Chapter 9: Quartz and Ice

186 2 0
                                    





Plagiarism is a crime. Doing crime is against the law. And anything against the Law is a sin.

All rights reserved.

@thewritersapprentice

To the patient and loyal.



---x


Malamlam ang ilaw na nagmumula sa liwanag ng buwan na tumatagos sa bintanang salamin. Napatingin si Mynth sa malaking orasang nakasabit sa pader na bato. Ilang oras na lang at sasapit na ang bukang-liwayway. Napabuga siya ng hangin.

Tahimik na ang gabi ngunit hindi parin siya makatulog. Kanina pa nagpaalam ang mga bumisita sa kanya sa pagamutan. Si Sky ang huling lumabas ng pinto. Hindi pa sana ito aalis kung hindi ito sinabihan ni Madam Plumeria. Ngayon ay siya na lamang ang naiwan sa loob ng silid na iyon. Ikatlong araw na niyang pamamahinga sa loob ng pagamutan. Bukas ay maaari na siyang lumabas.

"Ano kaya'ng nangyari kay Psyche?" Tanong niya sa sarili.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga at naupo. Inilapat niya ang likod sa malambot na ulunan ng higaan. Hinipan niya ang nakahigang aliptaptap sa ibabaw ng mesa. Agad naman itong nagliwanag. Sinipat niya ang marka sa braso. Ngunit natigilan siya sa nakita. Kinusot niya ang mga mata at inilapit ang braso sa alitaptap upang makita ng maayos. Ngunit bigo siya.

Wala na. Wala na ang kanyang marka.

"Ang marka ko..." napatingin siya sa pintuan. Si Sky. Baka alam niya ang gagawin. Ngunit naisip niyang hindi siya papayagang lumabas ng ganitong oras. Gayundin, siguradong nahihimbing na si Sky sa kanyang silid.

Nagbuga siya ng hangin. Bakit nawala ang elemental spirit ko? At maging ang marka? Ano'ng gagawin ko? Baka 'pag nalaman nila paalisin nila ko rito? Sa'n naman ako pupunta?

Bigla niyang naalala ang sinabi ni Master Typhoues kanina. "Dalawa lamang ang maaaring dahilan ng paglalaho ng isang elemental spirit. Kapag ito ay namatay at kapag ito ay inutusang bumalik na sa katawan ng master nito. Ang una ay habambuhay na paglalaho, ang ikalawa naman ay temporaryo. Ngunit sa kaso ng pagkawala ng iyong elemental spirit, maaaring tinawag na ito ng tunay na nagmamay-ari rito."

"Ano po'ng ibig ni'yong sabihin?"

"Hindi nakipag-isa sa iyong katawan ang elemental spirit na nagmula sa iyong marka. Hindi mo ito mauutusang lumabas o bumalik dahil ibinigay ito saiyo bilang proteksyon sa tuwing may panganib. Kusa itong lalabas at kusa ring babalik. Kapag bumabalik ang isang elemental spirit sa katawan ng kanyang master ay nagliliwanag ang marka nito. Ngunit sinabi mong hindi nagliwanag ang iyong marka. Nangangahulugan na hindi ito bumalik sa iyo...dahil maaaring bumalik na ito sa pinanggalingan nito...na maaaring nasa panganib."

"Pero sino naman po kaya ang may-aring 'yon?"

"Marahil ay isang taong malapit saiyo."

Napikit si Mynth. Isang taong malapit sa 'kin? Sino?

Naalala niya ang librong hiniram sa Water Library. Pinadala niya ito kay Sky kanina para basahin habang nagpapahinga. Magbabasa siya upang patayin ang oras. Malapit nang sumapit ang umaga. Malapit na niyang sabihin kay Sky ang pagkawala ng marka. Kinuha niya ang librong nakaipit sa ilalim ng kanyang unan. Binuksan niya ito at sinimulang basahin.

The Lost Kingdom: Azcalon

Amidst the chaos the queen gave birth to her first born. Unfortunately, the child was captured by the Blue Shadows and was seen no more. The queen in her desperate calls and wails raged in the middle of war in search of the child---

ELZOMY (Elemental Zodiac Academy)Where stories live. Discover now