Chapter 3: The Hermit

1K 30 3
                                    



Plagiarism is a crime. Doing crime is against God's law. And anything against the Law is a sin.

All rights reserved.

©thewritersapprentice

To the lady with a raven-colored long hair, black-framed glasses and half-open eyes.


—x


Lalaki. Lalaki ang may-ari ng boses na sumagot sa kanyang tanong.

Nakasuot ito ng asul na balabal na may malaking kaputsa kung kaya't natatago ang ulo nito. Tanging kalahati ng mukha nito at ang dumausdos na puting buhok sa gilid ng mukha nito ang kanyang nakikita. Ibinaba ng lalaki ang kaputsa at nakita ni Mynth ang mukhang nagtatago roon. Isang maamong mukhang binagayan ng asul na mga mata at matangos na ilong na tila inukit ng isang premyadong iskultor. Nakasuot ito ng pabilog na salamin kung saan nagtatago ang singkit nitong mga mata. Blanko ang ekspresyon ng kanyang mga mata subalit napakabait nitong tingnan. Tila dugong bughaw na hindi mapangmata sa kanyang mga alipin bagkus ay pinakamamahal ng kanyang mga nasasakupan.

Inilabas ng lalaki ang kamay na nakatago sa ilalim ng mahabang balabal nito. Nakasuot ito ng gwantes na kakulay ng murang asul. Inabot nito ang isang bulaklak at pinitas iyon. Hinuli nito ang kanyang mga mata upang titigan.

"Bago ko sagutin iyan, kunin mo ang bulaklak, binibini..."

Ilang segundo siyang napatitig sa kulay rosas na bulaklak. Maliliit at bilugan ang mga talulot nito.

"Kunin mo..." hindi iyon sa tonong nag-uutos.

Hindi niya inaalis ang tingin sa bulaklak. Iniisip niya kung kukunin ito o hindi.

Aanhin ko naman 'to? Tanong ni Mynth sa sarili.

"Kainin mo..." sabi ng lalaki na tila narinig nito ang tanong sa kanyang isipan.

Nalunok niya ang kaba nang marinig ang sinabi ng lalaki. Kainin mo. Akala niya ay niloloko siya nito ngunit seryoso ang mukha nito. Wala rin siyang mabasa sa walang ekspresyon nitong mata.

"Kainin mo, binibini, upang bumalik ang iyong lakas. Nakagagamot ang bulaklak na iyan."

Totoo. Medyo nanghihina pa nga siya. Nangangatog ang kanyang tuhod. Pakiramdam niya ay nakapaglakbay siya sa pitong bundok.

Gayunman ay nanatili siyang nakatitig sa bulaklak. Napatingin siya sa lalaki pagkuwa'y balik sa bulaklak.. Kahit wala siyang nararamdamang panganib sa taong ito ay nag-aalinlangan parin siya.

"Pasensya na pero hindi kita kilala. At tsaka, hindi pa ho ako nakakakain ng bulaklak."

"Kung ang aking pagpapakilala ang magiging daan upang kainin mo ang bulaklak na tutulong sa pagbabalik ng iyong lakas, marapatin mong ipakilala ko ang aking sarili. Binibini, ang aking pangalan ay Sky Ace Armel Alverscene Silverdom of the Airial Spring. Nagmula ako sa bayan ng Eurus, sa isa sa mga kaharian sa Silangan. Isa akong elemental air user na nasa ilalim ng paggabay at pagtuturo ng pinakapinagpipitagang elemental masters ng ELZOMY." Matapos magpakilala ay yumukod ito.

Pa'no ko siya pagkakatiwalaan? Malay ko ba kung nakakalason 'yong bulaklak. May sakit kaya sa utak ang isang 'to? Kasali ba siya sa teatro?

Napangiti ang ginoo. "Totoo ang aking tinuran, binibini. Walang lason ang bulaklak na herbania. Ito ay nakapagpapagaling at nagbibigay ng ibayong lakas."

ELZOMY (Elemental Zodiac Academy)Where stories live. Discover now