CHAPTER 1

142 9 0
                                    

Weiner's Pov:

''Ma! Ano nanaman ba yung set up na yon? You know I hate blind dates!'' Naiiritang sabi ko kay mama na ngayon busy sa pag lalaro ng candy crush niya level 387 na kasi siya dyan gusto niya daw matapos.

''Son or daughter, you know that I want you to be happy so you wouldn't end up like your unlce Simone, to be single until 40's no way! I want a daughter or son-in-law. I want to see you getting married.'' Paliwanag naman ni mama habang nakatutok sa phone niya.

''Ma! Si Bella nalang tutal gusto naman niyang mag pakasal diba? Gusto niya yon eh kaya please ma! Tama na ang blind date ang a-asim nila hindi ko sila bet.'' Nag mamakaawa kong sabi kay mama.

''Wei, I want you to be happy.'' Mama said to me.

Napa busangot nalang ako ''Ma I'm happy naman, hindi ako sad or oa ka lang talaga ka ma? Bata pa ako kaya ine-enjoy ko ang aking life.'' Paliwanag ko naman sa kanya.

''Paanong enjoy ang life? Lagi ka ngang naka tambay dyan sa kanto minsan tomoboy ka minsan babae ka, kaya nga hindi na kita maintindihan kung anak na lalaki ba kita o babae mas babae kapa sa kapatid mo.'' Sabi naman sa akin ni mama.

Natawa naman ako sa mga sinabi niya.
''Ma mukha kasing talampakan si Bella kaya mas maganda ako sa kanya.'' Sabi ko sabay irap kay mama.

Bigla naman niya akong hinampas ng tsinelas.
''Inirapan mo pa talaga akong bata ka! Pwes sa ayaw at gusto mo makikipag blind date ka.'' Naiinis na sabi ni mama.

Napangiwi naman ako ng may tumalsik na laway sa mukha ko dahil malapit na si mama sa mukha ko.

''Ma sige sige, pero please toothbrush ka muna tsaka ma ew.. tumalsik laway mo sa akin.'' Daing ko kay mama.

Hinampas naman niya ako ulit ng tsinelas pero tumakbo na ako papalabas ng sala paakyat sa kwarto ko. Bago ko isara ang pinto narinig ko pa ang sigaw ni mama.

''Punyeta ka talagang bata ka! Mabango ang hininga ko ikaw lang yon bwesit ka!'' Galit na sigaw ni mama sa baba.

Tawa lang ako ng tawa, kasi naman totoo naman ang sinasabi ko. Napa upo nalang ako sa may kama kong malaki at puno ng stuff toys na pambabae.

Nag iisip ako ng paraan para makatakas sa blind date na yon. Bigla naman akong napatayo at kinuha ang phone ko.

Tinawagan ko si Gio.

''Hello Gio, I'll take a vacation, pasabi nalang kay father mo ha!'' Sabi ko naman sa kanya.

[''Seriously? May I remind you, Wei secretary kita tapos balak mong mag leave? Kailangan ka sa office. '']

''Gio naman ngayon lang naman isang buwan lang kaya sige na babush, don't worry gagawin ko pa rin ang task ko wag kang oa dyan boss babye see you next month.'' Sabi ko sa kanya sabay patay ng tawag.

Napatili naman ako at nag tatalon sa kama ko sa sayaw hanggang sa bigla akong na out of balance at nalaglag sa kama ko.

''Ahh!!'' Sigaw ko.

Masakit ang likod ko pero masaya pa rin ako dahil makakatakas ako sa mader kong dragones.

◇◇◇

3:00 am na at nag aayos na ako ng mga dadalhin ko para sa bakasyon ko sa Siargao. Lotion, shorts, crop tops some swimsuits na one piece pero parang short lang ang pang ilalim niya, nilagay ko na rin ang mga essentials ko at mga iba ko pang damit, ang atake ko sa Siargao is girl ako mas gusto ko talagang nag bibihis ng pambabae kaysa panlalaki kasi komportable ako.

◇◇

Ng matapos akong mag ayos kinuha kona ang wallet ko my own credit card. Sumilip muna ako sa labas at tulog pa naman sila. Bumaba na ako at naabutan ko agad ni manang julie na nagaayos na ng agahan nakita naman niya ako nilapitan. ''Bakit ang aga mong nagising Wei? At may dala kang mga maleta saan ang punta mo?'' Tanong niya sa akin. Nginitin ko lang siya.

The Sweet Season Of Love [BL]Where stories live. Discover now