Chapter 10: Black Elemental

38 0 0
                                    



Plagiarism is a crime. Doing crime is against the law. And anything against the Law is a sin.

All rights reserved.

@thewritersapprentice

To those who are reading this today and not going around catching pokemons. Haha.

Get ready for some action! Pokemoooon gooo! *clears throat*


---x


May naririnig siyang mga boses ngunit hindi niya matukoy kung kanino ang mga ito. Hindi rin niya maintindihan kung ano ang sinasabi ng mga may-ari ng boses. Mukhang nagkakagulo ang mga ito.

Nakiramdam siya habang nakapikit ang mga mata. Nananakit ang kanyang ulo, tila may tumama roon na kung ano. Sinubukan niyang imulat ang mga mata ngunit nahihirapan siyang igalaw ang mga talukap. Nang makuha niyang maimulat ang mga mata ay napagtanto niyang siya'y nasa isang masikip at walang siwang na lugar. Nakakaamoy siya ng kahoy. Amoy ng basang kahoy. Kinapa niya ang kinahihigaan.

Nasa'n ako?

Naalala niya ang nangyari. Ang nagyiyelong lawa. Ang nasirang pader. Ang elemental spirit na pinapunta niya kay Sky.

Quion?

Pinilit niyang sirain ang lugar kung saan siya naroon ngunit hindi iyon tumitinag. Tila nasa loob siya ng isang cocoon.

Quion? Nasa'n ka?

Kasunod ng alaalang iyon ay mayroon pang memoryang gumuhit sa kanyang isipan.

Isang itim na usok. Nagkahugis ito. Lumapit ito sa kanya at binalot siya nito.

Sky? Quoin? Nasa'n kayo? Tulungan niyo ko!

Nasa'n nga ba siya? Nasa kuta na ba siya ng mga kalaban? Nahuli nga ba siya ng mga Shenanigan? Nakakulong na ba siya? Ang mga boses bang naririnig niya sa labas ng kinarooonan niya ay boses ng mga nagsasayang Shenanigan? Makakabalik pa ba siya sa academy? Pa'no kung patayin siya ng mga ito? Pa'no niya malalaman ang tungkol sa kanyang mga magulang? Pa'no niya malalaman kung ano'ng misyon niya kung papaslangin na siya ngayon?

Ramdam niyang bumaba ang kanyang kinaroroonan. Tila hinila iyon pababa ng kung ano.

"Sky! Quion!"

Nasa'n kaya sila? Kinuha rin ba sila ng mga Shenanigan? Nakakulong din ba sila ngayon? Paano siya makakalabas sa lugar na iyon? May paraan ba siya? Wala na ang kanyang elemental spirit. Saan siya hihingi ng tulong?

Walang ano-ano'y unti-unting natunaw ang kinaroronan niya. Para siyang nanonood ng mga alitaptap na isa-isang naglalaho sa dilim. Nagliliwanag ang naglalahong parte ng kinaroroonan niya. Nang maglaho ang nakabalot sa kanya ay napagtanto niyang nasa isang silid siya. Napatingin siya sa kanyang kanan...

At doon niya nakita...ang nag-aalalang mukha ni Headmaster Tellus.

---x

Sa may lawa sa timog ilang minuto bago ang nangyari kay Mynth.

Ilang segundong nakatitig lamang si Quartz sa nagyiyelong lawa bago niya napagtantong may mali sa nangyayari. Hindi ganito ang mekanismong pandepensa ng Blue Rose. Hindi ito dapat nagyiyelo ng ganoon. Isang itim na usok ang nakita niyang nasinagan ng maliwanag na buwan. Palapit iyon sa pagamutan.

Binigkas niya ang summoning chant at dagling dumating si Quion. Ikinumpas niya ang kamay. Tumaas ang baging na nakapulupot sa pader ng Celestial Earth at lumapit iyon kay Quartz. Ginamit iyon ni Quartz upang makababa mula sa mataas na bahagi ng gusali. (Nakakapit si Quion sa balabal ni Quartz habang pababa sila ng dormitoryo.)

ELZOMY (Elemental Zodiac Academy)Where stories live. Discover now