Twin
“Come in,” I uttered.
Marami akong ginagawa ngayon sa office, including some paperworks kaya medyo pagod na rin ako kahit umaga pa lamang.
“Ma'am magpapasa lang po ng proposal para sa bagong project na gagawin po. Sayo raw muna ipapasa bago ipresent sa susunod na araw,” ani ng isang OJT dito.
Mukhang sineseryoso at pinagkatiwalaan na ako sa trabahong ‘to.
Kinuha at binuklat ko muna iyon, I scanned the first page and it looks…messy. First page pa lamang at ang kalat na. Napakamot ako sa kaliwang side ng ulo ko at tinignan ang OJT. I smiled at her first, gusto ko silang tratuhin ng patas, parang OJT din naman ako dito, ang pinagkaiba lang namin ay mas pabor ako kaysa sa kanila ngunit pareho lang kami ditong gustong matuto.
“Uhm, can you please redo the first page? And also put more details na narito sa second to fourth page niyo para naman mas detalyado pag prinesent natin ito sa board. What I mean sa pag-redo is it's kinda messy, halo-halo ang mga ideas ninyo lalo na sa first page. I bet we can just do straight to the point at lagyan pa ng details. What do you think?” I look at her at para ata siyang natakot at napalunok ito.
“S-sige ma'am. Gagawin po namin ulit. Pasensya na po talaga ma'am,” she said before bowing to leave
“Thank you for taking my advice and for your hardwork. I really appreciate this,” I smiled at her once again.
I checked my phone kung may gagawin o ipapasa ba kami through online and good thing is wala. I rested my back sa swivel chair at pumikit saglit. I then decided to take a break for at least 10 minutes and take some coffee and bagels.
Bumaba ako and the employees are bowing at me. I just smiled at them, halos mapunit na yata labi ko sa kakangiti sa kanila. I ordered in the cafeteria at napagdesisyonan na sa office nalang kumain. I took a photo of it and posted it in my Instagram story.
May kumatok na naman sa pinto kaya pinapasok ko lang. Wala naman akong ginagawa bukod sa kumakain ako. Pagkakita ko kung sino ang pumasok ay umiba naman ang timpla ng mukha ko at napaayos ako ng upo.
“What a surprise! Why are you looking at me that way?” Ma'am Carol sit on the couch in front of my table, pinagmasdan pa nito ang kabuuan ng office ko.
“Do you need anything?” I asked in a calm voice.
“Wala naman, just checking on you. Just checking on how well the future CEO performs in the company,” she smiled at me.
“Sino po ba iyong mga bisita kagabi?” tanong ko, inignora ko lang ang sinabi niya.
“Hmm, that. They are…let's just say ang tagapagmana nila'y makakalaban mo rin,” aniya.
“Kaya pala basta-basta lang siyang mang-underestimate ng mga kurso sa tao?” hindi ko na nakayanan pa at nasabi ko iyon.
“You know Anastasia, just ignore what other people think of what you're doing. Yung pagtatanggol ko sa iyo kahapon, I think that's enough for them to know na hanggang doon lang ang kaya ko. I think it's time for you to shine and save yourself instead,” she brushed my hair at napatingin naman ako sa kaniya.
“What do you mean by that? Mas marami ka atang kalaban sa negosyo mo kaysa sa mga partnerships na ipinapatupad mo together with other companies. Sa tingin mo ba'y magtatagal ito?” tanong ko. Hindi ko talaga siya maiintindihan minsan!
“It's easy for you to say that. But, one day you'll understand, kung paano magpaikot ng mga tao lalo na sa negosyo,” may diin ang pagkakasabi niya roon.

YOU ARE READING
Into the Stars
Mystery / ThrillerAnastasia Maeve Zaccardi is a young woman with an unyielding spirit and a burning desire to achieve greatness, despite the problems she faced in her past. She had always longed for a better life, and one day, her dreams came true when she was adopte...