo na't trabaho ang usapan.

This month is my training session at naisipan ni “mommy” na magtrabaho ako dito para na rin alam ko kung ano ang daloy na kompanya. Caroline Millers, owner of the multimillion company Millers Shipping Lines is the one who adopted me. Hindi niya pinalitan ang apelyido ko dahil hindi ako pumayag. Trinato niya akong tunay na anak at talagang nagpapasalamat ako sa kaniya. Wala siyang asawa't anak kaya kami lang dalawa at maids niya sa bahay.

I'm currently taking up Bachelor of Science in Hospitality Management Major in Cruise Line Services. I want to work on a cruise ship. I want to meet some important guests, artists and models. Everyone knows how rich my so called mom is and kilala rin ako ng karamihan na anak niya ako.

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang malaking parte ng dagat at mga gusali habang hawak ang isang red wine. Hindi pa ako umuwi at nasa terrace ng building pa ako at nagisip-isip ng kung anu-ano. Mabuti nga at mabilis akong naka-adjust sa tatlong taon na iyon. Iyon ang pangarap ko dati—na mamuhay bilang isang normal na bata at hindi tawaging magnanakaw o pirata.

I'm still not successful yet, I still have dreams to achieve and I'm halfway there, that's the thing I should be proud of.

“Bago yan ah? Nag-commute ka papunta dito?” ani Harper at sinalubong niya agad ako sa room.

“Wala namang bago doon, matagal na akong sanay maghirap,” ani ko at umupo na.

“Yan gusto ko sayo eh! Kahit sobrang yaman, hindi maarte at lowkey lang di katulad ng iba dyan,” napahalakhak naman si Harper at ningitian ko sjya.

I'm studying in a university at karamihan sa mga kaklase at schoolmates ko ay scholars, iilan lang kaming hindi. Nakikisabay lang ako sa kanilang lahat no matter what their social status is.

Dumiretso ako sa CR pagkatapos ng morning classes at nagretouch. Diretso ang tingin ko sa salamin sa aking sarili. I have a small oval face with an almond eyes, my lips are thin and heart-formed. My nose aren't too long but they always say I have a perfect sideview pag nagpipicture. I took a mirror shot before leaving at nakita ko kaagad ang iba ko pang kaibigan kaya nilapitan ko sila. I waved at them at sininyasan akong umupo kasama sila.

“Totoo bang babalik yung mga nautical students dito? Yung currently third year na mag fourth year na,” ani Zae habang nakatingin sa cellphone niya.

“Ang boring, dadami na naman mga studyante dito,” reklamo ni Harper at napasimangot pa.

“Hayaan niyo na, wala namang mawawala at magbabago satin pag nandyan na sila,” sabi ko at napatingin sa kanila.

Napansin nila na bigla akong sumeryoso kaya natahimik ang dalawa.

“Totoo naman ah?” pambabawi ko.

“Oo na,” umirap si Zae at binuksan ang vegetable salad na dala niya.

Pagkarating ko sa bahay ay nakita ko si Ms. Caroline na nakapamaywang. Wala yata siya sa timpla ngayon kaya nakabusangot ang mukha.

“Magandang gabi po,” bati ko at yumuko

“I sent you an email sa tatapusin mo, you can start now kung wala ka namang gagawin na schoolworks,” walang emosyon niyang saad.

What am I expecting? Na babatiin niya rin ako?

My “mom” is a famous public figure. She's known for her businesses and everyone was shocked when they found out that she adopted me. Maraming nagsasabi na hindi na siya lugi kase magkamukha lang naman daw kami. I received a lot of compliments instead of hate. Wala sa love language namin na magiging sweet sa isa't isa, we treat each other here like guests.

Nagsimula na akong magtrabaho. I made a coffee for myself at nag-brew. Hindi ko na iniutos iyon sa mga maids kasi kaya ko naman at bababa lang ako pag gusto ko nang kumain para hindi na sila aakyat pa at dalhan ako ng pagkain. Tatlong task ang ipapatapos sa'kin ngayon kaya sigurado akong bagsak ang katawan ko nito bukas.

“Ma’am Anastasia, ako na po maghugas diyan at baka mapagalitan pa po kami ni Ma'am Carol,” ani ng isang maids at may halong pag-aalala ang tinig niya.

Pagkatapos kong kumain ay naghugas ako sa kusina. Marami ang huhugasin kaya hindi na siguro ito nahugasan kanina kaya ako nalang ang gumawa.

“Ayos lang po nay, ipagpatuloy niyo nalang po trabaho niyo o di kaya'y magpahinga na po kayo. Ako na po bahala dito,” nginitian ko siya at nakita ko naman sa kanyang mga mata ang pagkatuwa.

Nakapamewang ako habang pinagmamasdan ang view sa labas ng kwarto ko. The city lights are hyped and nice. I can still feel the warmth of the people around me. Alas dos na ng hating-gabi at hindi pa rin ako makatulog.

I never imagined this kind of life. Kung hindi dahil doon sa lalaking nagtali sa akin ay hindi ako makupkop ni Ms. Carol but that was three years ago, nakalimutan niya na siguro ako. Kung sakaling magkita man kami ulit, lubos ko siyang pasasalamatan, dahil sa kaniya ay namulat ako sa reyalidad at hindi nananatili sa dati kong gawi.

But, will fate allow us to meet again?

-
Hello po! I only revise some parts of this story, walang nagbago po sa plot. </33

Into the StarsWhere stories live. Discover now