Choice
****
"AA, may napili ka na ba?" umiling ako sa tinanong ni Jaina.Nasa boutique shop kami ngayon na
pagmamay-ari ng pamilya nila. Ang disenyo nito ay hati ang vintage at modern style, may kalakihan ito
at maraming gowns and suits ang nakalagay sa iba't-ibang bahagi na pwedeng pagpilian."Pwede bang di nalang pumunta?" tinatamad kasi ako umatend sa acquaintance party na yan.
Masyadong maraming tao at ang ingay ng paligid. Mas gugustuhin ko nalang na magbasa at matulog sa
bahay kesa makihalubilo sa kanila."Gaga! Matutulog ka lang naman sa bahay nyo " irap saken ni Renz. Tapos na silang makapili ng kanilang
mga susuotin at ako nalang talaga ang hinihintay nila. Sabi ko naman kasi sa kanila na ayokong sumama dahil tinatamad ako pero nagulat ako ng hilain nila ako papunta dito, kasabwat pa yung engot kong pinsan."Oo nga kesa naman magmukmok ka at magbasa nanaman na mga libro at mahalin ang mga karakter
don." dagdag pa ni Paisley. Inirapan ko naman sila kaya napatawa sila. Humiga nalang ako sa mahabang sofa habang tinitignan yung magazine na naglalaman ng iba't-ibang klaseng gowns sa boutique na to.Fictional characters are better than humans in reality. As a reader, we can't deny the fact na mas gusto natin ang mga lalaki sa libro kesa sa totoong buhay. The way they talk, smile, laugh, and do things for the woman they loved. We are not setting our standards high, we're just happy to see na may mga ganto papalang lalaki sa mundong to. Although, all of this are all in the imagination of the author, may mga pagkakataon naman na nangyayari din ito sa totoong buhay.
Imagination is better than reality, yet, reality is where we live and imagination is our small world to escape.
Nagtaka ako ng biglang tumahimik kaya tinignan ko sila. Nooo... nakatingin sila saken at nakikita ko sa
mga mata nila may balak sila at sabay-sabay na ngumisi.Naibaba ko ang magazine at kinakabahan na tumingin sa kanila. "Oy..alam ko yang iniisip nyo..w-wag!" pasigaw na turan ko sa kanila. Kami lang na mga babae nandito, well except kay Renz na pusong babae. Tapos na kasi kahapon yung iba.
"Autumn, kung ayaw mong pumili pwes ako ang pipili." Nakangising sabi ni Jaina. "Girls, hawakan nyo yan at masukatan." Unti-unti silang lumalapit saken na parang gusto nila ako hulihin.
Mabilis akong tumayo at aligagang tumakbo sa likod ng sofa. "Tsk. Sabi ayokong sumama e!" Di sila nakinig kaya tumakbo na ko pataas ng hagdan.
"Bakla ka! Halika dito at di ka pwedeng makatakas!" si Renz ang nauuna at dahil matangkad siya at mahaba ang biyas, maaabutan nya ako. Malapit na ko sa pinakataas ng hagdan pero dahil sa minamalas ka nga naman, kakalinis nga lang pala neto kanina pagdating namin kaya medyo basa, at dahil don pagkaapak ko sa pinakadulo ay nadulas ang paa ko at sakto ang pagsalo saken ni Renz. Paktay na!
Ngumiti siya "Gottcha."
Lintek na hagdan yan, pahamak...
****
YOU ARE READING
Once Upon A Misty (On-going)
Подростковая литератураAng pagbuhos ng ulan ang tanging palatandaan ng ating pagmamahalan.