CRUSH
***
Sa mga sumunod na araw, tong apat na to lang nakakasama ko. Ang sama na nga ng tingin saken ng mga babae pag dumadaan ako. Wala din naman akong pakialam as long as wala silang ginagawang katangahan sakin. Kundi, makakatikim talaga sila tsk.
"Physics tayo ngayon noh?" tanong ni Jaxon. Naglalakad kami ngayon sa field, madaming studyante ang nakatambay sa ilalim ng puno, ang iba nama'y natutulog.
"Oo dude, san nga ba yong room?" sabi ni Ian.
"B-4, room 30" sagot naman ni Kieran.
*****
"Dun tayo sa likod mga pre!" sambit ni Jaxon. Di pa kami nakakasagot ay hinila na kami nito sa pinakadulong upuan. Ako yung malapit sa bintana, next si Ian and Jaxon, then Ellis and sa kabilang dulo naman si Kieran. Dumating na din yung iba naming kaklase.
"Oh hi Paisley!" kaway ni Jaxon sa isang magadang babae na hanggang balikat na kulay brown na buhok. May dalawa itong kasama, yung isang na mahaba ang hair at nakasalamin na babae, at ang isa naman ay
matanggad na lalaki."Li! Klasmeyt pala ulit kayo ni Seb! yieeeee" sigaw naman ni Ellis na nakangisi sabay baling kay Kieran na nakayuko lang.
"Oo nga, buti nalang may inspiration si pareng Kieran ngayong sem." Dugtong naman ni Ian sabay tawa.
Nagsitawanan nalang din ang iba dahilan sa parang alam nila ang nangyayari. Ngumiti nalang yung Paisley at umupo na sa harapan.Tinignan ko naman si Kieran at nakangiti naman ito.
*****
Nakatambay kami ngayon sa field at dinadama ang sariwang hangin. Nagbabasa ng libro si Ellis, natutulog naman si Ian, habang si Jaxon ay kumakain, si Kieran naman ay bumili ng tubig habang ako ay pinagmamasdan ang mga studyante na may kanya-kanyang ginagawa, hanggang sa may naisip akong tanong.
"Anong meron kanina?" tanong ko sa kanila.
"Huh?" sagot ni Jaxon habang ngumunguya. 'Ang takaw talaga neto tsk'
"Kay Kieran and yung girl." Dagdag ko. Na curious lang ako kaya ko natanong.
Binaba ni Ellis yung binabasa nyang libro at nagsalita.
"Ah, nung last year kasi nagkabiruan kami sa room tungkol sa mga babae. Then biglang sinabi ni Seb, crush nya daw si Li kasi ang talino nya daw. So, nagulat kami bigla kaya ayun, kinakantyawan na namin sila simula non." Kwento niya.
"And napapansin naming na lagi silang magkasama non, which is dahil lang naman sa project na pinagawa samin, by partner kasi yon. Pero dahil support kami sa aming kaibigan, lagi namin silang inaasar sa isa't isa." Dagdag ni Jaxon na naubos na pala ang kinakain.
"Pero sila na ba?" tanong ko naman pabalik.
"Bakit mo natanong AA?" nagulat ako sa biglang pagbangon ni Ian. Nagising na pala ito at paunat unat nang kanyang braso habang nakatingin sakin habang nakakunot ang noo.
"Uhh, wala naman. Na curious lang ako" inosenteng tanong ko. Totoo naman kasi, sadyang nacurious lang ako sa maatitude na lalaking yon.
"Nope, wala kaming alam sa kung anong meron silang dalawa. Masyado kasi yang masikreto si Ki." tawa ni Ellis. "Pero sasabihin nya naman yan samin kung meron...so, I guess no, they're not together."
"Yes yes tama ka jan!" sang-ayon naman ni Jaxon.
Di naman na nagsalita si Ian hanggang sa dumating na si Kieran.
****
YOU ARE READING
Once Upon A Misty (On-going)
Teen FictionAng pagbuhos ng ulan ang tanging palatandaan ng ating pagmamahalan.