Chapter Three

61 5 2
                                    

Author's Note:
Di ko alam kung may nagbabasa pa nito, pero Update parin. ( •_•)
Comment din po kayo para alam ko rin kung karapat dapat din ba itong ituloy o hindi na. Pleaseee.... ( T^T)*sob

Nakalimutan ko bang sabihin na boyxboy story toh? Well, oo. Kaya kung ayaw mo nang ganitong klaseng kwento, then click the back button. ( * *,)
Ehh..kung makulit ka talaga, then continue.

---------------------------------------------------------------

Kent POV

Hindi ko alam kung bakit ang laki ng galit sa akin ni Jader, na wala na syang ginawa kundi lagi akong saktan at ipahiya sa maraming tao. Ni hindi ko nga maalala na kinausap ko yan nung una palang kaming magkakilala ehh...kahit na magkaklase kami. Di nga ako nakikipagdaldalan sa mga katabi ko kasi nahihiya nga ako, tsaka di naman ako talaga palakaibigan, yung tukmol nga lang ang kausap at kasama ko hanggang ngayon eh.

Oo nga pala, nasan na yung tukmol na yun. Sana naman pumunta sya dito at tulungan nya ako. Anong laban ko dito eh, malaking mama din eto eh. Hanggang salita lang naman ako. Huhuhu. Haylord, please lang naman. Promise talaga pag niligtas mo ako sa mokong na toh, ililibre kita mamayang break time.

"Ano tutunganga ka nalang dyan? Wala ka bang sasabihin?" sabi nito na lalong hinigpitan ang hawak sa kwelyo ko at pagdiin ng likod ko sa locker.

"Jader....di na ako makahinga....." pagmamakaawa ko sa kanya. Medyo napapansin na rin kami ng mga kapwa namin studyante. Dahil naririnig ko na ang mga bulong bulungan nila. At alam ko na ito ang mas gustong gusto ni Jader, ang pinapanood sya.

"Yan, ganyan nga. Gusto kong nakikitang ganyan ka. Ano magmamakaawa ka na?"

"Jader...bitawan mo na ako...."

"Hm? Ano yun? Di ko marinig.." sadistikong sabi nito. Sabay higpit ng kwelyo ko at diin sa leeg ko.

"Jader! Bitawan mo na ako!" sigaw ko sa kanya. Nagulat ang mga nasa paligid ko. Walang nagsalita, maski si Jader nagulat din sa ginawa ko na ikabitaw ng hawak nya sakin. Ngunit ng mahimasmasan na sya, bigla nya akong sinimukmurahan.

"Sinisigawan mo na ako. Ano? Ano kaya mo na ako?"

Napaluhod na lang ako sa sakit. Ewan ko ba, di naman dati ganito si Jader sakin. Hanggang pang aasar lang sya, pero ngayon, namimisikal na sya.

"T*ngina mong gagong ka!" biglang sigaw ng isang boses sa harap ko. Nakita ko nalang si Jader na nakahiga hawak hawak ang dumudugong labi.

"Huwag na huwag mong mahahawakan si Kent ng ganyan! Gago ka! T*ngina mo!" banta nito. Alam ko na kung sino toh, walang iba kundi ang nag-iisang tukmol. Susuntukin pa sana ni Haylord si Jader, pero ayaw ko na ng gulo.

"Haylord, tama na." hawak ko sa braso nya. Tumingin ito sakin, na parang di ako seryoso. Kahit, gusto kong gantihan ako ni Haylord, pero baka lalo lang lumala ang sitwasyon. Tsaka baka makasira pa nito ng record nila sa Basketball Team. At ayaw ko namang mangyari yun.

"Please, Haylord tama na." pang uulit ko sa kanya. Napahinga nalang ito ng malalim at umiling.

"Magpasalamat ka at mabait tong bansot na to. Kundi hindi, hindi lang yan ang aabutin mo."

"Tsk..." sabay tayo ni Jader. "Oo na, oo na. Napaka KJ mo talaga. Oo nga pala Haylord may practice daw mamaya sabi ni coach." sabi nito na parang walang nangyari. Sabay lakad palapit samin. Napahawak nalang ako sa braso ni Haylord. Napakuyom naman ang mga kamao nito.

"Relax. Di pa tayo tapos....bansot." bulong nito sakin, tsaka naglakad palayo. Pumaling ang tenga ko sa sinabi nyang yun. Bansot? Parang gusto ko nang bawiin yung sinabi ko kanina at ako na ang bubuntal dito (ewan ko lang kung aabot ang kamao ko sa mukha neto).

"Magulo Nga Kasi" (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon