ENGOT
***
"AA!! Gising na!."Napaupo ako bigla dahil sa pagkagulat.'Yawa ang aga aga sumisigaw'
"Hoy! Huwag ka nang magpa beauty rest jan at tatanghaliin na tayo." dagdag pa nya.
Nandun sya sa may baba pero abot hanggang kabilang kanto ang lakas ng boses. Kalalaking tao, parang megaphone yung bunganga e.
"Oo na! Teka!" sigaw ko pabalik.
Wala na kong nagawa at nag ayos nalang. Naligo at kalauna'y nagbihis na rin. Ang sosyal tignan ng uniform na ito. It's a white long sleeve partnered with yellow vest with the school logo, black skirt na di manlang umabot ng tuhod ko, and a black necktie. Dahil hindi ako sanay sa suot kong palda, nagdala ako ng ipapalit pag nasa loob na ko ng school. Kailangan kasi kapag papasok ka ay complete uniform para na rin malaman kung anong course ka, but, as a reckless one, papalitan ko din to pagkatapos.
Bumaba na ko at nakita si Ian sa lamesa na kumakain. Tinaasan ko siya ng kilay.'Di manlang ako hinintay tsk'
"Oh alam ko yang tingin na yan. Aba'y sa tagal mong gumising ay malilipasan pa ko ng gutom, kaya nauna na ko" turan nya habang nakataas din ang kanayang kilay."Bilisan mo na.Idadamay mo pa ko sa pagka late mo."
Natawa nalang ako at umupo sa tabi nya at kumain."Eto na, Kuya Engot." sagot ko sabay ngiti ng mapang asar.
******
"Create a database and connect it through sql connector then open it sa program na ginawa nyo" utos ni Prof Julian. Siya ang ang nagtuturo samin sa subject na Java. Nakakalito ang mga symbol na nakikita ko. This program is so sensitive when it comes sa mga symbol like semi colon and bracket, di mo lang ito malagay ay mag eeror na agad. Aside from it, kami mismo gagawa ng design namin.
'Hayss ang sakit sa mata'
****
"Grabe! Parang pinipiga utak ko kanina. Ayaw gumana ng program ko huhuhu" paiyak na sambit ni Jaxon. Sa aming lima, siya lang ang konti ang knowledge sa pagpoprogram. Di ko alam bat nya pa kinuha ang course nato.
"Kumain nalang tayo, nagugutom na ko."sabi ni Ellis.
"Mcdo kaya?" tanong ni Jaxon. Nakalimutan kong sabihin na mayaman nga din pala ang isang to.
"Autumn, sama ka samin?" tanong ni Ian. Nauuna kasi silang maglakad tatlo at nasa likod nila ako.
"Uh sa karinderya nalang ako" walang emosyong sagot ko. Ayoko sa Mcdo, nag iipon nga ako tas gagastos pa.
"Tara Karinderya nalang."Biglang sabi ni Jaxon."Samahan na natin tong pinsan mo Elliot, bago lang siya dito e" dagdag pa nya. Tumango nalang yung tatlo at nagsimula na kaming maglakad palabas ng gate.
Madami naman palang karinderya dito. Mas gusto ko dito kumain kesa sa mga resto. Nandito kami sa may lagpas ng school. Di siya gaano kagarbo, may mga bangko at mahabang mesa para sa pang maramihan. Umupo na kami at katabi ko si Ian, while nasa harap naming silang tatlo.
"Tapsilog nga po isang order." Turan ko sa tindera.
"Ano sa inyo mga bro, pagsabayin na naten." tanong ni Jaxon at kinuha niya mga pambayad ng tatlo.Kumakain na kami ng magsalita si Jaxon.
"So, Autumn, pano kayo naging magpinsan." Tanong nya. "Di kasi kayo parehas ng surname." Dagdag pa nya.
"Si Tito and Mama ay magkapatid, so yeah that's why." Sagot ko pagkatapos nguyain yung kinakain ko.
"Magkahawig nga din kayo e" dagdag pa ni Ellis.
Napatawa nalang ako. Madami nga nagsasabi non.
"Yuck... di ko kaya kahawig ang engot na to." sabi ko sabay tingin kay Ian na nakangisi.
"WAHAHAH Engot?!" tawa ni Jaxon. Halos mabilaukan na siya sa kanyang kinakain dahil don. Nagpipigil nalang din si Ellis ng tawa habang si Keiran ay napangisi nalang.
Sumagot naman si Ian at sinabing, "She always called me in that nickname simula pagkabata kaya ayan hanggang ngayon di na umalis sa sistema nya tss...palibhasa bulol nung maliit pa."
"Ganda kaya, Elliot tas Engot... magka rhyme naman ah." pagbibiro ko. Tinapos nalang namin ang pagkain at pagkatapos umalis na.
*****
YOU ARE READING
Once Upon A Misty (On-going)
Fiksi RemajaAng pagbuhos ng ulan ang tanging palatandaan ng ating pagmamahalan.