Weiner's Pov:
May simpleng kwarto lang akong binook for one person only, feeling simple person ako dito. Nilagay ko na ang mga gamit ko sa gilid mamaya kona aayusin yan tinatamad pa ako, kaya lumabas nalang ako ng kwarto mag lilibot lang ako.
Pagkalabas ko ng kwarto ay may narinig akong boses na pamilyar. ''Mommy.. I want to see Uncle Surfing!'' Galit na sigaw nito sa mommy niya. Tsk yung batang salbahi sa eroplano, pagkakataon nga naman pareho pa kami ng tinutuluyan.
Lumapit naman ako at tinaasan ko ng kilay yung bata ng lumingon si sa akin. ''You? Mr. Ugly!'' Sigaw niya sa akin sabay turo ng daliri niya sa pag mumukha kong maganda.
''Excuse me?'' Nakataas na kilay na tanong ko. ''Excuse you!'' Sagot niya sa akin abat ang batang to kukutosan ko talaga to.
''Nako pasensya na po sa anak ko, he's a spoiled brat, so I can't handle him well.'' Hinging paumanhin sa akin ng magulang nung bata. Ngumiti naman ako dito.
''No worries, po. Kung gusto niyo po ako munang bahala sa batang yan sa room 307 lang naman ang kwarto ko at balak ko rin na mag lakad lakad sa dalampasigan.'' Nakangiti kong sabi dito. Mukha kasing pagod na pagod siya at kulang sa tulog tapos problema pa itong batang maingay na ito.
''Nako nakakahiya naman baka naiistorbo kita mukha pa namang nagbabakasyon ka dito.'' Sagot naman nito sa akin. ''No problem po, ako pong bahala sa anak niyo diba?'' Sabi ko sabay tingin sa batang iyakin na nakatingin lang sa akin.
''Ugly!'' Sabi nito sa akin sabay irap. I chop chop ko ata tong batang to. ''Sige, kailangan ko rin kasing mag pahinga at pagod pa ako kapag may nangyari na kung ano ito calling card ko tawagan mo kaagad ako at sa room 304 lang kami bali magkalapit lang.'' Sabi nito sa akin sabay kuha ko sa calling card na binigay niya.
''Alright po, you let's go!'' Sabi ko dito at nauna na akong maglakad palabas ng resort. ''It's so hot can you give me that umbrella!?'' Naiinis na sabi nito sabay utos sa akin. Wala talagang manners at right conduct ang batang ito, itatapon ko to sa dagat. Binigay ko naman yung payong na binigay sa akin ni Mr. Tan guy.
Naunang naglakad yung bata, oh diba sinama ko tapos hindi ko manlang alam pangalan, hay nako wei minsan engot ka pero minsan sobrang ganda mo haha. Ano ba yan nababaliw na ata ako. Nilapitan ko naman yung bata ''Hey! What's your name?'' Tanong ko sa bata.
''I'm William 6 years old and a genius.'' Pakilala naman nito sa akin. Lol, genius, iyakin naman. Tumango tango nalang ako kasi baka mapaiyak ko pa. ''You what's your name?'' Balik na tanong niya sa akin mag sasalita na sana ako ng biglang sumigaw ito at binitawan ang payong.'' UNCLE SAM!" at tumakbo siya sa kung sinong uncle daw.
Pinulot ko yung payong at tumakbo na rin at baka mawala pa yung bata nako hindi ko yan anak at lalong ayoko ng ganyang anak baka isilid ko sa sako yan. Buti nalang nag paa ako kundi hirap akong tumakbo kahit minit yung lupa go pa rin kasi ginusto ko to panindigan ko.
Hingal naman akong huminto sa pinag hintuan ni William sa lifeguard chair na may maraming surf board na naka tusok sa lupa. Pwede na pala ako sa marathon grabe ang hingal ko, akala ko bakasyon habulan pala peg ko dito.
''You alright?'' Napa angat naman ang tingin ko sa taong nag tanong sa akin. At nanlaki ang mata ko as in grabe sinusundo ako ng angel na may abs. ''Hey! Are you alright?'' Tanong niya ulit pero hindi ako umiimik at nakatitig lang ako sa kanya.
''You know uncle, I think he's a statue now, but an ugly statue.'' Napa balik ako sa sarili ko ng sinabi na naman ng batang bao ang salitang ugly. ''I'm not ugly, you coconut child!'' Sagot ko dito. Pero dinilaan niya lang ako at nag tago sa likod ng tinatawag niyang uncle.

YOU ARE READING
The Sweet Season Of Love [BL]
SonstigesSamir is a professional surfur in the Philippines, and he is also competing outside of the country. Weiner is a cross dresser guy. He likes wearing a women's outfit but never dating men.