PROEM

6 0 0
                                    

The ships under their command proudly display billowing sails that catch the mightiest winds. Flags unfurl boldly, waving in defiance of all adversity. These vessels cut through the waves with unbreakable determination, each one a floating fortress of ambition and adventure, answering only to the call of the open sea.

However, beyond the glint of gold and the allure of glory, this realm is fraught with dangers and uncertainties. The untamed storms can unleash chaos, rival crews can engage in treacherous maneuvers, and the deep sea's siren song can be dangerously alluring.

“Sino yung next target? Matatapang ba mga yan?” ani Will habang humihipak ng sigarilyo.

Nanatili ako sa kinauupuan ko at nakatingin sa mapa. May bago na naman kaming target at iyon ang pinakamalaking barko na lumalayag ngayon. Sanay na kami dito at hindi natatakot, dito kami nabubuhay, sa pagpipirata. Alam kong mali ito at hindi ako sanay sa tunay na mundo, kumbaga may sarili kaming mundo at sa isang maliit na isla kami naninirahan at palipat-lipat pa, walang permanenteng tirahan dahil baka kami'y mahuli.

“Sigurado ba kayo dyan? Hindi pa tayo handang sumugod at masyadong malakas sila,” nagaalalang saad ni Jad, isa sa kasamahan namin. 

“Kailangan natin ng pera ngayon. Paubos na ang ating mga konsumo at wala na tayong pangkain,” sumabat si ate Raina, ang pinakamatanda na babae dito sa aming grupo.

Dalawa lang kaming mga babae at halos lahat naming kasama ay lalaki. Para sa akin, mababait sila pero sa tingin ng mga tao na nakatira sa lupa ay hindi. Isa kaming magnanakaw. 

I stood up and keep myself busy, nagtimpla ako ng kape dahil sawa na ako sa pakikinig nila. Go naman ako kahit anong sapalaran yan. They trained me well at hindi ko isasayang iyon. Sadyang desperada lang akong mabuhay kaya nakipag kampihan ako sa kanila.

Minsan napaisip ako. Is life out there really fun? Kakayanin ko bang mamuhay doon sa mga taong may normal na pamumuhay? At hindi isang babaeng pirata na tingin nila'y nakakadiri.

Humigop ako ng kape at pinagmasdan ang dagat. May raket na naman kami bukas at maghahanda na kami ngayon ng mga dahas. Hindi pa namin naranasan mahuli at sana nga hindi kami mahuhuli dahil napakadelikado ng plano namin.

“Anastasia? Ayos ka lang ba dyan? Tulala ka ah,” ani Ate Raina. Tinuring ko siyang nanay at kapatid dahil kami lang dalawa yung nagkakaintindihan.

“Opo, kape po tayo ate,” I offered but as usual, she declined.

“Wag na, baka nenerbyosin lang ako dyan,” humalakhak siya at naalala ko dati nung uminom siya ng kape at nanginginig buti nga ay naagapan.

Maya't maya'y dumating si Kap. Berning kasama ang iba pa naming kasamahan, siya ang lider namin sa lahat. Siya rin ang kumupkop sa akin. Nag-umpisa na kaming gumawa ng dahas gamit ang kahoy dahil hindi namin sasayangin ang aming mga mamahaling dahas.

“Handa ka ba bukas Anya?” ani Kap. Berning. Tumingala ako at ngumiti sa kaniya.

“Opo, Kap.” 

“Mabuti naman, maghanda na kayo't baybayin natin ang karagatan bukas. Hindi tayo dapat matatalo sa mga taong yan,” paalala ni Kap. 

Napatingin si Yago sa akin, at tumingin ako pabalik sa kaniya. Napailing siya kaya hinayaan ko nalang.

“Sa oras na darating tayo dyan, ihanda niyo na mga sarili ninyo,” ani Wil at ginamitan niya pa ito ng telescope kung wala bang nakabantay sa amin.

Hinila ko ang lubid at kinarga iyon sa braso ko, sobrang bigat pero kinaya ko. Inayos ko ang aking tali sa buhok at nakadikit na sa gilid ang dala kong pana at tinago yun gamit ang isang mahabang longsleeves. 

Into the StarsWhere stories live. Discover now