Author's Note:
Sa mga readers po na nagtatanong kung true to life po ito? Hindi po lahat, yung iba po hindi. Dagdag ko lang po. Pero nagpapasalamat po talaga ako sa mga nagandahan ng kwentong toh, kahit maraming mali at typo errors. Sensya na po hah? Gagalingan ko na lang po sa sususunod. Thanks po ulit!
_____________________________________________
Kent POV
Nakakaboring talaga sa room. Daming subjects! bakit di kaya mga styudante nalang ang pipili ng subjects nila? Pag ayawng subject? Edi wag pasukan! Simple lang na katwiran ng mga walang alm sa school gaya ko. Bakit ba kasi naimbento pa yang Math na yan. Nakakainis! Pakialam ko sa X mo? Ano ngayon kung yung isa ay power of 10 at yung isa power of 2 lang, tapos sasabihin ng teacher mo na equal sila? Nakakatanga lang. lao na yang mga sintax sitax na yan? Aba malay ko dyan, dami ko na ngang problema sa buhay, bibigyan pa ako ng sankatutak na problem. Hayyyyyssss....
Ito namang si Pearl, ayun, easy easy lang. Ni calculator wala ehh. Ang galing sumagot sa mga tanong. Syempre katabi ko sya, kaya kopya lang ako ng kopya. Mabuti nalang talaga umalis yung isang katabi ko kanina, kaya agad agad umupo ito sa tabi ko.
Ito namang si Haylord, tahimik lang sa klase. Matalino din ito ehh. Kaya minsan sumisilip din ako sa papel nito. Ako lang ang di binayayaan masyado ng talino. Konti lang. At yung konting yun, madalang ko lang gamitin. Nakakatamad kaya. Sabi nga ni mama, kaylangan ko pa daw pukpokin ng maso bago kumilos. Tsk!
At yun, natapos din half subjects ng morning period. And here we go! My favorite subject is Break Time! Kahit hindi man ako mahilig kumain, may inaabangan naman ako lagi sa Pantry. My favorite home made ice-cream! Pero hindi pa ako nakakalabas, hinila na ako ni Pearl este Honey. Yun daw ang itawag ko sakanya. Haaayyysss....
"Tara na Kent! Libre kita!" hila nito sakin na hawak hawak ang kamay.
"Ummm..teka teka...yung sintas ng sapatos ko."
"Ako ang manlilibre sa kanya, pwede ba?" bigla namang hawak ni Haylord sa kabilang kamay ko.
"Ow? Bakit hindi mo samahan yung mga ka team mo? Dun ka diba bagay?" sabi naman ni Honey na nakangiting plastikan lang. Napahinto naman si Haylord sa sinabi nito.
"Huwag ka ngang asungot!" singhal naman nito.
"Asungot? Kung kay Kent lang ang usapan, parang ako ang hindi asungot dito eh..." sabi naman ni Honey sabay hawi ng buhok. Napabitaw naman si Haylord sa kamay ko, parang napahiya sa sinabi ni Honey.
"Teka, teka guys! Huwag namang ganyanan. Cool tayo ok? Cool tayo di ba?" sabi ko sa pagitan nila. Bakit ba ang iinit ng ulo nila. Grabe tong mga toh.
"Hmp!" simangot naman ni Honey.
"Kent? Sige sama ka muna dyan. Baka di ako makapagtimpi dito eh." sabi ni Haylord sabay talikod sa amin.
"Wow hah?"
"Haylord! Teka lang!" sigaw ko dito pero di na ito lumingon. Bumaba na ito ng hindi umiimik.
"Nagmumukha akong kontrabida dito. Pero hindi ako palagay doon ehhh...sorry Kent hah? Bad ba ako?" sabi naman ni Honey na nakapout. Di ko alam kung maiinis ako dito o matatawa sa ugali nito.
"Ok lang yun. Mamaya ok narin yun. " sabi ko naman.
"Matagal na ba kayong magkaibigan nun talaga?" tanong niyo habang naglalakad kami papuntang pantry area.
"Oo naman, sabay nga kaming lumaki nun. Dikit nga bituka namin sa isa't isa eh." masaya kong sabi dito.
"Hmmm..talaga lang hah?" parang di makapaniwalang sabi nito.
BINABASA MO ANG
"Magulo Nga Kasi" (ON HOLD)
Ficção AdolescenteTurtle Sage for Updates (sobrang bagal) May mga tao na di mo mawari kung sila nga ba ang totoo sayo o hindi. Minsan naman, di mo alam kung dinadaya ka ng panahon o ikaw mismo ang dumadaya sa iyong sarili. Ang tao bang itinuring mong kasangga, kaibi...