Her Point Of View
Magaan ang katawan ko ng gumising ako kinaumagahan. May dalang ngiti ang aking labi habang habang nakatingin sa salamin sa aking harapan. Sobrang tahimik ng palasyo pero hindi ko na 'yon pinansin. Baka busy sila para sa bagong reyna?
Ilang minuto ay hintay ko ang pagdating ni Mia pero umabot ng ilang oras ay wala akong makitang anino niya. Ayaw kong magtaka at kabahan pero hindi talaga ako sanay na hindi pumapasok si Mia para hatiran ako ng almusal o tutulongan niya akong mag ayos.
May ginagawa ba siya?
Binuksan ko ang malaking pinto at dahan-dahan na sumilip dito. Tapos na akong mag ayos pero hindi ko parin makita ang pigura ni Mia.
Sobrang tahimik ng pasilyo, parang may kakaiba. Hindi naman ganito dati, may mga katulong at guards ang sumusulpot dito dati pero ngayon wala akong makita kahit ni isa.
Dahan-dahan akong naglakad sa hallway at hinahanap ang sentro ng palasyo para do'n magtanong tungkol kay Mia. Hindi ko pa siya nakikita, may sasabihin sana ako.
Sa aking paglalakad ay agad akong napabuntong hininga ng makita ang mga katulong. Buti naman. . . Wala akong sinayang na oras para lumapit dito.
"Nandiyan ang Prinsesa!"
"Siguradong papagalitan niya na naman tayo."
"Sinabi ng reyna na bawal tayong lumapit sa kanya dahil mainitin ang ulo niya."
Nagtaka naman ako dahil sa naririnig. Halos magkasalubong ang dalawa kong kilay habang papalapit sa kanila. Pamilyar sa'kin ang scene na 'to. Parang no'ng una araw ko na napunta dito sa libro? Bat natatakot at nagagalit sila sa'kin?
Okay naman sila no'ng nakaraang araw ha?
"Puwedeng mag tanong?" Agaran kong sambit ng maka lapit ako. Bigla naman silang napayuko lahat at hindi nagsasalita.
Problema nila?
"Puwede po bang mag tanong?!" May kalakasan kong sabi para makuha ang atensiyon nila. Nakita ko naman ang panginginig ng babae at parang iiyak na.
Teka, wala naman akong ginagawa ha?
"A-no po 'yon, Princess Elizabeth?" Kadautal-utal na tugon no'ng isa. Gusto kong magtaka pero pilit kong huminahon para hindi sila matakot.
"Nakita niyo ba ang punong taga silbi ko?" Tanong ko dito.
"S-ino pong taga silbi?" Nangunot ang noo ko dahil sa pabalik niya. Hindi niya kilala si Mia?
"Si Mia? Hindi niyo po ba siya nakita?" Tanong ko ulit. Natutulakan naman sila kong sino ang sasagot.
"Hindi niyo po ba nabalitaan prinsesa, pinatanggal po lahat ng taga silbi niyo. Utos ng iyong ama at ang reyna." Napa-awang ang labi ko dahil sa narinig. Ano 'to prank?
Bakit tatanggalan nila ako ng taga silbi? Hindi naman big deal sa'kin 'yon pero. . . pati ba naman si Mia? Anong dahilan? Sa pagkaka-alam ko wala naman akong ginawang kasalanan kagabi eh.
"Nasaan sila ama?" Agad kong tanong sa kanila.
"N-asa bulwagan po."
Mabilis ang aking paghakbang at hindi na sila pinansin pa. Hinanap ko ang bulwagan gamit ang aking paa sa mabilis na paraan. Hindi ko alam pero kinakabahan ako at hindi ko alam ang dahilan.
"Mahal na hari, nandito po si Princess Elizabeth."
Nadatnan ko silang nag-uusap sa bulwagan kasama ang kapatid ni Elizabeth. Nadako naman ang paningin ko sa babaeng nasa gitna ngayon habang may kurona sa ibabaw ng kanyang ulo. Sumisimsim 'to sa isang tsaa habang inosenteng nakatingin sa'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/349612560-288-k982031.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming The Second Male Lead (RS#3)
FantasiDo you believe in destiny? Eliz Ashira do, when her uncle Apollo gave her, her favorite book, her life changed. That day before she reincarnated, they have a debate on her arrogant Class President and when they made an eye-contact the word changed...