Meet Them

1 0 0
                                    


Meet Them

***



"This school is composed of 4 buildings for each department-business administration, engineering/architecture, psychology and IT dept." paliwanag ni Kuya Ian. "Di ka naman na mahihirapan maghanap kasi magkaklase naman tayo."

Magkaklase nga kami. Di ko din alam pano nangyari yon but I guess ginamit nya pagiging anak ni Tito that's why. I took Information and Communication Technology. Why? Actually, I don't know. May mga ganun naman talaga diba? Kinukuha natin yung mga bagay na wala tayong alam, gusto lang natin Ichallenge yung sarili natin...and na curious din ako kung ano at paano gumagana ang isang computer. Although, di lang naman tungkol don, madami ka talagang matututunan when it comes to computers like, programming, hacking, game developing, and many more.

Naglalakad kami papuntang registrar office para kunin yung sched ko. Wala naman siyang klase kasi nga enrollan palang ngayon for new semester kaya sinamahan nya ako. Di naman ganun kasikat si Ian pero dahil sa tindig nyang pang model, mga matang mapusyaw dahil sa pilikmata nyang mahaba, matangos na ilong at pulang mga labi, ay naiintindihan ko kung bakit sa bawat paglakad naming ay madaming kababaihan ang nahuhumaling sa kanya.

"Ang gwapo talaga ni Killian!" sigaw ng isang babae.

"Omg!Ngumiti siya sakin!"

"Gurl, no, sakin siya tumigin at ngumiti."

Napairap nalang ako kasi parang sanay na si Kuya sa mga ganto.

"Sweetie, dito na tayo. Hintayin nalang kita dito sa labas." sabi nya sabay kindat.

"Sweetie daw? Ano Yan Girlfriend nya?" rinig ko sa di kalayuan.

"Siguro, magkasama sila e"

Tsk pag magkasama magjowa na agad?

Famous pala tong Engot na to...

"AA, dito na tayo. Hintayin nalang kita dito sa labas." sabi nya sabay kindat.

Pagkapasok ko sa loob ay napatigil ako saglit dahil sa dami ng studyante ang nandito ngayon.

'Mga bago din sila katulad ko'

Hinanap ko ang window para sa mga new student at kaagad ko naman iyong nakita.

"Goodmorning po. I'm here to receive my sched." unang sabi ko sa mukhang masungit na babae.

"Your name?" sagot nya nang di tumitingin sakin. Bat kaya mga gantong attitude yung mga nasa registrar. Parang lagi silang galit e.

"Autumn Mori Evans Sullivan"

"Ms. Sullivan, here's your schedule and be informed na magsisimula ang iyong klase next week."

"Thank you" sagot ko at umalis na. Tinignan ko ang binigay saken na papel at nakalagay dito lahat ng oras pati narin room number and section kung san ako.

Paglabas ko ng pintuan ay nakita ko si Kuya Ian na may tatlong kasama. Nakita nya ako at kumaway.

"AA!" lumapit naman ako sa kanila. Di ako ngumiti o kung ano man dahil wala naman akong paki kung sino sila.

"Mga bro, AA nga pala, pinsan ko." pagpapakilala saken.

"Hi! I'm Ellis." sabi ng nakasalamin na lalaki kasabay ng ngiti. At dahil don lumabas ang buloy na meron siya sa magkabilang pisngi. Mas matangkad siya saken, siguro hanggang leeg nya lang ako. May pagka brown ang kanyang mata, matangos na ilong, at may pagka messy ang kanyang medyo kulot na buhok.

"Uy! May girl na din sa tropa. Ayos to! Hi miss, I'm Jaxon Davis...and you?" sabi naman ng isa sabay kindat at pag abot nya ng kamay saken.

"Hoy Michael Jaxon tigilan mo yang pagiging babaero mo ah." pambabara ni kuya Ian at bigla nyang hinampas yung kamay nung Jaxon.

"Eto naman. Babaero agad? Di pwedeng nagpapakilala lang?" sambit ni Jaxon habang nagkakamot sa batok. "And Dude, I told you na wag mokong tawagin ng ganyan kung ayaw mong biglang sumayaw ako dito...and it's Jaxon Michael not Michael Jaxon." sa kanilang apat, siya ang medyo di matangkad pero kung ikukumpara saken ay mas matangkad siya. Kulay brown ang kanyang buhok at kung ngumiti siya ay sigurado akong maraming babae ang kikiligin. 'Babaero nga'

"Miss, wag kang makinig dito...sadyang ganyan lang tabas ng utak nyan." Ellis said na parang nag aapologized dahil sa inasta ng kaibigan. "And nga pala, that's Kieran, tahimik lang yan kung akala mo pero may pagkamaingay din yan" dugtong niya habang nakaturo sa isang lalaki. Bumaling naman ako dito.

Tulad ni Ian, pang model din yung tindig nya, pero unlike sa kanila ay may konting laman ang katawan niya, di naman siya ganun ka-chubby, also ang ganda ng mga mata nya kahit hindi siya ngumiti, para kasi itong kumikinang kapag tinignan mo, and mukha siyang bagong gising dahil sa magulo nyang buhok.

Di siya nagsalita at tumingin nalang sa kung saan. 'Ay attitude si koya moh oh' sambit ko sa aking isip.

Tumingin nalang ako sa kanila at nagpakilala.

"I'm Autumn, nice to meet y'all."






***

Once Upon A Misty (On-going)Where stories live. Discover now