MORI
*
***
“AA, may partner ka na?”Nabigla naman ako sa tinanong nya. Bat may partner? Wala naman silang sinabi na meron pala.
Yawa naman, napilitan na nga akong pumunta tapos kailangan pa ng partner?? Naglolokohan ata tayo nyan. Napakamot naman ako sa ulo dahil don at umiling.
“Kailangan pala non? Di naman sinabi ng mga prof natin.” Lintek talaga.
Wag nalang kaya ko pumunta? Madami namang tao baka di naman nila mapansin na wala ako hehe…
“They don't really say that. It's obvious naman kasi na when you have an acquaintance party, you need a partner. When you enter the Entrance kasi, there are lot of cameras pointed at you. Because, in that way they choose the King and Queen of the night. Although, it can be without, but it's better if there is.” Paliwanag niya. Gusto ko nalang kunin ng lupa ngayon na. Anong gagawin ko, bat kasi may paganon!?
“I guess, I can help. Let me be your partner.” alok niya habang nakangiti at dahil don lumabas nanaman ang dimples na meron siya.
Di agad ako nakasagot dahilan sa pagbilis bigla ng tibok na puso ko. Anak ka ng pusa, inaaya ba ko ni
Ellis maging partner nya? Tama ba pagkakarinig ko?!Sheett!!
“AA, are you okay?” Natigil naman ako sa pagkatulala at tumingin sa kanya na inaalog na pala ako.
“Ah e-eh…ayos lang ba?” alanganing tanong ko. Malay mo kasi mali ako ng pagkakarinig.
Napatawa naman siya,“ Actually, I was too lazy to go too. Jaxon is the only one who like that kind of party. So, when Elliot said that you were coming, I changed my mind.” Pakisapak ako ngayon na.
“Sige, payag na ko!” ngiti ko.
“Ok then. I’ll fetch you nalang?”
“Wag na! Dun nalang sa school tayo magkita. Sasabay nalang ako kay Ian.” sagot ko.
Ngumiti siya,“Sige.” “Uh, dito na pala ko. Ingat kayo AA, Kieran.” paalam nya. Tumango naman ako.
Oo nga pala, nandito pala yung isa. Kala mo kasi hangin lang e.Balik ulit sa kakaibang atmosphere kapag kaming dalawa lang. Hanggang sa ako na ang bumasag ng katahimikan.
“Ikaw Seb, may partner ka na?” sabay baling sa kanya na diretso lang ang tingin sa daan. Matagal siya bago nakasagot, “Wala.” sagot niya kasabay ng pagsulyap sakin. “Ah okay.” balik ulit sa katahimikan.
Mga yapak nalang ang naririnig habang binabaybay namin ang kalsada.
“Nagmamadali ka ba?”
Tumingin ako sa kanya at nasilayan nanaman ang mga matang tulad ng kalawakan sa kinang. Ang ganda…
Saglit akong napatulala bago sumagot,“Hindi naman. Bakit?” di ko alam kung bat ayun ang nasagot ko. Gabi na at baka hinahanap nako ni Ian, di ko pa naman dala phone ko.
“Lakad tayo.” Ngiti nya.
Naalala ko na mauuna ang bahay namin habang yung kanila naman ay isang sakay pa, di naman siya ganun kalayo. Magkasunod lang sila ng bahay ni Jaxon.
“Ha? Bakit damay ako?” pabirong tanong ko sa kanya.
Hanggang sa narinig ko ang magic word, “Libre kita.”
“Talaga!? di mo naman sinabi agad. Tara! Ano pang hinihintay mo jan? Pasko?” sigaw ko at bigla nalang tumakbo. Napangiti naman siya at sumunod.
Nandito kami ngayon sa 7/11 habang kumakain ng cookies n cream ice cream. Heaveeenn..
“Oy dahan-dahan, wala ka naman sa olympics.” Tawa niya habang kumakain din ng chocolate flavor.
Himala, bago nanaman mood neto.
Isa to sa mga gusto kong therapy, ang kumain ng cookies n cream ice cream.
“Anong naisipan mo at bakit ka nanlibre? May kailangan ka no??” tanong ko na may nang aakusa na tingin.
“Haha, pag linibre may kailangan na agad? Di pwedeng gusto lang?”
“Sigurado ka? O baka magpapatulong ka saken kay Paisley.” Nawala ang ngiti nya sa tanong ko at napalitan ito ng pilit na ngiti. “Ubusin mo na yan. Baka hinahanap ka na ni Killian.”
‘Loka ka talaga, yung bibig mo Autumn kailangan na yan itikom habangbuhay’
Nang maubos na ay nagsimula na ulit kaming maglakad. Para naman di maboring tong kasama ko ay panay ako kwento ng kung ano ano. Bumalik nanaman kasi siya sa pagiging hangin.
“Alam mo ba, di talaga ko totoong tao.” Napatingin naman siya saken bigla na may mukhang di maipaliwanag.
“Pinagsasabi mo?”
“Hindi ako totoong tao kasi… alien talaga ko.” Seryosong tingin ko sa kanya. Ganun pa rin ang itsura na para bang nasa isip nya na nababaliw na ako.
Diko na napigilan ang matawa. “Hahahaha biro lang. Masyado ka naman kasing seryoso dyan. Loosen up mah boy.”
“I don’t know na may pagkasiraulo ka pala.” Bulong nya pero umabot yon sa pandinig ko.
“Hoy Kieran Sebastian, narinig ko yun ah! Kesa naman sayo na tinalo pa ang hangin sa sobrang tahimik.” irap ko sa kanya.
“I’m not.” tanggi nya.
“You are.”
“No.”
“Yes.”
Di na siya nakipagtalo kaya ginulo nalang niya ang buhok ko.
“Hoy! Kakaayos ko lang to kanina yawa ka!” sabay hampas ko sa braso nya. Di parin siya tumigil at ginulo nya ulit sabay takbo. “YAAAAAAAAAAHHHH” sigaw ko at hinabol siya na tumatawa. “Pag naabutan kita, gagawin na talaga kitang hangin!”
***
Di ko namalayan na nakarating nako sa bahay.
“Mori…”
Sinamaan ko siya ng tingin, “Oh?” Di ko kasi siya naabutan hanggang sa makarating dito. “Autumn
pangalan ko.”“Psh, ayun na tawag nila sayo. Mori nalang tutal para kang lalaki.” ngisi niya. Lalong sumama naman ang tingin ko.
“Ewan ko sayo. Umuwi kana. Malayo pa bahay nyo dito ah.”
Nabigla ako sa ngiti nya, “Thank you for today.” Nakita ko nanaman ang mga mata niyang kayganda pagmasdan. Tsk ang gwapo talaga..
Iniwas ko na ang tingin ko. “Yeah. Bye.” Di ko narinig ang paalam nya dahil pumasok na ko sa gate ng bahay.
Pagkapasok ay hingal na hingal kong hinawakan ang aking dibdib habang nakaupo, ang lakas ng tibok nito. Bwiset kasi yon, hinabol ko pa. Huminga muna ako ng malalim at pinakalma ang sarili bago tumayo ng tuwid at dumiretso na papasok sa bahay.
Pagbukas ko ng pinto ay mukha ni Ian na nakakunot ang noo ang bumungad saken.
“Autumn, anong oras na ah. Bat ngayon ka lang?” seryosong tanong nya. “At bakit mukha kang nag marathon sa istura mo. Gulo-gulo pa buhok mo at puno ka ng pawis? Di ba sabi ko na wag kang magpapagod?” sunod-sunod na tanong nya habang nakapameywang.
Napakamot naman ako sa ulo,“Kuya, naglakad kasi ako pauwi hehe..” alanganing sagot ko.
Lalo pang kumunot ang noo nya, “Naglakad? May pera ka naman ah. Bat ka naglakad? Sino kasama mo?” hayss wala talaga akong kawala pag si kuya ang nagtatanong sakin. Kabisado nako nito eh.Anong sasabihin ko? Na may nag-aya sakin na isang hangin na nag anyong tao tapos nanlibre pa ng ice cream?
“Ah e-eh si Kieran Kuya” sabi ko habang nakatungo. Narinig ko naman ang buntong hininga nya. “Kupal talaga ang isang yon. Lagot siya saken.” Bumaling naman siya saken pagkatapos, “Kumain kana. Uminom ka ng maraming tubig at wag mong kalimutan yung g--” di ko na siya pinatapos at patakbong umakyat para magbihis.
Narinig ko pa ang pagsigaw nya bago isara ang pinto.“Isa Autumn! Madapa ka sana!”
Nakatakas din…
****
YOU ARE READING
Once Upon A Misty (On-going)
Teen FictionAng pagbuhos ng ulan ang tanging palatandaan ng ating pagmamahalan.