Chapter Eleven

33 5 10
                                    

Author's Note:

Guys...sensya na sa late Update. Pero here it is. Kung sino ang gusto ng dedication, ask me lang po. Alright! Di ko na po papatagalin pa. Eto na po.

_________________________________________

Kent POV

"Kian? Anong favorite flavor mo? Libre kita!" sabi ng batang nakasalamin.

"Nakakahiya naman."

"Hmp! Don't worry Kian, birthday ni kuya ngayon. Kaya libre nya." sabi naman ng batang babae na paswing swing pa.

"Ummm...ganun ba? Ehhh...wala naman akong gift eh." sabi nito sabay kamot sa mukha.

"Eyyy...ok lang yun. Next time nalang ulit." sabi ulit ng nakasalamin.

"Right! Tapos sama kayo ni JM mamaya hah? Maraming maraming food samin. Tsaka balloons, tsaka games...tsaka...ummm...basta!" tuwang tuwang sabi ng babae.

"Sige! Sige! Sasama kami ni JM!"

"YEHEY!!!" sabay yakap ng babae sa kanya.

"Ummm....ano na favorite mong flavor? Bibili na ako ng ice cream." singit ng nakasalamin.

"Strawberry! Ummm...Gu...gusto ko nang Strawberry flavor." nahiya naman ito dahil sa biglang pagsigaw.

"Tsk! Yun lang pala eh. Wait lang." sabi ng nakasalamin sabay tungo sa malaking freezer.

"Yup! Akin Rocky Road hah?" pahabol ng batang babae.

"Bait naman ng kuya mo Honey." sabi nito sabay bigay ng ngiti. Ngumiti din ang kausap sabay hawak sa isang kamay nito.

_____________________________________

Hayyysssss..sarap ng tulog ko ngayon. Pero nakakatamad bumangon, sarap sumiksik dito. Niyakap ko nalang ang unan ko saka umidlip ulit. Pero parang di ako ginising ng bulabog kong alarm clock ngayon? Tsaka bakit ang init at tigas ng unan ko? Baka pinalitan na naman ni mama ko ang unan ko ngayon. Sabi ko nang wag nyang ibigay sakin ang luma kong unan. Tsk! Tigas kaya nun. Bakal ata laman nun at hindi bulak.

Hmp! Mamaya ko na nga pansinin. Siksik muna ako ulit dito. Parang ang lamig kasi, hindi ko namang maalala na linakasan ko ang aircon sa kwarto ko. Kaya ngayon, parang ang sarap yakapin ng unan ko, at first time kong nagustuhan toh. Ang init lang sa katawan. Haaayyysss...tulog nga ulit! Baka maaga pa kaya di pa tumutunog ang alarm ko. Zzzzzzzzzzzz....

Zzzzzzz.....

Zzzzzzz....

Zzzzzzz....

Zzzzzzz...

"Uyyy! Kent! Uyyy! Gising na!"

Bwiset naman oh. Bulabog sa tulog ko. Sarap pa namang matulog. Kinapa ko pa yung unan ko na yakap ko lang kanina, kaso di ko maabot. Nasaan na yun. Isip isip ko habang nakapikit pa ang mata. Sino ba kasi tong istorbo na toh? Siya ang pumalit sa alarm clock ko ganun?

"Oo! Ako ang alarm clock mo!"

Halah? Nagsalita ang orasan ko! Napabalikwas ako sa higaan ko. At tumambad sa harapan ko ang nag iisang tukmol na nakapantalon na at topless. Hawak hawak nito ang puting sando. Nagulat naman ako at bakit dito ito nandito! Kita ko naman ang malaking katawan nito na binubuo ng malaking chest at six packs! Kahit ilang beses ko na yang nakita pero bakit ako nahihiya ngayon sa kaharap ko?

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nakahubad? Magbihis ka nga!" gulat kong sabi dito.

"Dami mong tanong? Kwarto ko po toh! At nagbibihis na po ako kasi malelate na po tayo ulit." sabi nito sabay ngise sakin ng nakakaloko.

"Magulo Nga Kasi" (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon