Guysss...alam ko na gusto nyo na akong ipadukot ngayon at ipatapon sa ilog, dahil sa tagal kong di nag update. Sorry po talaga at wag naman po sana. Hehehe. Bawi po talaga ako.
________________________________
Kent POVLumipas naman ang araw at ganun parin ang mga pangyayari...medyo naging normal naman kami. Ibig sabihin ko sa normal, ay yung pagsasama namin nina Honey at Haylord. Medyo nagkakasabayan na kami sa pagkain tuwing recess at lunch time pero may kunting away na nagaganap parin sa pagitan nila. Mula sa pagkaing pipiliin ko, sa kutsara, pati pagsubo ko pakikialamanan nila. Kaya pag tuwing ganyan, nagugutom nalang ako dahil hindi ako makakain ng maayos, dahil nauubos lang ang oras namin sa pag-aaway nila at ako sa pag-aawat sa kanilang dalawa. Bwisit nga eh, sarap nilang pag-untugin.
"Ikaw Haylord hah! Kung ano ano nalang pinapakain mo sa Kent ko. Hindi mo ba alam na marumi yan!" pagbubunganga na naman ni Honey kay tukmol.
"Grabe ka! Kung makapagsalita ka namang marumi ito, bakit anong alam mo? At para malaman mo, paborito namin ito ni Kent." bulyaw naman ng tukmol.
"Hoyyy! Di mo ba alam na dyan nakukuha ang sakit na Hepa. Baka mapano pa ang Kent ko dito."
"Hoooyyy karin! Bakit nakita mo bang may Hepa ito? Napatunayan mo na ba? May microscope ba yang mata mo para makita mo?" sigaw nito habang nilalapit ni Haylord ang isang baso ng fishball at kikyam sa mukha ni Honey. Mukha namang nandiri ito at tinabig palayo ang kamay ni tukmol.
"Ewwww! Kadiri ka!" tumawa naman si Haylord ng makitang talo ito.
"Hahaha! Arte naman nito." sabay subo ng natusok na fishball.
Opo, nandito po kami ngayon sa nagtitinda ng fishball, yung nagba-bike? At live nating napapanood ang pagbabangayan ng dalawang mongoloid. At eto po ako, busy na tumitingin sa kawali habang naghihintay na maluto ang pagkaing kanina ko pinaglalawayan. Hawak hawak ko pa ang stick na panusok habang iniikot sa kumukulong mantika upang makita kung may luto na. Katatapos lang namin kumain ng tanghalian pero di ako nabusog dahil din sa kanila. Kaya ng makita ko si manong na nagbibisekleta, agad akong tumakbo dito upang pawiin ang gutom ko. Pero nang mag away ulit sila, hindi ko na sila pinakealamanan, dahil GUTOM AKO! Bahala sila sa buhay nila.
Habang naghihintay nang maluluto, biglang may nagsidatingang maiingay. Paglingon ko, si Jader at ang mga tuta nya.
"Uyy brad, fishball oh?" Tuta#1
"Tara mga brad, kain tayo!" Tuta#2
"Yan, gusto ko yan. Lalo na yung isa dyan." boses ni Jader a.k.a. Mokong.
"Anong isa dyan?" ang malalim na boses ni Brian. Di ko makakalimutan yan. Sya yung muntik nang mambugbog sa locker ko nun.
"Yung...yung kwek kwek. Oo ayun!" natigilan naman ako sa narinig ko. Kasi anim nalang na kwekkwek ang natitira sa kawali, idadaan palang kasi ng asawa ni manong yung extrang itlog pugo, naubusan daw kasi sya dun sa pilahan ng mga tricycle drayber. Gusto ko pa nga sana ng sampong piraso, kaso yun nalang daw ang natira kaya pinapainit ko nalang. Nang marinig ko ang sinabi ni mokong, nagsalubong ang mga kilay ko. Wag nyang sabihing aagawan nya pa ako dito? Dahil p*tang ina, iluloblob ko sya dito sa kawali!
Napansin ko nalang na may mga brasong dumidikit sa magkabilang braso ko. At hindi na isa ang stick na nakaturo sa kawali, kundi lima, anim, pito, walo! Ano toh? Agawan ganun? Nang iangat ko ulit ang ulo ko, katabi ko si Jader sa kabila at si Noah sa kabila ko din.
"Ehem." patikhim ni Jader kunwari. Batukan ko ito eh.
"Nandito pala ito." biglang ngise naman nung Brian.
BINABASA MO ANG
"Magulo Nga Kasi" (ON HOLD)
Teen FictionTurtle Sage for Updates (sobrang bagal) May mga tao na di mo mawari kung sila nga ba ang totoo sayo o hindi. Minsan naman, di mo alam kung dinadaya ka ng panahon o ikaw mismo ang dumadaya sa iyong sarili. Ang tao bang itinuring mong kasangga, kaibi...