Chapter 4: The Odds

824 24 3
                                    



Plagiarism is a crime. Doing crime is against the law. And anything against the Law is a sin.

All rights reserved.

@thewritersapprentice


To the bibliobibuli.

—x

"Kilala niyo po ako?" nanlalaki ang mga matang tanong niya sa matanda.

Ngumiti ang matanda bilang pagsang-ayon.

Ganito ba talaga kamaalam ang mga ermitanyo? Kasali ba sa kakayahan nila ang malaman ang pangalan ng isang tao sa unang pagkikita pa lang? Tanong ng bahagi ng isip ni Mynth.

Ibinaba ng matanda ang ilawan at tinanggal ang talukbong sa ulo. Iniunat nito ang kanang kamay at hinawakan ang kanyang kaliwang braso. Pagkuwa'y muli itong ngumiti.

Napatingin si Mynth sa hinawakan ng matanda. May balat siya sa parteng iyon. Hugis-mapa ang balat na iyon ngunit bigla itong nag-iba nang hawakan ng matanda. Nagkahugis ito ng kakaiba, parang paikot na hangin ng bagyo. Naging kulay asul ito at biglang nagliwanag.

Nanlaki ang mga matang napanganga siya sa nakita.

"Asul na marka..." narinig niyang bulong ni Sky.

"Ikaw," itinuro siya ng matanda.

Napatingin si Mynth sa matanda. "A-ako po? Ano pong ako?" Itinuro niya ang sarili. "At tsaka ano pong ginawa ni'yo sa balat ko?" sinalat niya ang balat sa braso.

"Tandang Emyro?" Napatingin ang lalaki sa matanda. Tumango ang matanda at ngumiti.

"Hindi ako nagkamali. Ikaw nga. Ikaw ang tinutukoy ni Lufioh," nakangiting sabi ni Sky. Lumapit ito kay Mynth. Umalon-alon ang dibdib ni Sky.

"Maaari ba?" hingi nito ng pahintulot upang mahawakan ang markang matagal na nitong nais makita.

Tumango si Mynth kahit naguguluhan siya. Anong espesyal sa kanyang marka?

"Ang asul na marka..." nakatitig na ngayon si Sky sa kanyang mga mata.

"Ang markang iyan ang dahilan kung bakit nabuhay ka sa mundo ng mga mortal."

"Ikaw nga ang supling na isinilang ni Prinsesa Mykorel sa gitna ng digmaan."

"Sino pong Lupio at Mirkoral? At ano po ba 'yong "ako"? May kasalanan po ba 'kong hindi ko nalalaman? Taga-Eurus din po ba kayo? Alam ni'yo po ba ang tungkol sa lagusan?" Sunud-sunod niyang tanong.

Marami siyang gustong itanong. Mga tanong na alam niyang mabibigyang kasagutan ng kanyang mga kaharap ngayon.

"Pumasok muna tayo sa loob. Maaaring gutom ang binibini sa kanyang paglalakbay," mahinahong sabi ng matanda. Kinuha nito ang ilawan. "Gayundin mapanganib kung dito natin sa labas pag-uusapan ang bagay na iyan." Naunang pumasok sa loob ng bato ang matanda.

Madilim ang loob ng bahay ni Tandang Emyro tulad ng nasa isip ni Mynth.

"Mauna ka nang pumasok," sabi ni Sky na tumingin pa sa kaliwa't kanan na tila may inaasahang makarinig sa kanilang usapan.

"H-hindi, ayos lang. Mauna ka na." Nag-aalinlangan si Mynth dahil iniisip niyang baka pagsarhan siya nito ng pinto at ikulong kasama ng matanda.

"Bilang isang maginoo, tungkulin kong magpahuli upang gabayan ang binibini sa kanyang paglalakad. Hindi magandang tingnan kung mauuna ako sa'yo," paliwanag ni Sky.

ELZOMY (Elemental Zodiac Academy)Where stories live. Discover now