Chapter Seven

40 4 0
                                    

Author's Note

Wala akong masabi. Sige magbasa lang kayo. Sinong gusto ng dedication? Then comment and i will gave it to you!

______________________________________________

Kent POV

Pagdating namin sa school, ayun parang nakatingin na yung mga tao saken. Sa tuwing dadaan ako, lahat napapalingon, nagbubulungan, o kaya may tinging pang aasar o awa ang iba. Wala namang nagsasabi kung bakit. Mga bulong lang ang naririnig ko.

"What's up with them? Parang nakakaloko." takang tanong ni Haylord. Di ko rin naman alam ehh. Pero ramdam ko, di maganda ang mangyayari saken. Yung bang any time, may sasalubong sakin habol habol ng tambo, mop, kalaykay o ano ano pa, dahil may red tag yung locker ko. Lakas lang maka Meteor Garden. Nagkibit balikat nalang ako, dahil ayaw ko nalang pansinin ang kutob ko.

"Oh? Pano? Doon pa ang locker ko. Hintayin mo nalang ako sa locker mo. Ok?" paalam ni tukmol. Tumango nalang ako, tsaka dumiretso narin sa locker ko. Pero bwiset lang, sarap tusukin yung mga mata ng mga toh. Kanina pa ako tinitingnan.

Napabuntong hininga nalang ako sa tapat ng locker ko. Pero ng hawakan ko yung locker ko, biglang tumahimik ang paligid. Para bang hinihintay nila kung ano ang mangyayari pag binuksan ang locker ko.

May sasabog ba, yung puputok na paint, o kaya powder, o kaya mga kutsilyo na tatarak sa mukha ko, o mas maganda yung chainsaw na halos sasabog yung utak ko pakalat sa hallway pagkatapos tumagos sa ulo ko? (Ano to? Happy tree friends? Wild ng imagination neto. Wierdo!)

Hayyyysssss. Ok. Hinga ng malalim.

Pag combined ko ng ng combination numbers, nanginginig kong hinawakan yung handle ng locker ko. Juiceko lord. Sana di ko pa katapusan to. Dali dali kong binuksan ang locker ko sabay ilag sa katabi kong locker. Pre caution ba? Matalino to pre!

Pero wala namang nangyari pagkatapos ko buksan. Kala ko kung ano na. Babalik na sana ako nang may biglang pumutok...

Pok! (Alangan nmang Boom? Bomba? Bomba?)

Narinig ko nalang na may pumutok sa loob sabay talsik ng pulang likido. Dahil wala ako sa harap upang sumalo lahat ng bagay na yun, kumalat na lang ito sa mga taong nasa harap ng locker ko. Parang sumuka lang ang peg. AS IN YUCK!! Parang sipon lang, yung parang nilalabas mo tuwing umaga. Kulayan nyo lang ng red. Ganun! Ganun na ganon!

As in whaaaaaaat the hell! Tama nga hinala ko! Oo, isa sa hinala ko! Nyetang pranks yan! So 90's. Buti nalang nandito ako sa tabing locker nakatayo parin kundi nagmukha na sana akong "Carrie in red gown" nito. Yung converse ko lang naman ang natalsikan ng malagkit na ewan kung ano parin.

Nakatulala parin ako, nang maalala ko yung mga natalsikan ng magsimula na silang magsigawan sa isat isa.

"F*cking sh*t! What the heck!"

"Tang ina! Kapalpak ng plano mo!"

"Sino bang nag isip nito? Di ba ikaw gago!"

"Eh..sino bang nag ayos! Di ba ikaw bobo!"

"Ako pang sisisihin mo ngayon? Ehh..pare parehas lang naman tayong nasabuyan eh!"

"Kabobo nyo pre! Wala kayo sa timing! Masyado kasi kayong pa obvious!"

"Gago! Now look at me! F*ck! This is embarrasing!"

"Tol! Nyeta kayo. Di na talaga ako sasama sa mga trip nyo! Kabobo nyo!"

"What did you say? Are you telling me that I'm stupid?"

"Oo! 3x mo na ngang narinig. Tang ina mo!"

"Magulo Nga Kasi" (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon