SIX

2 0 0
                                    

Confusion

Naging mabilis ang pangyayari. Hinanda ko ang sarili ko para mamayang 4PM sa Charity Event. We'll just be giving gifts for the children at magpakain sa kanila. I contacted Ysha at sabi niya handa na raw lahat and she send me some photo of it. I curl my hair and put minimal make-up. I only wear a mom jeans and a comfortable shirt from H&M dahil paniguradong mainit mamaya. Alas dos pa lamang ng hapon ay umalis na ako papuntang office, I also wear a sunglasses dahil sobrang init.

Pagkarating ko roon ay sumalubong agad sa akin ang team ko. They greeted me before sitting down.

“Okay, I guess we're all settled and sa comapny van lang kayo sumakay mamaya tapos yung mga ibibigay ay ibang sasakyan ikakarga,” ani ko at tumango naman sila.

Malapit nang mag-4PM kaya minessage ko muna si Alistair dahil baka nauna na sila roon. I immediately grab my phone when I saw the traffic light turned red at 150 seconds pa naman iyon.

@maevaccardi
Hi! Marami na bang mga kids dyan?

@alistrfnn
Yup, your company van is already here also pati mga gamit niyo. Nasaan ka na?

@maevaccardi
I'm on my way, don't worry. See you later!

Binaba ko na agad iyon dahil malapit nang mag go signal.

I scanned the whole place when I enter the small village, para siyang may parke roon at may mga malalaking puno kaya di masyadong mainit. I parked my car and do some retouch first before leaving. Nakita kong nakaset-up na sila sa tent namin at inarrange ang mga gamit, busy din yung dalawa pang corporations sa pag-aayos at wala pang masyadong mga bata.

“Ano pa ba ang kailangang gawin? Maybe I could help!” ani ko at agad naman silang napalingon.

“Naku! Wala na po ma'am, kaya na po namin ito at saka konti lang naman po ito kaya't matatapos din,” ani Ysha and I smiled at them.

Umupo muna ako sa tent at pinaypayan ang sarili ko. Hindi ko tinanggal ang sunglasses ko dahil medyo maliwanag pa rin kahit na nakasilong kami. Maya't maya pa ay may dumating na itim na van, mukhang kompanya to nila Alistair. Hindi ko na siya hinanap pa dahil baka busy.

Nakita kong may bumaba na isang pamilyar na lalaki doon at sa di inaasahan ay siya na naman. Nauna siyang bumaba at inilahad niya ang kamay sa babaeng bumaba rin, nakadress ito at nakalugay ang maikling buhok.

Pati ba naman dito?

Umirap ako at kunwari busy sa panonood ng kung ano sa cellphone ko. Naramdaman ko rin na may lumapit sa akin pero hinayaan ko lang iyon.

“Malapit na magstart. We need you there para sa formal introduction since you're the representative of Millers,” ani Alistair at sumunod naman ako sa kaniya.

Pumwesto ako sa gilid katabi si Alistair at isang babae na sa tingin ko'y sa Crystalline Chateau na company. Nasa kabilang side naman sila Elias kasama ang girlfriend niya.

“To formally start, let me introduce to you the four shipping companies today that help us in our event. Starting off the Millers Shipping Line Services Corporation led by Ms. Anastasia Maeve Zaccardi,” tawag ng host sa akin. Ako pa talaga na una!

Tumayo ako at nagbow sa harap at kumaway-kaway pa at nagpalakpakan naman sila.

“Next is the Fuero Resort and Shipping Services Corporation, led by Mr. Elias Phineus Naclerio,” ani ng host, napalingon ako kay Alistair at nakangisi pa siyang pumalakpak.

Akala ko siya nag-manage nito?

“Uhm, akala ko ikaw nag-manage? Yung kapatid mo pala?” tanong ko sa kaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Into the StarsWhere stories live. Discover now