Chapter 11: Zion Grimoire

35 0 0
                                    



Plagiarism is a crime. Doing crime is against the law. And anything against the Law is a sin.

All rights reserved.

@thewritersapprentice

To my little brother, Harry.


---x


Dalawang araw bago ang pananalasa ng black elemental. Zodiacal Council.


Nagkakaroon ng pagpupulong ang mga miyembro ng Zodiacal Council. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa nangyaring pag-atake nang nakaraang gabi sa Banquet Hall.

"Ayon sa nahuling Shenanigan ay mayroon silang pinakawalan sa loob ng akademya. Nalaman naming isa iyong black elemental. Sa palagay namin ay isinama ang nilalang na iyon sa loob ng academy sapagkat madali itong makapagtago. May kakayahan itong gayahin ang itsura ng sinumang maibigan nito. Sa gayong paraan ay makakapamalagi ito sa akademya." Paliwanag ni Sky sa mga kasamahan.

"Totoo bang si Binibining Brimestone ang nagbukas ng portal?" tanong ng isang earth user na may simbolo ng Capricorn.

"Naroon siya nang mangyari iyon subalit hindi pa namin masigurado kung siya nga ang nagbukas ng portal. Ayon sa kanya ay matagal na niyang gustong buksan ang portal ngunit nang gabing iyon ay bukas na ito nang lapitan niya ang Blue Rose. Gayunpaman, kinumpiska ng Konseho ang kanyang mga kagamitan." Sagot ni Sky.

"Kung totoo ang sinasabi ni Brimestone na hindi siya ang nagbukas ng portal, maaaring may nagbukas nito mula sa loob." Anang babaeng may mahabang tainga (siya ang babaeng nagsabi kay Mynth tungkol sa sulat ni Mistral).

Napatingin sa babae ang earth user na nagtanong. "Ang ibig mong sabihin ay---

"Mayroong trahidor na namamalagi sa loob ng akademya." Sagot ng babaeng may mahabang tainga.

Nagkatinginan ang mga naroon.

"Isang trahidor?" tanong ni Erythro (elemental spirit ni Pyro) na noo'y nasa pagpupulong bilang representasyon ni Pyro. Sa tuwing nagpupulong ang mga miyembro ng Zodiacal Council ay wala si Pyro dahil ayaw nitong makipag-usap kaninuman. Tanggap na rin naman ng ibang miyembro na kausapin si Erythro dahil mas gugustuhin pa nilang kausap ito kaysa sa master nito.

Tumango ang babaeng may mahabang tainga at ipinaliwanag ang kanyang konklusyon. "Nalaman ng traydor na ito na nandito na ang kanilang hinahanap kung kaya't binigyan niya ng mensahe ang mga kalaban upang kunin o bawiin ang hinahanap na iyon. Binuksan niya ang portal at isinabay iyon sa panahon na susubukang buksan ni Brimestone ang Southern Portal. Dahil alam niya marahil na gagawin iyon ni Brimestone ay pinlano niya upang si Brimestone ang mapagbintangan."

"Sa katunayan ay iyan din ang aking kutob." Sabi ni Sky. "Batid kong kahit matindi ang kagustuhan ni Brimestone na buksan ang portal ay hindi niya iyon gagawin upang ipahamak ang iba."

"Maaring tama iyan. Subalit sino naman ang maaaring magtraydor sa atin? Sa Enchanted Marking Ceremony pa lamang nalalaman na ng master na nagmamarka kung sino ang totoo o hindi. Hindi lamang marka ang kaya niyang gawin. Kaya niya ring malaman kung sino ang tinatakan na ng mga Blue Shadows." Tanong ng isa sa mga air user.

"Yan ang kailangan nating alamin." Sabi ni Sky.

"Paano natin mahuhuli ang black elemental?" tanong ng isang fire user.

ELZOMY (Elemental Zodiac Academy)Where stories live. Discover now