CHAPTER 40

48 24 7
                                    


The next morning, nagising ako dahil sa nakakasilaw na liwanag mula sa bintana. Sa couch nga pala ako natulog after I woke up in the middle of the night where Walter was sleeping beside me.


Nong tumayo ako ay hindi ko nakita si Walter, he's not even in the wardrobe, so I'm sure na lumabas at bumaba na siya. Kaya naman nag prepare nalang rin ako. I took a quick shower and changed to a comfortable men's clothes as usual.


I was in the middle of fixing my tie when someone suddenly knocked on the door.


"Sir Daniel? Gising ka na ba?" It was Walter's knight, sir Calloy.


"Yeah. Come in." I simply replied at mas pinagtuunan ng pansin ang pag-aayos ko.


I heard the door open, "Pinapasabi ng Crown Prince na kapag ready ka na, kumain ka raw muna sa baba." sabi ni sir Calloy.


"Where is he?" tanong ko naman.


"Nasa baba, nag aalmusal." agad na sagot niya, I just simply nodded.


Agad na tinapos ko nalang ang ginagawa at lumabas na rin ng room namin. Pagkababa ko ay nasa cafeteria nga ng inn ang mahal na prinsipe.


Naaalala ko bigla ang nangyari kagabi. I took a deep breath before lumapit sa kaniya. I don't know what happened after I fell asleep and how he slept beside me. Kinakabahan ako at marami akong naiisip na possible na nangyari. He might get a hint of who exactly I am just because of that.


"Did you sleep well, Daniel?" Nagulat at napabalik ako sa reyalidad when Walter suddenly speaks and asks. He is looking at me and looks like waiting for my answer.


"Ah, yes, your highness." I simply mumbled.


Tumango-tango naman siya, "Sit down and eat. We'll continue our trip when your done." sabi niya.


"Uh, thank you." simpleng sagot ko na hindi manlang nakatingin sa mga mata niya.


Nagsimula akong kumain at pansin ko naman na hindi na siya kumakain at tahimik lang sa harapan ko. There's no one around us except sa dalawang knight na nakatayo sa may entrance ng cafeteria. Maybe they asked the owner to prohibit strangers or other people from entering at the moment habang nandito ang Crown Prince.


Ang aga aga pero nararamdaman ko na parang may namumuong pawis sa muka ko.


Kahit hindi ako nakatingin, I can feel his stares.


I put down the spoon and fork, and glanced at him which I confirmed na talagang nakatingin nga siya sa'kin.


"H-Hindi ka na ba kakain?" I awkwardly asked.


"Nope. I'm already done. Kanina pa." sagot niya naman habang nananatiling nakatingin sa'kin.


Napaiwas nalang ako ng tingin at muling bumalik sa pagkain. Ano bang problema ng lalaking 'to. It's really awkward. Hindi ko manguya ng maayos ang kinakain ko. Feel ko pati 'yung kaluluwa ko ay tinitingnan niya.

The Count's Daughter Where stories live. Discover now