WATER
***
Tangina.
Ang.
Init.
"Yawaaaa...feeling ko nasa impyerno na ko!" sigaw ni Jaxon habang nakahiga sa lapag. Nandito kami
ngayon sa court ng school, specifically sa stage habang tinatapat ang electric fan sa mga katawan namin.Wala kaming klase kaya naisipan nalang naming dito tumambay dahilan sa sobrang init din sa labas
ngayon...hayss.."Di yan feeling, kinukuha ka na talaga." Sabat ni Jaina habang may binabasa. Kumuha kami ng mga
upuan at inakyat dito sa stage. Ano ba namang school to, kung kelan napakainit ng panahon tsaka pa nasira yung aircon. Currently, inaayos na rin naman so baka maya-maya gumana na ulit."Dude, sinasanay ka na para naman pag pumunta ka don di ka na mag-aadjust." Ngisi ni Elli. Ang init na
nga pero gwapo pa rin. Nakaupo siya sa may harap ng stage habang tinitignan yung mga student na
nagpapraktis ng sayaw sa may dulo. Kasama siguro sila sa mga magpeperform sa darating na
acquittance party next week. Actually, kaya din siguro nakabreak ang mga students ngayon is because of that party.Napabangon bigla si Jaxon at sinamaan ng tingin ang dalawa. "Wow ha, baka nga mas mauna pa kayo
sakin e!" sabay higa ulit.Napatawa naman si Kieran, "Wag kang mag-alala pre, kami pa maghahatid sayo hahahaha." Katabi nya si Ian sa may hagdan ng stage habang may kinakalikot sa cellphone. Sila Pai and Renz naman, nasa kabilang side at nagpapahangin din. While, Rowan and Camilla are outside dahil may pinagawa sa kanila yung prof namin sa isang sub.
"Itikom mo nga yang bunganga mo Michael at lalong umiinit." Paisley shouted habang masama ang
tingin kay Jaxon. "Ganon talaga pag Hot!" sigaw nya pabilik na tinaas pa ang dalawang braso na animoy
parang model."Oo nga Hot...Hotdog!" banat naman ni Pai. Pati ako napatawa sa asaran nila.
Tumayo naman siya at tumabi kay Kieran, "Pareng Seb si Paisley oh inaaway ako!" sumbong nya dito.
Parang wala namang narinig ang kausap nya kaya napasimangot nalang siya. Nginisihan naman siya na Pai na lalo nyang kinainis.I just closed my eyes while resting my body sa tatlong upuan na pinagdikit-dikit ko at doon humiga.
Hinayaan ko nalang silang magbarahan dahil pare-parehas lang naman silang dun pupunta.---
Napamulat ako bigla dahilan sa nakatulog pala ako, tinignan ko kung anong oras na at 30 minutes lang
pala ang lumipas.Umupo ako at nakaramdam ng uhaw. Wala nga pala akong dalang tubig. Tumayo ako at pumunta kila Ian, "Ian, may tubig ka ba jan?" tanong ko.
Napatingin siya sakin, "Ha? Wala e."
"Bili mo ko sa labas. " may paawa effect na turan ko.
"Mamaya na. Parang malulusaw ako diyan sa labas
oh." turo nya sa may gate. Napansin kong tumayo si Kieran sa pwesto nya at lumabas, siguro pupunta ng
cr. Di ko nalang pinansin at binalingan si Ian na nakakunot ang noo."Tsk. Ayaw mo lang umitim eh" irap ko sa kanya sabay balik sa pwesto ko. Nakakawalang gana naman kasi lumabas kung ganto kainit. It's already 2 ng hapon pero yung init kala mo bumaba na yung araw.
Maya-maya nagulat ako ng may tubig na nakalatag sa mukha ko. Tinignan ko kung sino ang nagbigay
at-"Oh." hagis nya saken sabay alis at balik sa pagkakaupo.
"AA! Tubig ba yan? Penge!" tumakbo palapit saken si Jaxon sabay agaw sa hawak ko. Binalik naman nya
to pagkatapos."Nahiya ka pa. Dat inubos mona. " binalik nga, kalahati naman na yung natira. "Tsk. Damot mo naman hahaha. Akin na inumin ko ulit." Akmang kukunin nya kaya mabilis kong hinawakan ang kamay nya at binali patalikod.
"Aray ko! Grabe ka naman Autumn." Sabi nya habang nakakunot ang noo at minamasahe ang braso.
"Maraming iiyak na babae kapag nawalan ako ng braso, sige ka."
"Ayos lang yan dude, nandito naman ako." Sabat ni Elli habang nakangisi. Tinaasan naman siya ng
middle finger ni Jaxon."Wala kong pake kahit mukha mo ang mawala." sabi ko.
"Sadista mo talaga. Pasalamat ka--" di ko na narinig yung huli nyang sinabi dahil bulong nalang ito.
"Salamat." ngiti ko.
Hinayaan ko nalang siyang mag inarte at ininom na ang hawak kong bottled water. Sinulyapan ko ang
taong nagbigay non at nakitang nakapikit na ito.Thank you Kieran...
***
YOU ARE READING
Once Upon A Misty (On-going)
Teen FictionAng pagbuhos ng ulan ang tanging palatandaan ng ating pagmamahalan.