Third Person's Pov:
Tinutulungan ni Wei si Samir sa pag lilinis dahil nga silang dalawa nalang ang kumain hinatiran nalang ni Samir sina William sa loob ng kwarto ng pagkain dahil lunch na rin. Madilim pa rin ang paligid at panay pa rin ang ulan di niya tuloy ma enjoy ang bakasyon niya may bagyo kasi kaya talagang maulan ngayong isang buong linggo.
Nilagay na ni Wei ang ilang pinggan sa lababo at akmang huhugasan ay may humawak ng kamay niya at pinigilan siya.
''Don't hindi mo bagay ang mag hugas ng pinggan mas okay nang pinag sisilbihan ka umupo kana doon ako na dito.'' Pag tataboy sakanya ni Samir. Napanguso naman siya sa sinabi ni Samir.
Bored na bored na siya tapos ayaw pa siyang pagalawin ni Samir princess treatment ang binibigay sa kanya.
''Samir ayos lang, bored na bored na ako mamatay ako pag walang ginagawa tsaka ngayon lang naman, kaya hayaan mona ako.'' Pag pupumilit ni Wei sa kanya.
Napa buntong hininga naman si Samir at binitawan na ang kamay ni Wei at hinayaan nalang itong mag hugas ng pinagkainan nila. Kumuha lang ng basahan si Samir ay may narinig na siyang nabasag pagtingin niya kay Wei nadulas sa kamay nito ang isang mangkok.
Mabilis namang lumapit si Samir at hinawakan ito sa bewang at binuhat paalis sa kinatatayuan niyang maraming nagkalat na bubog.
''Ayos kalang ba? Nasugatan kaba?'' Nag aalang tanong nito kay Wei.
''Uhm, sorry nabasag ko yung mangkok nadulas kasi. Palitan ko nalang or bayaran ko.'' Naguguilty na sagot sakanya ni Wei.
Tinignan naman ni Samir si Wei ng masama na ikinalunok ni Wei.
''Sorry, Samir promise papalitan ko. Wag kalang magalit.'' Natatarantang sabi ni Wei sa kanya.''Fuck! Hindi naman yung mangkok ang tinatanong ko, ikaw ang tinatanong ko kung wala kabang sugat o ano. Sinabi ko naman kasi sayong ako na makulit ka.'' Naiinis na sabi ni Samir kay Wei na kinayuko nito.
''Sorry na nga tsaka ayos lang ako.'' Sagot naman ni Wei sakanya.
Napa buntong hininga nalang si Samir at matiim na tinitigan si Wei na nakayuko..
''Just go there and sit ako na ang bahala dito wag kang gagalaw don. Ako na ang maglilinis nito umupo kana don.'' Mahinahong utos niya kay Wei.Wala namang nagawa si Wei kundi umupo sa may mahabang kawayan na upuan.
Lumipas ang limang minuto ay natapos si Samir sa pag lilinis at umupo sa tabi niya sinandal naman nito ang ulo sa balikat niya.
''Sorry sa nabasag ko Samir gusto ko lang kasing makatulong sayo di naman kasi ako prinsesa, prinsepe ako.'' Birong sabi naman ni Wei habang naka ngiti. Bigla namang umalis si Samir sa pagka sandal sa kanya at kinuha ang kamay niya at hinalikan ito.
''Hindi ka prinsepe isa kang prinsesa para sa akin tandaan mo yan, dahil ba yan sa mga sinasabi ni William sayo kaya ganyan ka magsalita sa sarili mo?'' Nag aalalang tanong nito kay Wei.
Umiling naman si Wei at dahan dahang inagaw ang kamay niyang hawak ni Samir.
''Hindi, nagbibiro lang naman ako, tsaka mukhang napagod ka sa paglilinis magpahinga kana kaya muna sa kwarto mo.'' Sagot naman ni Wei dito at lumayo kaunti kay Samir.Naalala niya bigla na may fiance ito at alam niyang di tama ang nararamdaman niya para dito kaya hanggang sa makakaya niya ay lalayuan niya ito para hindi lumalala kung ano man ang nararamdaman niya.
''Yah, by the way, kapag wala ng bagyo at hindi na gaanong maulan want to continue our training?'' Pag iiba ng topic ni Samir.
''Siguro pero isang linggo nalang natitira sayo Samir at matatapos na ang vacation mo dito kaya mas better if ienjoy mo nalang ang natitirarang days mo dito sa Siargao at ako naman gagawin kona ang mga plan activities ko.'' Pagtanggi ni Wei kay Samir yon nalang ang natitira niyang pag-asa para matanggal niya sa sistema niya si Samir at iyon ay ang lumayo layo muna dito.
''What? But I want to spend those days with you, pero kung gusto mo naman talagang mapag isa at ienjoy ang vacation mo I'll let you. Uhm, balik na muna ako sa kwarto ko para mag pahinga, well see you around.'' Paalam naman ni Samir sakanya at tumayo na ito at pumasok na sa kwarto nito.
Napabuntong hininga naman si Wei at napatingin nalang sa kawalan.
''Mali kasi Wei, mali yang nararamdaman mo, mabait lang siya sayo, kaibigan lang ang turing niya sayo at wala ng iba pa kaya tama heart masasaktan kalang may fiance na siya at ikakasal na.'' Pag kukumbinsi ni Wei sa kanyang sarili.Tumayo nalang siya sa kinauupuan niya at lumabas kahit umuulan gusto lang niyang maramdaman ang ulan at lamig ng maging manhid nalang siya.
''Wei'' Tawag ng isang boses na kilalang kilala niya. Napalingon siya dito ''Ben?''
Nilapitan naman siya nito at hinatak papasok sa loob. ''Bakit ka nag papaulan? Nababalik ka na talaga hay nako nung una nag leave ka bigla tapos ngayon makikita kitang naliligo sa ulan.'' Sermon sakanyang ng kanyang kaibigan na si Ben.
Inis niya naman tinignan ito.
''Ano bang ginagawa mo dito?'' Inis niyang tanong dito.''Tsk sinamahan ko lang ang isang kaibigan ko na gusto kang makita uuwi din ako kaagad I mean aalis pala bukas pa ako aalis pabalik dahil may bagyo pa kahapon pa kami nandito kaso nag stay muna kami sa hotel dahil sa lakas ng ulan.'' Paliwanag naman ni Ben sakanya.
''Sino ba kasama mo?'' Tanong ni Wei, may biglang yumakap naman sa kanya sa likod niya.
''I miss you, Neir!'' Bati sa kanya ni Anthony na isa sa mga kaibigan niya sa Canada.
''Ton? The heck, it's you!'' Niyakap naman niya ng mahigpit ito. Hinalikan naman siya sa pisngi ni Anthony dahil nasanay itong ganon ang ginagawa kapag nagkikita sila.
''Yeah, I forced Ben to let me meet you, and I missed you damn much Neir, by the way, I already booked a room here.'' Naka ngiting sabi naman nito sa kanya.
''Yuck talaga kayong dalawa, at pwede ba Anthon mag tagalog ka marunong ka naman pangaya ka talaga iwanan ko na kayo dyan pareho talaga kayong baliw.'' Sabi nito sabay irap sa kanilang dalawa at nag martsa na papaalis. Tinawanan lang nilang dalawa ang kaibigan at niyaya ni Wei na mag kape sa kabila pero naligo muna ito at nag palit dahil basa ito dahil sa ulan.
#SamWei
#TSSOL
YOU ARE READING
The Sweet Season Of Love [BL]
RandomSamir is a professional surfur in the Philippines, and he is also competing outside of the country. Weiner is a cross dresser guy. He likes wearing a women's outfit but never dating men.