Girlfriend
“Anya? Smile!” tawag sa akin ni Ms. Cara. “Kanina ka pa kasi nakabusangot simula noong dumating ka dito,” dagdag pa niya.
Napilitan akong ngumiti sa kaniya at inayos ang mukha ko. What a long day!
Kinuha ko ang brown envelope at pumasok sa opisina ni Ma'am Carol. Nakasalubong ko muna yung secretary niya at agad akong binati.
“Nandiyan ba si Mommy sa loob?” tanong ko. Hindi naman lahat alam kung anong nangyayari sa amin.
“Opo ma'am. Pasok lang po kayo,” she guided me through the door and opened it for me. I thanked her before going inside.
“Napadalaw ka?” bungad sa'kin ni Ma'am Carol.
“I just want to give you this. Ang sabi ni Alistair ay kasali tayo sa Charity Event this upcoming Friday. Why am I not informed?” tanong ko sa kaniya.
“That won't be necessary. Sumali na tayo last year sa isang Charity Event,” aniya.
“Why? You don't have any plans this year? Maybe it can gain more sales sa'tin. Mas lalong maganda ang impression sa atin ng mga tao. What do you think?” pilit ko pa. Mas maganda ito.
“If that's what you want, then it's fine with me. As long as ikaw ang mag manage niyan. Tuesday pa ngayon, may oras ka pa,” aniya at binalik ang tingin sa laptop niya.
“All good,” ani ko at umalis. Nagpasa rin ako ng letter para sa kaniya, for formality.
Kanina pa ako nakatulala at iniisip mga nangyayari kanina. Naaalala niya kaya ako? If hindi, mas mabuti dahil balak kong makipagkaibigan sa kaniya dahil balita kong malakas ang kapit niya parang born to be that way sila ni Alistair. Mas may alam siya sa ganito kaysa sa akin kaya gusto kong kumuha ng knowledge din sa kaniya.
Ngumuso ako. As if that will ever happened, mas mukha siyang suplado and unapproachable kaya malabong mangyayari ang plano ko. I contacted Alistair to inform him at ramdam ko namang masaya siya, I gathered my team at ipinaalam sa kanila at agad naman silang nag-isip sa mga gagawin para ma-contact at mabili na bukas ang mga ibibigay namin. I assigned Ysha, one of the trusted members in my team at agad naman siyang naglead sa iba pang members.
Ilang buwan nalang ay mag fourth year na ako. Habang maaga pa, naghahanap na rin ako ng possible hotels or suites na tutuluyan ko for OJT at nakapili na ako ng tatlo. Isang five star hotel and three star hotel at yung isa pa ay may resort at karamihan visitors dito ay mga turista.
“Ano? Susubukan mo sa Baywalk?” tanong ni Zae habang tumatambay kami sa canteen namin at hinintay yung order.
“Oo nga, ang hirap makapasok doon! Five star hotel pa naman iyon!” ani Harper at sumimsim sa tubig niya.
“Hayaan mo na yan teh, kilala naman yan baka yung Baywalk pa nga luluhod dyan eh para pumasok at mag-OJT sa kanila!” ani Zae
“Hoy, di ganon iyon ha! Di naman ako kilala ng buong mundo! Grabe kayo,” pambabawi ko.
“Di ka nga kilala ng buong mundo, pero kilala ka ng mga tao dito, halos buong taga rito!” ani Harper.
“Kayo ba? Saan yung plano niyo?” tanong ko sa kanila, hindi ko pa kasi alam.
“Sa Solaris lang kami, mas mabilis makapasok doon yung iba kasi ay sa Riviera, eh kung doon pa kami ang dami na namin, di na kami dumagdag pa.” paliwanag ni Zae at tumango-tango naman si Harper.
“Talaga bang iiwan niyoko,” pagtatampo ko pero biro ko lang iyon.
“Hindi ka namin ma-reach te, chichismisan ka lang namin kung may pogi ka na kaming mabingwit pati ka na rin, mas maraming foreigner dyan sa Baywalk eh,” ani Harper at nagtawanan naman kami.
Tumunog na ang bell kaya ako na ang kumuha ng pagkain namin. Tumayo ako at naglakad sa cashier.
“Aww! Sorry,” mahinang sambit ng isang babaeng nabunggo ako dahil siguro sa pagmamadali niya inayos ko yung uniform ako ngumiti sa kaniya pabalik.
She's soft at the same time mahinhin siya. Maputi at medyo singkit at maikli ang buhok niya. Ngayon ko lang siya nakita dito o baka di ko lang siya nakita pa. Kinuha ko na yung pagkain at pumwesto sa lamesa namin.
“Diba si Sabrina Rondavalle iyon?” tanong ni Zae sa amin. Sabrina? Familiar ulit siya.
“Yung nabunggo ko ba?” tanong ko pabalik sa kaniya at tumango naman si Zae.
“Taga Accountancy yan diba? Yung laging pambato ng College of Business and Commerce pag may mga pageant? Sabagay, maganda naman talaga siya.” ani Harper habang busy na hinalo yung pasta niya.
Is she the one Elias talked about last time? Or maybe it's his girlfriend already since he said “I love you”
“Oo yun ata, marami naman nanliligaw dyan eh pero hindi niya yata sinasagot dahil committed siya sa isa,” ani Zae.
“Kanino?” tanong ko at lumingon naman sila sa akin.
They both shrugged. Wala atang nakakaalam kung sino ang boyfriend nung Sabrina. Well I already have a hint.
Pagkauwi ko ay dumiretso muna ako sa mall para mamili ng damit na susuotin ko sa upcoming party dahil baka busy na ako sa susunod na mga araw dahil sa Charity Event.
Walang masyadong tao sa department store kaya kahit mga bulong ay rinig na rinig ko pa rin. Kinuka ko yung dalawang party dress at namili pa ng iba para isusukat ko at pagpipilian.
“Bagay po sayo yan ma'am!” ani ng saleslady at lumingon naman ako kung sino iyon, nandoon pala sa kabilang lane.
“Really? I think ito nalang siguro bibilhin ko. Mabuti ka pa kasi para akong walang kasama dito!” ani ng isang babae.
Linapitan ko iyong saleslady na nasa kabilang lane para magtanong kung nasaan ang fitting room. Pagkarating ko roon ay nagulat ako na nandoon si Elias at kasama niya pa si… Sabrina! Yung nabunggo ko kanina!
I cleared my throat habang di ko pa rin tinanggal ang tingin ko sa kanila. Napalingon din si Elias sa akin pati na rin si Sabrina dahil siguro nagulat ako sa kanila.
“Miss pwede po ba tong tatlo isusukat sa fitting room and nasaan po ba fitting room niyo dito?” tanong ko at bumitaw na ako ng tingin sa kanila. Hindi naman nila siguro ako kilala pero dahil naka-ID pa ako, doon nila ako makikilala.
“Actually nasa kabila pa po ma'am. Papunta rin po sila sir doon, pwede ka pong sumama sa amin,” ani ng saleslady.
Talaga lang huh?
Wala akong choice kundi tumango at sumunod sa kanila. Ngayon pa talaga ako minalas!
Pagkatapos kong magsukat ay pinili ko nalang yung blue dress dahil iyon talaga nagustuhan ko. Lumabas ako ng fitting room at buti nalang, wala na sila.
So totoo pala na magkasintahan ang dalawa? Ano namang pake ko roon?
Dahan-dahan lang akong naglakad patungog parking lot at baka maabutan ko na naman sila, baka isipin pa nila na sinusundan ko sila at hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko silang dalawa na mukhang pauwi na rin at hindi lang iyon! Tinali ni Elias ang sintas sa sapatos ni Sabrina habang ang babae naman ay nakangiti siyang pinagmasdan.
Minalas ba naman ako ngayon!
Pumasok nalang ako sa kotse at mabilis na umalis.
YOU ARE READING
Into the Stars
Mystery / ThrillerAnastasia Maeve Zaccardi is a young woman with an unyielding spirit and a burning desire to achieve greatness, despite the problems she faced in her past. She had always longed for a better life, and one day, her dreams came true when she was adopte...