Chapter 12: Royal Blood

51 2 0
                                    



Plagiarism is a crime. Doing crime is against the law. And anything against the Law is a sin.

All rights reserved.

@thewritersapprentice

To my friends at Hogwarts and to my siblings at Olympus.


---x


Ilang araw na ang nakakalipas ngunit hindi parin humuhupa ang dami ng nilalang na gustong kumausap kay Mynth. May mga kumakausap at bumabati sa kanya sa pasilyo. May nakikiupo malapit sa kanya sa loob ng klase at nagtatanong tungkol sa kanya at sa nangyari. Nginingitian niya lang ang mga ito dahil wala naman siyang maisip na sabihin. Ngunit dahil hindi rin siya sanay sa maraming tao ay pumupunta siya sa Water Library tuwing bakante ang kanyang klase. Hindi niya makitang nagbabasa roon si Quartz na gusto niyang pasalamatan. Si Sky naman ay naging abala sa Zodiacal Council. Wala tuloy siyang magawa kundi ang aliwin ang sarili sa dami ng libro sa Water Library, makipaghabulan sa mga lambana sa lugar na hindi siya nakikita ng maraming nilalang, at mag-aral sa loob ng kanyang silid.

"Simula pa lamang ng pasukan mayroon nang nagyari. Sa aking palagay ay mas magiging kapanapanabik ang ating taon!"

"Tama ka! Lalo na ngayong narito ang itinakda."

"Balita ko sa mundo ng mga mortal siya lumaki."

"Nabalitaan ko ang nangyari sa klase nila kay Master Typhoues. Iyong tungkol sa vortex na natalo niya."

"Nabalitaan niyo rin ba ang tungkol sa pag-upo niya sa sethron? Mabuti't hindi siya pinarusahan ni Beauregard."

"Hindi pa pinarurusahan. Siguradong nagalit si Beauregard, at hindi niya iyon palalampasin."

"Siyanga, paglabag parin iyon."

"Subalit hindi niya naman alam na paglabag iyon, hindi ba?"

"Hindi parin iyon dahilan upang gumawa siya ng paglabag."

"Sabagay ay tama ka."

Iyon ang mga usapang maririnig sa mga pasilyo, sa Banquet Hall at maging sa mga dormitoryo ng akademya. Maging sa loob ng klase ay nagbubulungan ang ibang estudyante tungkol kay Mynth at sa nangyari.

"Mukhang tanyag ka na, La Fontaigne." Narinig ni Mynth ang isang boses habang naglalakad siya patungo sa susunod niyang klase.

Galing pa lamang siya sa silid ni Master Breaze para sa Elemental Basics nang hapong iyon. Patungo siya ngayon sa Elemental Creatures 101 ni Master Orebro na malapit sa gubat. Nauna siyang umalis upang hindi niya makasabay ang mga kaklaseng panay ang tanong tungkol sa kanya. Ayon sa mga kamag-aral niya ay isang centaur ang susunod nilang master kaya malapit sa gubat ang silid na hiningi nito sa headmaster.

Nilingon ni Mynth ang nagsalita.

"Ano kaya ang masasabi ni Mistral tungkol dito?" nakangising sabi ng babaeng may mahabang tainga.

"Hindi naman ako sikat. Katunayan ayoko sa ibinibigay nilang atensyon."

"Mapagpakumbabang-loob." Nakangising sabi nito. "Maging si Glockenspiel ay ipagpapalit ni Mistral makuha lamang ang katanyagan na iyong tinatamasa ngayon." Nakangising dagdag pa nito.

Nang araw na iyon ay pinasalamatan siya ni Glockenspiel sa dahilang hindi niya matandaan. Samantalang si Mistral naman ay panay ang nakaw sa kanya ng tingin na tila ba may gusto itong sabihin. Ngunit dahil nga sa dami ng nakapalibot sa kanya ay hindi nito iyon magawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 18, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ELZOMY (Elemental Zodiac Academy)Where stories live. Discover now