Author's Note
Hi Guys! Kahit alam kong walang masyadong nagbabasa neto, UD parin. Expect ko na yun, kasi baguhan palang ako dito. Pero sana..umm..basta...bahala na nga!
--------------------
Kent POV
Hayysss....mabilis ding lumipas ang oras sa araw na toh. Wala naman kaming ginawa kundi mag-ayos ng room at ng attendants ng klase. Yung ibang mga subjects, wala yung mga teacher. Busy daw. Busy? First day of school, busy na kaagad? Kaya buong daldalan lang ang nagaganap at kulitan ang ginagawa ng mga kaklase ko. Ako? Tinatanong pa ba yan, syempre dito lang ako sa gilid ng room, sa may bintana. At dahil nasa second floor kami, kita ko ang buong campus at mga studyanteng naglalakad at nagtatakbuhan sa labas, baka sakaling may matapilok, madapa o masubsob. Enjoy kaya. Try mo.
"Aray!" Bigla nalang may bumato ng nilukot na papel saken. Pagtingin ko sa likod, nakangise ang mokong. Sino pa bang mokong, kundi si Jader pangit. Hmp! Wag mo nalang pansinin. Utos ko sa sarili ko. Titigil din yan, masyadong papansin. (▰˘︹˘▰)
Yung tukmol naman (Haylord), ayun, busy sa mga ka team mates nya. Magpapatry out daw sila next week sa mga gustong mag basketball. Kailangan daw nila ng reserba, kasi pagraduate narin ang mga senior. Pinasasali nya rin nga ako ng tukmol na toh, pero ayaw ko talaga. Baka mag soccer lang ako sa court nyan. (>_< 。)
┏┫*`ー'┣━━━━━━━━━●)゚O゚).。゚
Mga ilang sandali, may sumapol na naman sa ulo ko. ( • ̀ω•́ )✧ Ngayon mas masakit. Tiningnan ko yung papel, mas malaki na ngayon. Tiningnan ko si Jader ng masama. Pagtingin ko sa notebook nya, wala ng mga pages. Pagtingin ko sa papel na binato nya sakin, nanduon nakabalot lahat ng pages ng notebook nya. Bwiset talaga.
"Problema mo!?" Sitsit ko sa kanya.
Dumila lang ang loko, tsaka tumawa ng nakakaasar. (〜^∇^)〜Wala ba tong magawa sa buhay nya kundi mang-asar nalang saken? At dahil sa inis ko, kinuha ko yung nilukot na papel at...
(→_→)..
(╰︹╯)..
(๑•̀ㅂ •́)و ✧
"Bwiset ka talaga!" Sigaw ko sabay bato ko sa kanya. Sakto namang busy sa kakatawa na lalong nagpaliit sa singkit nyang mata, sumapol ng malakas sa malupit nyang mukha. Σ( ° △ °|||)︴
Biglang tumahimik ang paligid. Eto na naman ehh...eto yung mga eksenang kami na naman ang pinapanuod. Ngayon, naniniwala na ako sa kasabihang maririnig mo pati pagkahulog ng karayom, ganun nga ba yun? Dinig ko lang ang bilis ng paghinga at tibok ng puso ko. Yung mga nagdadaldalan, naghaharutan, yung mga walang pakealam, nakatingin na samin. Nice, may audience! Pagtingin ko kay Jader, nakaupo parin ito, at nanduon parin yung impact ng pagkabato ko ng papel sa mukha nya. Di parin sya gumagalaw, yung kaninang tumatawang mokong ay ngayon, parang sinaniban ng katahimikan.
"Ano? Wala ka pala ehh.." paangas ko pang sabi. Pero sa totoo lang, kinakabahan na ako. Kasi dapat kanina pa yan nagwawala at kung ano ano nang di makaing salita ang maririnig ko, pero hindi ehhh...Napatay ko na ba sya? Na murder? Baka makasuhan pa ako ng frustrated murder neto. Paano na yan? Makukulong na ba ako da sa salang pagpatay ka Jader Alacantara a.k.a. mokong? Kabata ko pa kaya. Balita ko, nakakatakot sa kulungan. Marami daw rapist dun. Argggg.....ano ba tung iniisip ko.
( ≧Д≦)Nilapitan na sya ng mga ibang ka team mates nya. Kinakabahan na talaga ako, baka ano nang nangyari sa kanya. Ganun na ba kalakas ang pagbato ko sa kanya, na ikamamatay na nya?
"Tol ok kalang?" Tanong ng mga ka team mates nya. Di ko na talaga kaya ang tensyon, buti wala ang teacher namin ngayon. Kundi unang araw ng pasok, may retention na ako.
Dead air.... ●︿●
.......
Still dead air.... ◐︿◑
.......
Silence.... +︿+
........
Tahimik parin....⊙︿⊙
........
........
P*tng ine! Ano na ba talaga! ( ≧Д≦)
........
........
Bigla nalang gumalaw ang kamay nya at inalis ang nakalukot na papel na hanggang ngayon ay nasa mukha nya pa sabay tingin sakin ng diretso ng may gulat sa mukha. (▔□▔) Well, di ko expect yung ganung itsura nya, pero at least buhay pa pala ang mokong.
Pilit tumayo ng mokong, nahihilo pa ata dahil medyo pasuray suray sya. Sinusundan lang kami ng tingin ng mga tao dito. Dahan dahan syang lumapit sakin, diretso at blangko lang ang tingin. Si Haylord naman, biglang pumunta sa likod ko, ready na sa kung anong manyari. Pero mas lalo akong kinakabahan pag ganito, ayaw ko nang away pero sya naman kasi ang nag umpisa ehh. Pero, si Jader, kalma lang syang lumalapit sakin na mas ikinatakot ko dahil di ko alam kung ano ang takbo ng isip nya.
Nung makalapit na sya sakin, bigla nya nalang pinatong yung mga kamay nya, sabay yuko at lapit ng mukha nya sakin. As in noo sa noo! Tengena, diyoskongmahabaginibukanaanglupaatakoylamunin. Q_Q
Yung hininga nya, tumatama sa mukha ko. Akala mo galing marathon sa bilis ng hingal nya. Tapos nakapikit lang yung mata nya habang magkadikit ang mga noo namin. Nyeta, anong trip neto.
"Ummm...J..Jader..umm.." ano bang sasabihin ko sa lagay kong toh? Pilit kong inililingon ang mga mata ko kay Haylord na nasa likod ko lang para humingi ng tulong, pero wala lang, nanduon lang nanunuod samin. Salamat sa support neh?
"K..Kent..." nabigla naman ako dahil nagsalita ang mokong. Tapos sabay dilat ng mga mata nito. Kung makatitig naman toh sakin, kala mo naman nakakamatay. Pero, bwiset lang, ano na ngayon? Titigan nalang kami?
"Tang ina K...Kent, ka...kalakas nun ah." pautal nya pang sabi, sabay......na ikinabigla ko.
"Putang ina Jader! Asdfghjkgghjgfynmbbvbbcfhb...."
('゜艸゜)..................................................................
Sorry! Short updates lang po kasi magrereview pa po ako sa exam. Sigh...sino bang nag imbento ng math na toh! Find the x? Pakialam ko sa ex mo! Move on! Wag kang bitter! Masyadong pabebe ang Math na toh!
BINABASA MO ANG
"Magulo Nga Kasi" (ON HOLD)
Teen FictionTurtle Sage for Updates (sobrang bagal) May mga tao na di mo mawari kung sila nga ba ang totoo sayo o hindi. Minsan naman, di mo alam kung dinadaya ka ng panahon o ikaw mismo ang dumadaya sa iyong sarili. Ang tao bang itinuring mong kasangga, kaibi...