Chapter 7: Blue Rose

743 21 6
                                    




Plagiarism is a crime. Doing crime is against God's law. And anything against the Law is a sin.

All rights reserved.

©thewritersapprentice


"One day you'll just be a memory for some people. Do your best to be a good one."

To Batch 2010! Happy graduation chums! See you later Alter-ego!


---x


"Zodiac History...Master Psyche Synon Daeriween Lavosche Myrmidon of the Airial Spring...Zodiac History...Zodiac History...Ah! Ito na yata." Napatingin si Mynth sa mapang nakaukit sa pinto kung saan nakasulat ang pangalang Psyche Synon Daeriween Lavosche Myrmidon of the Airial Spring. Binuksan niya ang pinto at nakitang isa pa lang ang nasa loob. Si Storm.

"Magandang binibini..." simula nito nang mapansin siyang nakatayo sa may pinto. Tumayo ito at yumukod. "Nasaan na ang kinuha mo mula sa akin nang una tayong magkita?"

Napamaang siya nang mapatingin dito. "Kinuha? H-hindi ako magnanakaw, wala akong kinuha sa'yo." Napahawak si Mynth sa pintuan nang lumapit ito.

"Mayroon kang kinuha," nakangiting sabi nito. "Kinuha mo ang aking hininga nang walang paalam."

"Ha?" Nakamaang na tanong ni Mynth. Lumapit si Storm sa kanya. Inabot nito ang likod ng kanyang tainga at mula roon ay hinugot ang isang bulaklak

"Para sa 'yo. Dahil nilagyan mo ng ngiti ang aking labi." Nang iabot nito ang bulaklak ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Mistral. Napatingin ito sa bulaklak na iniaabot ni Storm kay Mynth. Pagkuwa'y umismid ito, padabog na ibinalibag ang pinto at lumabas.

Napansin ni Mynth na napailing si Storm. "Ang prinsesang matigas ang ulo..." narinig niyang sabi nito.

"Kilala mo si Mistral, hindi ba? Hindi lang bilang kaklase." nasupresang napatingin sa kanya si Storm. Pero nakabawi rin agad ito.

"Ano ang iyong ibig ipakahulugan?"

"Nang una tayong magkakilala napansin kong nagnanakawan kayo ng tingin ni Mistral. Gusto mo siya, diba? Pero sa tingin ko, may hadlang kaya hindi mo masabi sa kanya."

Napangiti na ito ng tuluyan. "Magaling ang iyong obserbasyon."

"Pero kung gusto mo talaga siya, hindi ka titingin sa iba." Nakangiting sabi ni Mynth. "Heto, ibigay mo sa kanya." Inabot niya rito ang bulaklak.

Hindi na nakasagot si Storm nang unti-unting napuno ng estudyante ang silid. Naupo na rin silang dalawa. Hindi nagtagal ay dumating na si Master Pysche.

Maganda si Master Psyche, mahaba ang gintong buhok, asul ang bilugang mga mata at napakaamo ng mukha. Matangkad din ito at maputi ang kutis. Pero hindi iyon ang ikinaganda ni Psyche, kundi ang ngiti nito. Nang ngumiti ito sa harap ng klase, maging si Mynth at ang ibang babae sa loob ng silid ay napaawang ang bibig.

"Zodiac History. Napakadaling pag-aralan. Dito natin kikilalanin ang lahat ng pinagpipitagan, mga kahariang naitala sa kasaysayan, mga elemental masters, dark magic at marami pang iba. Dito natin matututunan ang nakaraan na susi sa pagbuo ng ating hinaharap."

Mula sa gitna ng sulatang kahoy ay may lumitaw na bilog na nahahati sa apat. "Inaasahan kong alam na ninyo kung ano ito."

"Ang Zodiacal Wheel!" anang isang mag-aaral. "May ginawa akong imitasyon niyan sa amin." Pagkukwento nito sa katabi.

ELZOMY (Elemental Zodiac Academy)Where stories live. Discover now