Author's Note
Well? Magbasa nalang kayo. Dahil wala naman akong sasabihin. Tsk! Papansin lang po.
_____________________________________
Kent POV
T*ng ina! Anong pumasok sa kokote ko kanina? Ano tong nararamdaman ko? Bakit ganun nalang ang reaksyon ko kanina? Bakit masyado akong apektado? Arrrrggggg! Bwisit! Bwisit! Bwisit!
"Hoy! Bakla!"
Nagulat naman ako sa sumigaw sa tabi ko. Nanginginig akong lumingon sa likod ko kung sino yung tumatawag sakin.
"Uyyy..best! Bakit di ka man lang nag text bakla!" Sabi ng babaeng pulang pula ang labi dahil sa makapal na lipstick.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Dahil unang una, hindi ko kilala ang babaeng toh. Ikalawa, wala akong ibang best na tinatawag dito maliban lang kay tukmol dahil sya lang ang kaibigan ko na nakakasakayan ko ng ugali.....nakakasakayan...nakakasakayan....
Sh*t! Sh*t! Naalala ko na naman yun! Di na ba ako titigilan ng tukmol na yun sa pang aasar saken?
"Hoy! Bakla! Bakit di ka sumasagot?" biglang bulyaw ng babaeng mala Anne Curtis.
"Hah?" tangang sabi ko.
" Wag ka nga best! Ano ba? Minsan na nga lang ako lumandi...ang KJ mo parin." biglang sabi ng lalaking naka headband sa tabi ko na alam ko na kung ano, sa pitik palang ng mga daliri neto.
"Gaga! Di ka nalang nahiya kay kuya! Kita mo oh! Namumula na sya!" sabi ni mala Anne Curtis.
"Ieeehhhh....ang cute nya kasi. Di ko alam na ganito ang katabi ko sa locker best! Kung alam ko lang..edi maaga na ako lagi papasok! Di ba kuya? Ano palang name mo?" sabi nito with matching pikit pikit pa ng mata nyang kulot ang pilik mata.
"K...kent..." utal kong sagot.
"Gaga ka talagang bakla ka! Ang talandi mo! Kuya...pagpasensyahan nyo na tong baklang toh! Di kasi nakainom ng gamot kaya ganyan." sabi nang babae.
"O..ok lang!" sabay alis ko ng mapansin kong nasa maling locker area ako.
"See you kuya Kent! Crush na kita! Charot!" bulabog na paalam nung isa na lalong ikinapula ko.
Shemay lang. Dahil sa kakaisip ko kanina, di ko na alam ang ginagawa ko. At kung ano ano na ang pumapasok sa utak ko. Akala ko kanina, ako na yung sinabihan ng b..bakla. Bakit ka apektado? Bakla ka ba? Tumahimik kang utak ka! Lintik ka! Kung ano anong iniisip mo! Ayus ayusin mo trabaho mo sa buhay ko! Ok po..sabi nyo po eh. Good! Madali ka palang kausap eh. Move on na tol! Ok ka lang. Libog lang yan. Dahil matagal mo nang hindi na e-exercise si jr. Lilipas din yan. Di ba? Di ba?
Hindi ko namalayang late na pala ako. Napansin ko nalang sa orasan ng hallway na 27 minutes na akong late sa first subject ko. Shocks! Dahil lang sa walang kwentang dramahan kanina, nagka leche leche na ako.
Tatakbo palang sana ako, nang may humablot sakin at tinakpan ang mata ko.
"T*ng ina! Bitawan nyo ako...mga p*tang ina yo..paka...sddrfvghvvjkbvxxbbmkkgfesdvbnlpg!" hindi na ako nakasalita pa ng may tumakip sa bibig ko.
Nakaramdam ako ng takot ng kaladkarin nila ako, habang tinali nila ang mga kamay ko at piniringan ako sa mata. Saan ako dadalhin ng mga toh? Ano na namang trip toh? Kahit di ko sila makita, alam ko ba kung sino sila. Sinubukan kong pumiglas kaso sinikmurahan lang ako nung isa. Halos di ako makahinga ng gawin sa akin nun. Nang mabitawan ako ng isa, sinubukan kong sumigaw pero sinipa ako, kaya napasubsob ako sa sahig. Biglang may naramdaman akong pag sipa sa bandang tadyang ko na ikinasigaw ko. May bumuhat sakin at sinapak ako. Ngumingiwi ako sa sakit, pero kinukontrol kong wag umiyak. Dahil pag nangyari yun, alam kong panalo sila. Alam kong matutuwa sila sa pinaggagawa nila sakin.
Hindi ko alam na aabot ako sa ganito. Dati, simpleng tulak lang nila dyan, mga pananakot, ila-lock sa toilet room, itatago ang bag o gamit, kukutyain sa harap ng maraming tao, pero ngayon, nananakit na sila sa pisikal. Hindi ko alam na kung ano ang ginawa ko at bakit ako pinagtri-tripan ng mga toh. Ni wala nga akong maalalang may atraso ako sa mga ito nung una palang.
Wala ring kwenta kahit na magsumbong ako kasi mga kilalang tao ang babanggain ko. Kaya tiniis ko nalang dahil ang alam ko magsasawa rin sila noon, pero hindi pala. At ngayon malala na sila.
Naramdaman ko nalang na itinulak ako sa amoy alikabok na kwarto. Napasubsob naman ako sa mga gamit doon at tumama ang ulo ko sa matigas na bagay. Nakaramdam ako ng pagkahilo. Narinig kong isinara nila ang pintuan at nagsitawanan sila.
Yung mga tawa nila, mga tawa....tawa...tawa...
"Ha! Ha! Ha! Ha! Loser!"
"Stay away from us! You loser!"
"Yeah! Get lost! We dont want to play with you!"
"Yeah! Because you freak!"
"Dont stand there! Shoo! Go away!"
"No wants you here loser. Ha! Ha! Ha!"
"B...but..I want to...to...to play tooo..." sabay lapit sa mga toh.
"I just said NO!!" sabay tulak na ikinatumba nito.
"HEY YOU! WHAT DID YOU DO TO MY KIAN!"
"WHAT? WHAT YOU GONNA DO?"
"I WILL GONNA DO THIS!" sabay buntal sa kausap nito.
"FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT!"
Nabalik nalang ako sa realidad ng may naramdaman akong mainit sa bagay na umaagos sa noo ko.
Pero bago pa ako lamunin ng dilim, narinig kong bumakas ang pintuan...
"Oh my GOD! WHAT HAVE THEY DONE TO YOU?!" sabi ng taong pumasok.
"H...Haylord..." at tuluyan na akong nilamon ng dilim.
BINABASA MO ANG
"Magulo Nga Kasi" (ON HOLD)
Teen FictionTurtle Sage for Updates (sobrang bagal) May mga tao na di mo mawari kung sila nga ba ang totoo sayo o hindi. Minsan naman, di mo alam kung dinadaya ka ng panahon o ikaw mismo ang dumadaya sa iyong sarili. Ang tao bang itinuring mong kasangga, kaibi...