CHAPTER 7

13 4 0
                                    

Third Person's Pov:

Naka jacket ng lumabas si Wei sa kwarto niya naalala na naman niyang may fiance na si Samir kaya bagsak mukha siyang dumating sa may lounge kung saan nag hihintay si Samir sa kanya at naka handa na ang hotpot na gagamitin nila.

Tahimik lang na umupo si Wei sa isang tabi habang pinag mamasdan si Samir na inaayos ang mga ilalagay sa hotpot may maliit na counter kasi sa may lounge kung saan naroon ang mga ingredients may mga wine and beers din sa gilid it's like a comfortabel restaurant.

Shit, he's too handsome ang masama pa ay may fiance na siya, sino ba naman kasi ako para patulan ng katulad niya. Kahit anong gawin kong pag aayos na parang isang babae lalaki pa rin ako. Nalulungkot na sabi ni Wei sa kanyang isip habag nakatitig kay Samir na ngayon papalapit na sa kanya at tinatawag ang pangalan niya.

''Wei!?, Wei, Hey, what's wrong?'' Nang hindi nag rerespond sakanya si Wei ay nilapitan niya ito at hinawakan sa kamay.

''Wei, ayos kalang ba?'' Nag aalalang tanong ni Samir kay Wei na ngayon ay nakatingin sa mga mata niya.

''Wei, may problema kaba? Bakit ka tulala? May nangyari bang hindi maganda?'' Tanong ulit ni Samir kay Wei na ngayon ay mukhang nakabawi na sa pagka tulala.

''Uh-uhmm.. okay lang ako may iniisip lang.'' Ang sabi ni Wei at pilit na ngumiti kay Samir.

''About sa mother mo?'' Tanong ni Samir at tumabi sa kanya.

Umiling naman si Wei. ''Hindi, you know random thoughts, by the way salamat sa pag invite sa akin ha, tsaka parang family bonding niyo sinama mo pa ako.'' Parang nahihiyang sabi ni Wei.

''Wag kang mag-alala Wei welcome ka naman sa family namin.'' Sabi naman ng ate ni Samir na kadarating lang kasama ang anak nitong si William.

''Ma, seriously? He is not part of our family and also uncle Samir is already engaged, so he can't be with my uncle.'' Naiinis na turan naman ni William. Bigla naman kaming nagulat ng biglang hinampas ni Samir ang table na kinalaglag ng mga basong nasa gilid laking pasasalamat ni Wei na hindi yon babasagin.

''Shut the hell up, William! I understand you're still young, but being disrespectful is not the right thing. If you want to be with your father, then go! Go back there. We're trying to be good to you, William. I am trying, but you keep doing that! Your mother keeps crying all night because of you. You said you can't love her, but you're not even trying!'' Madiin na sabi ni Samir habang masamang nakatingin kay William.

Hinawakan naman ni Wei ang braso ni Samir para pakalmahin ito. Bigla namang tumayo si William.

''I hate you, uncle! I will never accept my mom never! I hate you all!'' Galit na sigaw ni William at nag tatakbo ito papasok sa kwarto nila.

Sinundan naman ng kanyang ina si William at pinapakalmw ni Wei si Samir na hingal dahil sa pag sigaw nito kanina.

''Dapat hindi mona sinabi iyon Samir. After all, he is still young. You know he loves his mom, but he can't express it. Natatakot siyang pag tinanggap niya ang mommy niya iiwan siya. The best thing to do is explain everything to him. He is smart, and he can understand your reasons.'' Nag aalalang sabi ni Wei kay Samir bigla namang yumakap si Samir sa bewang ni Wei.

''I'm trying to understand him, but sometimes it's too much. Nagalit lang naman ako dahil sa mga sinabi niya sayo, I keep explaining that to him to respect you, but he keeps doing that.'' Tugon naman ni Samir kay Wei.

Sinuklay naman ni Wei ang mahaba at medyo kulot na buhok ni Samir.

''It's okay sanay naman na ako, lalo pat sa Manila ako nakatira mas grabe pa doon. Tsaka wala namang problema kung 'He' ako sa paningin ni William after all yon naman ang totoo I' am a he so don't be mad. Tsaka totoo rin namang hindi ako part ng family duh isang linggo mo palang ako nakikilala family agad.'' Paliwanag naman ni Wei kay Samir habang sinusuklay nito ang buhok niya.

''So what? Diba ang family is not a definition of blood and how long you know them. I am comfortable when I'm with you, Wei.'' Sagot naman nito sa kanya.

Napa iling nalang si Wei.
''Malilimutan mo rin ako pagtapos nitong vacation mo at hindi na rin siguro tayo mag kikita after ng vacation ko dito also you have fiance which mean is ikakasal kana.'' Habang sinasabi yon ni Wei para namang tinatarak ng kung anong matulis ang puso niya. Hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya sa sarili niyang sinabi.

''That engagement I don't really want it pero ang parents ko they want me to have my own family at mag settle na ako sa Australia. They want that marriage, but I don't want it at all. Pero anong magagawa ko they are not getting younger so I agree with it. I don't have a choice at all.'' Kwento naman ni Samir.

Para namang nabibingi si Wei habang nag kwekwento si Samir. Naramdaman ni Wei na may mga luhang lumalandas sa pisngi niya. Mabilis niyang pinahid yon at ngumiti ng inangat ni Samir ang ulo nito.

''Sorry Wei if nasaksihan mo ang magulong pamilya namin, by the way are you crying?'' Kunot noong tanong ni Samir sa kanya. Akmang hahawakan siya ni Samir ng pigilan niya ito.

''Wala may naalala lang ako, by the way pano tong hot pot sayang kung hindi natin gagalawin after all gutom na ako.'' Pag iiba ng topic ni Wei kay Samir.

Tumango lang sa kanya si Samir at inayos ang mga nalaglag na baso hinugasan niya muna ito bago ibalik at sila nalang dalawa ang kumain ng hot pot na hinanda ni Samir na para sana sakanilang apat.

Pilit na ngumingiti si Wei habang nag kwekwento si Samir sa journey nito sa pag susurfing. Nabanggit niya ring sa Australia niya nakilala ang first love niya na hanggang ngayon ay wala siyang balita.

Tahimik lang siyang nakikinig habang ang puso niya ay parang pinipiga ng sobra at sinasaksak pa. Alam niya sa sarili niyang madali lang siyang mahulog pero malala ang nararamdaman niya para kay Samir. Sa isang linggo nilang mag kakilala halos nasanay na siya sa presensiya nito kaya tuwing iniisip niyang mag papakasal na ito gusto nalang niyang saksakin ang sarili para tumigil ang selos na nararamdaman niya dahil wala siyang karapatang maramdaman yon.

#SamWei
#TSSOL

The Sweet Season Of Love [BL]Where stories live. Discover now