Her Point Of View
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko habang siya ay umupo na sa isang maliit na burol kong sa'n kitang-kita ang isang malaking tore kong sa'n ako nakakulong kanina. Nasa malayo na kaming parte pero malaki talaga ang tore kaya kitang-kita dito.
"Manonood, tingnan mo. Diba sobrang ganda?" Napangiwi ako ng makita kong anong tinutukoy niya. May mga nag-iilaw sa malaking gusali at parang nasisira na'to. Alam kona ang nangyayari, may naglalaban parin do'n.
Hindi parin ako makapaniwala. Parang panaginip lang ang lahat. And wait. . . Si Prince Lazaren 'yong nakita ko at 'yong lalake? Anong ginagawa nila do'n?
Alam ba nilang nadukot ako?
"Hindi ba natin sila tutulongan?" I asked worriedly but he just smirk.
"Kaya na nila 'yon, mga prinsepe eh. At nandon rin si Uwak, magaling 'yon." Sabi nito na hindi talaga nababahala. Kanina pa siya Uwak ng Uwak. Sino ba kasi ang Uwak na'yan?
"Alaga moba 'yong uwak?" Tanong ko dito, inaaliw ko ang aking sarili. Natawa naman siya.
"Si Uwak, alaga ko? Baka ako alaga no'n. . . Ay hindi pala, alipin talaga. Ginawa nila akong alipin at utosan! Parang hindi mag bestfriend. . . At 'yong tat-" Madali niyang tinikom ang kanyang bibig.
"Ay ibig kong sabihin, baka mapatay ako ng lion kapag hindi ako susunod!" Halata namang nagsisinungaling siya.
"Bakit, inutosan kanang lion? Ikaw na tao takot sa lion na hayop?" Litong-lito kong tanong. Mababaliw na siguro ako!
"Ay basta! Hindi ako story teller at bawal ring sabihin." Tumango nalang ako sa tugon niya at ipinilig ang aking ulo sa aking tuhod. Natatakot parin ako, gusto konang umuwi.
"Miss kona sila." I was referring to my family.
"Ako rin." Bigla akong napatigil at tumingin sa aking katabi.
"Miss kona ang pamilya ko. . . Alam mo, may dalawa akong anak. Magkasing-edad lang ka'yo ng panga-"
"May anak ka?!" Gulat kong tanong at bahagyang napalayo sa kanya. Anak ng, sino ba ang taong 'to?
"Bakit, hindi ba halata? Gwapo ko'no?" Pagmamayabang pa nito na ikinangiwi ko.
"Ang hangin mo naman po, Kuya." Sabi ko at umisid. Nanlaki ang mga mata niya.
"Hoy, anong 'po' at 'kuya'? Judgers nito, ang bata ko pa kaya!" Hindi ko alam pero natatawa ako sa mukha niya. Para siyang si Tito kapag sinasabihan na matanda na.
"Tutuo naman, at least hindi kapa panot." Mas lalong nasira ang mukha niya.
"Mga kadugo talaga ni Mudra, masakit magsalita. Ang sarap i hulog sa ilog." Bulong-bulong nito kahit rinig ko naman talaga. Sino basi Mudra? Nanay niya?
Napatigil naman kami ng biglang may sumabog. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa malaking gusali na ngayo'y sira. WTF? Anong nangyari do'n? Parang nakatayo lang 'yon kanina pero ngayon wala na akong makita.
"Halimaw talaga 'tong si Uwak. Tingnan mo naman, sarili niyang kwento siya rin ang tutubos ng lahat. Hays, nasa huli talaga ang pagsisisi." Hindi ko maintindihan ang sinabi ng katabi ko at nakatingin lang sa di kalayuan. Biglang lumamig ang hangin kaya tumayo na kaming dalawa.
"Tayo na, papunta na sila dito." Sumunod ako sa kanyang paglalakad. Nakarinig kami ng ingay sa di kalayuan kaya bigla akong kinabahan.
"Aries, what did I tell you? Rinig na rinig ko ang boses mo mula ro'n." Biglang nagsitayuan ang balahibo ko ng marinig ang boses na'yon. Bahagya akong sumilip sa likod ni Aries at napa-awang ang mga labi ko ng makita ang malaking lalake na naka itim na maskara.
![](https://img.wattpad.com/cover/349612560-288-k982031.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming The Second Male Lead (RS#3)
FantasyDo you believe in destiny? Eliz Ashira do, when her uncle Apollo gave her, her favorite book, her life changed. That day before she reincarnated, they have a debate on her arrogant Class President and when they made an eye-contact the word changed...