Chapter 2: The Portal

1K 30 4
                                    



Plagiarism is a crime. Doing crime is against God's law. And anything against the Law is a sin.

All rights reserved.

©thewritersapprentice

Dedicated to my mother whose womb served as my portal into this world.



---x

May mahinang sipol na nagmumula sa kadiliman. Ang mga notang hatid nito ay tinatangay ng hangin papunta sa namamanhid niyang kamalayan. Pamilyar ang pagsipol na iyon. Tila tunog ng plawta na naghihele ng sanggol. Animo'y malapit sa kanyang puso ang may-ari ng sipol na iyon.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Sinalubong siya ng walang hanggang kadiliman. Kahit anong klaseng pagmulat ng mata ang gawin niya ay hindi niya makita ang nasa harapan niya. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng kakayahang makakita.

Pagkuwa'y nakaramdam siya na parang hinihila ang katawan niya patungo sa kawalan. Tila hinuhugot mula sa karimlan papunta sa isa pang karimlan. Pinilit niyang hawakan ang anumang bagay na maaaring madaanan ng kanyang kamay ngunit wala siyang maramdaman. Pinilit niyang sumigaw ngunit walang lumalabas sa kanyang bibig. Wala kahit isang tunog ang nabuo sa kanyang lalamunan. Sinubukan niyang suminghot ngunit wala rin siyang maamoy. Tila namanhid ang buo niyang sistema. Tila napunta siya sa ibang dimensiyon kung saan ang kanyang pang-amoy, pandinig at paningin ay walang pakinabang.

Naramdaman niyang biglang bumilis ang paghigop sa katawan niya.

Teka nasa'n ako? Buhay pa ba 'ko? Pipi niyang tanong sa sarili.

Walang ano-ano'y napuno ng larawan ang kanyang isipan.

Sasakyan. Nakangiting nilalang na may pakpak. Lumabo ang mga imahe. Kasunod nito ay kadiliman.

Wala sa alaala niya ang nakaitim na nilalang na siyang dahilan ng pagkabunggo niya sa kotse. Hindi niya maalala na sinabi nitong kailangan niyang sumama siya rito papunta sa kung saan.

Ligtas ako. Siguro ilusyon lang ang nangyayari sa 'kin ngayon, naisip niya. May nagligtas sa 'kin diba? Isang nilalang na may pakpak. Isang...sylph?

Kinapa niya ang sariling isipan upang malaman ang pinagmulan ng pangalang sylph. Biglang tumigil ang paghigop ng kadiliman sa kanya ng kawalan. May alaalang biglang gumuhit sa kanyang isipan. Tila hinila pabalik ang oras, sa panahon kung saan ang kanyang kamalayan ay iyong pangpitong taon gulang lamang. Para bang nanonood lang siya ng sine. Habang napapanood niya ang memorya sa gitna ng kadiliman ay pinaglalaruan ito ng kanyang isip. Ang memoryang dating nakaimbak na sa malamig na sulok ng kanyang utak ay pilit niyang minememorya.

May mga bata nasa lima hanggang pitong taong gulang. Nasa may kakahuyan malapit sa isang bahay-ampunan. Nasa gilid lamang siya, nagtatago sa may puno. Nakikiramdam. Marahil ay naglalaro sila ng taguan ng mga oras na iyon.

May batang kumalabit sa kanya mula sa kanyang likuran."Meent..." ngumiti ito. Kiming ibinalik niya ang ngiti.

"Ako si Selena. Gusto kitang maging kaibigan." Inilahad nito ang kamay.

(Kasalukuyan: Selena. Nasambit niya. Ang unang naging kaibigan niya sa ampunan. Dahil sa batang ito, pinaniwalaan niyang lahat ng "Selina/Selena" ay mabait.)

"Tulong! Tulungan ninyo 'ko!"

"May nangangailangan ng tulong..." nasabi ng batang si Mynth. Hindi na niya naiabot ang kamay ng bata. Tumakbo siya sa pinanggagalingan ng tinig.

ELZOMY (Elemental Zodiac Academy)Where stories live. Discover now