CHAPTER 6

29 2 0
                                    

Third Person's Pov:

Gumising ng maaga si Samir para puntahan sa kwarto ni Wei at icheck ang kalagayan nito. Naabutan niyang naka higa pa rin ito at wala nang damit kaya dali dali niya itong kinumutan.

''Nainitan ka siguro kaya hinubad mo na lahat ng damit mo.'' Pailing-iling na tinuran ni Samir.

Nilakas na muna niya ang aircon bago lumabas ng kwarto nit Wei at kumuha ng makakain nito pag kagising.

Unti-unti namang minulat ni Wei ang mata niya at ang una niyang naramdaman ay ang pag sakit ng kanyang ulo na parang minamartilyo ito.

Pa pikit pikit siyang tumayo sa kama niya at nag unat-unat bigla nalang napahinto sa pag unat si Wei at nabalik sa wisyo ng bumukas ang pinto. Bigla naman niyang kinuha ang kumot at binalot sa katawan niya.

''Gising kana pala, ito kape at sabaw pamapawala ng hang over.'' Nakangiting bungad sa kanya ni Samir.

''Uhm.. thank you pero wait lang mag dadamit lang ako ah.'' Paalam ni Wei kay Samir. Natawa naman si Samir sa inasal ni Wei.

Dali dali namang pumasok sa cr si Wei habang dala dala ang damit niya at kumot na nakatakip sa kanya.

Nilapag ni Samir sa maliit na table ang sabaw at kape na hawak niya. Lumabas naman si Wei mula sa banyo at nakaligo na ito at T-shirt at short na ang suot.

''Ubusin mo itong sabaw at kape kumuha na din ako ng rice with bacon egg for breakfast also take a medicine para sa sakit ng ulo mo.'' Paalala naman ni Samir kay Wei na patango tango lang sa kanya.

''Ikaw hindi kaba mag breakfast? Sumabay kana sa akin tsaka salamat ha sa pag tulong sa akin dito. Sobrang na storbo na talaga kita.'' Hinging pasensya ni Wei kay Samir.

''It's alright wala naman akong mashadong ginagawa, halos surfing and resting lang ako dito.'' Sagot naman ni Samir sa kanya.

''Yun nga eh, dahil sakin hindi mona nagagawa yung mga bagay na gusto mong gawin wait diba one month din ang vacation mo, so mauuna kang umuwi sakin kasi mas nauna ka dito?.'' Tanong naman ni Wei kay Samir.

Tumango naman sa kanya si Samir.
''Yeah, may 2  weeks pa akong bakasyon.'' Sagot naman ni Samir.

''What? Ganon ka bilis?'' Tanong ni Wei na may lungkot sa mukha. Natawa naman si Samir sa itsura nito.

''Yeah, but don't worry, I'll give my contacts to you so we can keep in touch.'' Sagot sa kanya ni Samitr habang natatawa sa itsura ni Wei.

''Sige yung pangako na mag surf tayo bukas gawin natin kasi ngayon wala pa sa kondisyon ang katawan ko dahil sa kakainom ng alak ka gabi, tsaka tanong ko lang wala naman siguro akong ginawang nakakahiya kagabi na hindi ko maalala diba?'' Tanong ni Wei habang kinakabahang nakatingin kay Samir.

''Don't worry, wala ka namang ginawang nakakahiya kagabi bukod sa nakikisayaw ka sa mga iba't-ibang lahi doon sa bar.'' Sagot naman sa kanya ni Samir.

''At muntik ka ng makahalik sa bar.'' Pahabol niya kay Wei.

Napanganga naman si Wei sa mga sinabi ni Samir.
''What the? Hindi ko naman siguro talagang naghalikan, right?'' Kinakabahang paninigurado ni Wei.

''Don't worry hinatak na kita paalis ng makita kitang ganon, kaya sa susunod na iinom ka siguraduhin mong kasama kang matino para hindi ka mapahamak.'' Babala sa ni Samir kay Wei.

''Oo na, btw salamat dito sa breakfast ha.'' Sagot naman ni Wei.

◇◇◇

Alas nuebe na ng umaga at maulan sa labas kaya walang nagawa sina Wei kundi manatili sa loob ng resort dahil lumalakas din ang alon at baka mapahamak pa sila.

Naka upo lang sa may veranda si Wei habang umiinom ng mainit na kape, nabobored siya dahil wala siyang phone, hindi pa rin binubuksan ang phone niya dahil alam niyang hinahanap siya ng mommy niya.

Napa lingon naman si Wei sa may pinto ng may kumatok doon. Lumapit naman siya sa pinto at binuksan.

''Oh Sam may kailangan kaba?'' Tanong niya kay Samir.

''Uhm, gusto ko lang itanong if gusto mong sumama sa amin doon sa lounge mag hotpot kami nila ate.'' Tanong ni Samir kay Wei.

''Sige ba kailan ba?'' Tanong ni Wei.

''Mamayang eleven para sakto na rin sa lunch, by the way hindi naba nabobored dito?'' Tanong ni Samir ulit sa kanya.

''Hindi naman, medyo lang alam mo Sam ayokong nag assume pero grabe naman ang checking mo sakin time to time, pero I appreciate that.'' Natatawang sabi ni Wei kay Samir.

''Well, I'm just a concern citizen Wei, and I'm naturally like this to my friends.'' Nakangiting sagot naman ni Samir kay Wei.

''Ouch, friend zone.'' Umakto namang nasasaktan si Wei sa sinabi ni Samir.

''Well, sorry for that, so hindi kaba bored?'' Tanong ulit ni Samir.

''Okay lang ako dito tsaka sunod nalang ako mamayang eleven mag babasa nalang ako ng mga books dito or magazines.'' Sagot sa kanyang ni Wei.

''Alright hanapin mo lang ako if may concern ka, lalo pat maulan ngayon or if may need ka just call gamit yung telephone dyan sa table matatawagan mo ang front desk dyan.'' Sabay turo ni Samir sa may phone na nasa may table sa gilid ng kama.

''Yup, thank you again sa help mo.'' Nakangiting pasasalamat ni Wei kay Samir.

''Don't worry about it, sige maun na muna ako sayo, see you later.'' Paalam ni Samir at tumango siya dito ng makaalis na si Samir ay isasarado na sana niya ang pinto ng may batang pumasok sa loob ng kwarto niya.

''You're place is look nice, but ours is bigger than this, by the way I heard you got friend zone.'' Sabi ni William na may mapang asara na ngiti kay Wei. Pinaningkitan ng mata ni Wei si William na para bang gusto niya itong tirisin.

''So what? At least he's my friend at pwede bang batang bao ka doon sa labas, kwarto ko to at may mga gagawin pa ako.'' Naiinis na pag papaalis ni Wei kay William.

''Yeah, I'll leave, but I just want to remind you that my uncle has a fiance, so don't fall for him too much. This is just a reminder and also a warning for you. So you won't cry at the end.'' Babala naman ni William kay Wei at lumabas na ito ng kwarto ni Wei.

''Bata ba talaga yun? Argh, at wait fiance? So it means engaged na si Samir? The heck kaya pala na friend zone ako.'' Stress na sabi ni Wei at humiga sa kama niya.

''Kung talaga namang minamalas ka oh, pero buti nalang maaga kong nalaman at least maiiwasan ko ngang mahulog kay Samir dahil sa mga kinikilos niya na aakalain mong may gusto siya sa akin.'' Pag papakalma niya sa sarili niya habang naka tingin sa may kisame.

''As friends is not a bad idea, so it's better in that way.'' Bulong nalang ni Wei sa kanyang sarili.

#SamWei
#TSSOL

The Sweet Season Of Love [BL]Where stories live. Discover now