Meet
“Ano meron? Bakit kayo naghihiyawan?” kararating ko lang at sobrang ingay na nila.
“Gaga andito na mga nautical students, bumalik na yung isang batch,” Harper giggled at patuloy pa silang dalawa ni Zae na makiesyoso.
“Pangit ng taste mo Harper, e redflag daw yan e!” ani Zae
“Matagal na akong flagpole, di mo ba alam yun?” saad ni Harper at kinikilig pa sa pinagagagawa nila.
Napailing nalang ako at inayos ang buhok ko. Wala naman akong panahon sa mga ganyan.
Pumunta na kami sa kitchen room dahil magkakaroon daw kami ng plating design next week at ang mapili dawng pinaka-unique ay perfect sa performance task. Hinayaan kaming magpractice roon buti nalang natigil na sina Harper at nag-focus na.
“Init ah! Hindi ba pinaandar yung aircon?” ani ng isa kong kaklase kasi totoo naman.
“Mahina lang, tinitipid tayo.” tawa ng isa ko pang kaklase.
Tumutulo na yung pawis ko sa plato kayuyuko ko at inayos yung gawa ko. Tumayo ako ng maayos at pinunanaan mukha ko gamit kamay ko.
“Buti pa si Maeve, ang ganda pa rin tignan kahit sobrang pawis,” komento ng bakla kong kaklase.
“Thank you,” nahihiya kong sambit at halos silang lahat nakatingin sakin habang pinupunasan ko sarili ko. Nakakahiya tuloy.
Umalis ako mag-isa at kumain sa tabi-tabi. Hindi ko kasama sila Harper dahil may pupuntahan raw sila para magpa-cute. I’m glad that they stayed despite of my past. Silang dalawa lang ang nakakaalam kung ano ako and they still accepted me as a perfect person.
Ms. Cara texted me na papuntahin niya raw ako sa office mamaya. Sana ay hindi ako pagagalitan dahil sigurado akong palpak yung trabaho ko noong nakaraan. I'm the heiress of the company so I should work hard and act as a deserving heiress. Pagkarating ko roon ay mukhang mainit ang ulo niya habang hawak niya yung papel na ipinasa ng empleyadong nakayuko sa harap niya.
Tumalikod ang lalaki at nung nakita ako ni Ms. Cara ay wala pa ring emosyon ang kaniyang mukha, mas kinabahan ako lalo.
“Maeve, I told you several times kung paano gagawin yung pinapasa kong proposal sayo pero hindi mo pa rin sinusunod ang sinasabi ko,” untag niya, ramdam ko ang galit niya.
“Pasensya na po, aayusin ko po sa susunod,” mahina kong saad.
“As you should. Prove to me and to your mom na deserving ka sa magiging posisyon mo. Gusto mo bang yung nanay mo mag-train sayo?” aniya at agad akong umiling.
Ayaw kong si Ms. Carol dahil alam kong mas higpit siya at baka makalimutan niya pang “anak” niya ako.
Sinend ni Ms. Cara ulit ang lahat ng kailangan irevise dahil gagamitin daw iyon sa darating na meeting. I'll be the one who will present it in front of others, mga may malalaking titulo dito.
I tried my best not to cry while typing in my room. Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil hindi ko ginawa ang tama at napahiya pa ako. Chineck ko yung oras at malapit na maghatinggabi. Great. Kakapal na naman make-up ko bukas dahil paniguradong sabog ako papasok.
I rested for a while and binasa ang text ni Harper sakin kanina, nag-reply naman siya agad at hindi pa rin ito natulog.
Harper Aijle Nueva:
teh, marami kaming nahunting kagabi. gusto mo bigay ko sayo socials nila hehe.
Anastasia Maeve Zaccardi:
ewan ko sayo, mabuti pa tulungan mo nalang ako sa proposal ko.
Harper Aijle Nueva:
ih kaya mo na yan, di nga ako tumuloy sa business ad tapos papagawin mo pa ako ng ganyan. iiyak talaga ako.
YOU ARE READING
Into the Stars
Mystery / ThrillerAnastasia Maeve Zaccardi is a young woman with an unyielding spirit and a burning desire to achieve greatness, despite the problems she faced in her past. She had always longed for a better life, and one day, her dreams came true when she was adopte...