Chapter Six

47 5 0
                                    

Author's Notes

Hi! Sorry talaga sa late update..di ko napansin na buwan na pala ang itinagal ko bago ako mag UD..babawi nalang po talaga ako...

Again, thanks guys!

ㄟ(≧◇≦)ㄏ please vote or comments po kung may suggestions kayo.

______________________________________________

Kent POV

"Bakit ka mag isa dito" biglang tanong sa likod.

"Ehh..walang gustong makipaglaro sakin ehh.." sabi sabay lingon at tulak ng paa sa swing.

"Hmp...hayaan mo mga yun...Eto oh..gusto mo?" sabay abot ng ice cream na naka cone.

"Ehh..panu ka?"

"Ok lang...kunin mo na kaya."

"T..thank you ahh..." sabay abot sa ice cream.

"Hmp..oo na." sabay lingon sa kabila.

"Gusto mo share tayo?" sabay lapit ng ice cream na hawak sa mukha ng katabi.

"Hah! Wag na..sayo na yan." sabay iwas ng mukha.

"Sige naaaaa....."

"Ayaw."

"Ehhh...malinis naman ako ehh...nag tootbrush kaya ako..kaya wala yang germs. Sige na." sabay pilit lapit ng ice cream sa mukha ng katabi.

"Kulet..ayaw nga ehh.."

"Sige na plishhhh..."

"Hindi na sabi ehhh..kakulit mo!" iritang sabi neto.

"Sige na...sayo naman to ehhh..." pagpupumilit neto.

"Ayaw ko nga eh!" napalakas ang sabi neto na ikinagulat naman ng kausap.

"K...Kasi...gus...Hik..gus...*sob*..gusto..hik...ko lang n..nman..*sob*...na s..share t..tayo ehh..hik." sinok at luha nito. Napasabunot nalang ng buhok ang kausap. Medyo nakonsensya dahil umiiyak na ang kausap dahil sa kanyang kagagawan.

"Ummm..sorry...uyy. Sige na nga oh! Tsk..kulet."

"Talaga?" Bigla nalang ito ngumiti tapos pinunasan ang luha.

"Oo na nga ehh...akin na nga ulit yan. Pasahan tayo."

"Yeheyyy...ako muna." tuwa naman nito sabay dila ng ice cream.

"Tsk." sabay kamot nito sa buhok.

_________________________________________________________________

Bigla nalang akong nagising ng tumunog ang alarm clock ko. Pilit kong inaabot ito para patahimikin ang bwisit at nakaririnding ingay na bumalabog sa umaga ko. Nakailang abot na ako, pero di ko parin maabot-abot ang Off nito. Dahil sa bwisit ko, binato ko nalang nang unan at nagtalukbong ulit ng kumot. (ノÒ益Ó)ノ彡▔▔▏

Pwedeng pa extend ng 5 minutes? O kaya 10 minutes, 30, 1 hour? O maghapon nalang kaya? Mas masaya! Nakakatamad pumasok. Nakakatamad umupo sa napakaliit at apat na sulok na puno nang kaboringan. Sama mo narin yung mga nag iingayang kasama mo pati narin sa walang patid na pagsasalita o paninigaw ng matandang teacher na walang ibang ginawa kundi ipamukha sayo na ang bobo bobo mo. Wala na bang sasaya sa oras na yun kundi breaktime o lunch? Sorry naman, kasi bobo ako ehh. Arrrggg! Pinagsasabi ko?

"KUYYAAAAAAAAA! GUMISING KA NA DAW SABI NI MAMA!" biglang sigaw ng kapatid ko na ikinagulat ko.

"Ano ba! Ang aga aga pa ohhh!" lalong sumakit ang ulo ko sa kakasigaw nito.

"Magulo Nga Kasi" (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon