CHAPTER 5

30 2 0
                                    

Third Person's Pov:

Naging masaya ang gabi ni Wei habang nakiki party ito sa mga foreigners na nakakasayaw niya habang may hawak hawak na bote ng isang vodka.

''WHOOO!!'' Sigaw ni Wei habang hinahawakan niya ang isang balikat ng taong hindi niya kilala.

Habang si Wei ay nag sasaya, may kausap naman si Samir sa gilid kaya hindi niya mashadong napapansin ang ginagawa ni Wei. Kaibigan niya ang kanyang kausap na nakilala niya mula sa isang tournament niya.

''It's been a while, my friend.'' Bati nito kay Samir na umiinom ng isang canned ng root beer.

Nakipag shake hands naman ito kay Samir.
''How have you been? Are you on vacation, too?'' Tanong ng kaibigan ni Samir sa kanya.

''Yes, by the way, how's your life ? Tell me, are you finding a Filipina girlfriend here?'' Tukso ni Samir sa kaibigan.

Napa iling-iling naman ang kaibigan niyang si Zander sa sinabi ni Samir.
''Brother, I already got a girlfriend, and yeah, she is a Filipina. By the way, is that woman or man with you?'' Tanong ni Zander sa kaibigan.

Biglang napalingon di Samir sa likuran niya kung nasaan naka pwesto si Wei na ngayon at napapaligiran na ng mga kalalakihan kaya nag paalam siya sa kaibigan at mabilis na hinatak si Wei paalis sa palibot na mga kalalakihan sa kanya.

Pumiglas ito at ayaw sumama kaya binuhat na niya na parang sako. Lasing na ito at ayaw talagang tumigil sa pag-inom.

''This is the reason why I don't want you to go here. You're such a stubborn woman!'' Naiinis na usal ni Samir habang inaayos si Wei sa pag kakaupo sa ATV niyang dala.

''Buti nalang talaga dinala ko ito kundi baka hanggang resort buhat buhat kita.'' Pailing iling na sambit ni Samir habang sinusuotan ng helmet si Wei.

Sumakay na sa ATV si Samir at kinuha ang dalawang kamay ni Wei at niyakap niya ito sa kanyang bewang para hindi ito mahulog.

''Kumapit ka Wei kundi mahuhulog ka.'' Paalala ni Samir kay Wei na tumango lang sa kanya at mahigpit itong yumakap kay Samir dahil din sa nilalamig na ito.

Mabilis na ipinaandar ni Samir ang ATV pabalik ng resort niya.

◇◇

Inalalayan ni Samir si Wei papasok sa kwarto nito at dahan dahang ipinahiga sa kama nito.

''This is what I meant, sobrang lasing kana at kung sino-sino pa ang kasayaw mo sa bar.'' Pa iling-iling na sermon ni Samir kay Wei.

''Hmmm.. enough, Mama, I wanna sleep. Talk to you later!'' Sagot naman ni Wei kay Samir habang nakapikit ito at nakayakap sa unan.

''Before you sleep, change your clother into comfortable one.'' Paalala ni Samir kay Wei na hindi siya pinapansin.

Napa buntong hininga nalang si Samir at inunang hubarin ang boots na suot ni Wei. Naalala niyang babae pala ang tingin niya kay Wei kaya hindi na niya tinangkang hubarin ang suot nito.

''I can't change your clothes, Wei, I might disrespect you.'' Sambit ni Samir kay Wei na walang kibo sa kanya.

Imbis na palitan ni Samir ang damit ni Wei ay kinumtan nalang niya ito at itinaas ang temperature ng aircon.

''Good night, Wei.'' Paalam nito kay Wei bago isarado ang pintuan ng tinutuluyang kwarto nito.

Pag kalabas ni Samir at bumungad sa kanya ang mukha ng kanyang pamangkin na si William na may mapanudyong tingin sa kanyang uncle Samir.

''Why you looking at me like that?'' Tanong ni Samir sa pamangkin niya.

''You like him, right?'' Nakataas na kilay na tanong ng kanyang pamangkin sa kanya.

''What are you talking about, and he is a she! Always remember that.'' Pag tatama ni Samir sa pamangkin.

''No, biologically, uncle, he is a He! So I won't change the way I called him. And you're not answering my question, you like him, right?'' Pag mamatigas na sagot ni William sa kanyang uncle Samir.

Napa iling nalang siya sa inaasal ng pamangkin. Hindi rin niya alam kung paano ito inalagaan ng kanyang ama, lumaki kasi ito sa poder ng kanyang ama at hindi sa kapatid niya. Kaya nahihirapan ang kapatid niyang alagaan ito dahil sa ugaling ipinapakita sa kapatid niya.

''William bata kapa para sa mga bagay na yan, naiintindihan mo rin balang araw at pwede ba, respect you're elders parang kasing edad mo lang sila kung kausapin mo lalo na ang mommmy mo.'' Pag saway niya dito.

''I don't care, I'm still mad at her. She abandoned me for almost 5 years, and I'm still not forgetting her face while leaving our house.'' Galit na sagot nito kay Samir.

''She had her reason, I hope you have time or give your mom a second chance to explain her side. The things for her are not that easy, William. I know you're smart, so think about it, okay? And sleep now, mashado nang malalim ang gabi matulog kana.''  Nakangiting sabi ni Samir dito at saka ito pumasok sa kanyang kwarto.

Nalungkot naman ang mukha ni William sa payong ibinigay sa kanya ng kanyang uncle Samir dahil gusto man niyang bigyan ng pagkakataon ang kanyang mommy na magpaliwanag ay napapangunahan siya ng takot na baka iwanan siya ulit nito.

''Maybe, when I'm ready uncle.'' Huling sinabi ni William bago tuluyang pumasok sa kanilang tinutuluyang kwarto.

◇◇◇

Pag kalabas ni Samir galing bathroom ay kinuha niya sa gilid ang isang picture frame na kasama ang kababata niyang lalaki na katulad ni Wei ay mahilig din itong mag bihis pambabae kaya hindi niya kaagad hinuhusgahan ang mga taong nag susuot ng ganon kahit lalaki ito, maski ay hinahangaan niya ito dahil kaya nilang mag paka totoo kahit sa harap pa ng maraming tao.

''I miss you so much Er, I wish you are here so you could meet Weiner, where are you now?.''

Niyakap ni Samir ang frame na may lamang picture nila ni Er, na kanyang kababata na simula ng lumipat sila sa ibang bansa ay hindi na niya alam kung nasaan na ito at kung ano nang ang nangyari sa kanya.

''I hope we reunite in the right time Er.'' Huling sinambit ni Samir at tuluyang kinain ng antok at dahil na rin sa tama ng alak na ngayon niya lang naramdaman.

#TSSOL
#SamWei

The Sweet Season Of Love [BL]Where stories live. Discover now