THREE

2 0 0
                                    

Words

Mabilis ang mga pangyayari, ilang linggo na rin simula noong nagkita kami ni Alistair. I don't think he recognised me but surely he does. Naging mas busy pa ako lalo sa finals namin at nagsimula na rin ako magsearch ng mga magagandang hotels and suites na aming tutuluyan sa OJT namin.

“Congratulations for our top 3 highest sa examination natin last week. We got Lazario, Madrina and Reyes. Sa mga hindi natawag, bumawi nalang kayo next exam natin, as you should dahil malaking impact ito sa magiging grades niyo,” pag-aanunsyo ng prof namin.

Bumagsak na naman ang mga balikat ko at nag-iba ang timpla ng pakiramdam ko ngayon.

I’m not called? That means I got…low scores? 

Buong gabi kong pinagtuunan nang pansin iyon pero wala pa rin nagbago sa score ko. I noticed my classmates were happy for their scores nung natanggap na nila ang kanilang papel. I’m aiming for president’s lister this year para naman makapagtapos ako na may latin award.

Name: Anastasia Zaccardi

Course and Section: BSHM major in CLS 2-A

Score: 55/80

“Tangina, score pa ba to?” bulong ko.

“Ilan ka?” tanong ni Harper sa’kin. Mukhang malaki ang nakuha niya kasi parang masaya siya ngayon.

“Secret, kailangang e gatekeep,” pang-aasar ko sa kaniya.

“Sus, paniguradong mataas yan ikaw pa,” she complimented me before going back to her seat.

I hope so, I hope so, Harper but I didn't meet your expectations, not even a bit.

“Mommy Carol sorry na po, nag-aral naman po ako eh, mahirap lang po talaga yung exam,” ani ko habang tumutulo na yung luha ko

“Kung nag-aral ka hindi ganyan yung nakuha mong marka! Hindi mo kasi sineseryoso ito, lagi ka nalang hindi nakikinig sa akin. Even one mistake can change your life, Ana paano na lang kaya yang apat?” sigaw ni Mommy Carol

“Four wrongs lang naman po mabab-”

“Kahit na! Nangyari na iyan! Diba sabi ko one wrong or perfect lang ang usapan or else pero anong ginawa mo ngayon?” aniya at napayuko ako habang tumutulo na ang luha

“P-pasensya na po, babawi nalang po ako sa susunod,” hikbi ko at pinunasan mga luha ko.

“As you should! Kasi kung hindi ipamimigay na kita sa iba,” she’s very fussy right now that she even forgot how control her words.

Napatingala naman ako sa kaniya nung nasabi niya iyon.

Ipamimigay? Bakit? May pamilya naman talaga ako ah! 

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin, hindi pa ako nakakamove-on sa nakuha kong marka. Nag-ayos muna ako bago umalis. May dala akong sasakyan at maagang natapos klase namin ngayon at buti nalang hindi ako kailangan sa office.

Napagdesisyonan kong pumunta sa may tabing dagat at may dike doon, kung saan makikita yung dagat at ibang mga gusali, sana walang masyadong tao ngayon. 

Hinarap ko ang simoy ng hangin sa dagat at medyo malamig ito dahil palubog na rin yung araw. Pinagmasdan ko yung ibang mga tao na nagkukwentuhan at may kung anong pinagkaabalahan.

Pressure.

Dreams.

Goals.

Ang hirap, sobrang hirap.

Into the StarsWhere stories live. Discover now