AWKWARD
****
"CR lang ako." paalam ko sa kanila pagkalabas namin ng comlab. Di ko nakita ang pagtango nila dahilan sa pumunta na ko sa banyo. Pagpasok ko bumungad saken ang malaking salamin na kitang-kita ang aking kabuoan.
There are five toilets as well as cubicles, all painted in white.
Natapos na ko at tinignan ang mukha sa salamin. "Ganda mo." Napatawa ako sa sariling self encouragement at kalauna'y lumabas na. Habang kinakalikot ko ang bag papalabas ay nagulat ako sa
bumungad sa aking harapan.Napakunot ako ng noo, "Oh. Bakit ka nanjan? Nasan sila?" tanong ko habang palinga-linga sa paligid.
"Umuna na. Gutom na daw si Jaxon kaya ayun." sagot niya.
"Ah ganun ba. Hinintay mo pa talaga ko, susunod naman ako dun haha" pabirong tawa ko. Ang weird
kasi na siya yung nandito samantalang di naman kami ganun ka-close. Iniwaksi ko nalang sa isip at inaya siya."I said to them na hintayin nalang kita." Walang emosyong sabi nya, di tulad ng kanyang mga mata na kumikinang na parang isang kalawakan.
"Uh okay. Tara na." aya ko at sinimulan na naming maglakad palabas. Habang naglalakad, walang nagsasalita, halos marinig na nga namin ang huni ng mga ibon sa sobrang tahimik.
'Psh ang awkward mga pre'
Hanggang sa nakalabas kami ay ganon parin ang sitwasyon. Hinanap namin ang iba ngunit hindi sila
makita."San naman kaya kumain yung mga yon" bulong ko sa sarili.
"I can't contact them, naiwan ko yung phone ko sa room." lingon sakin ni Kieran.
"Pano yan? Nasa bahay yung akin e." nakakunot kong turan sa kanya. Di kasi ako mahilig talaga magdala ng phone, wala namang importanteng bagay don bukod sa mga pictures ng sunsets na gusting-gusto kong kunin. Also, di naman ako nagloload.
Napaisip siya dahil don. Kaming dalawa lang ang naiwan at masaya nang kumakain ang mga mabubuting kong kaibigan.
Tumingin siya saken at sinabing, "Tara, tayo nalang."
Kinabahan ako bigla, "A-ano? T-tayo?" TF? Ano daaaw? Kami nalang? As is, me and him?? Napailing ako sa naiisip.Kumunot ang noo niya at kalaunay napangisi, "I mean, hanap nalang tayo ng karinderya. Tayo nalang ang kumain total di natin sila makita."
Napabuga naman ako ng hangin sa sagot nya. Okay Autumn wag kang assuming, kung ano-ano kasi pumapasok sa isip mo. Tinanong ka lang, walang malisya.
'Kay Paisley na nga pala to' isip ko..
"Ah! Sure ka? Pwede mo naman silang hanapin at sundan, ayos lang naman akong mag-isa." pilit na
ngiting turan ko.Di ko kasi type yung atmosphere pag kaming dalawa ang magkasama. I can't explain it pero parang ang awkward din kasi sa reason na hindi ko alam.
"Ikaw na nga tong hinintay tapos papaalis mo ko." Nabigla ako sa sinabi nya kaya napaiwas ako ng tingin.Bago to ah, ngayon lang kami nag-uusap ng mahaba.
"Di naman. Malay mo lang kasi hinahanap ka nila. Alam mo naman si Jaxon kung makakapit sa iyo ay
dinaig pa ang linta. And si Paisley baka magtaka..."
paliwanag ko."Tss, tara na. Nagugutom na ko. Parang kakain lang naman ayaw pang pumayag." di ako nakapalag ng
bigla nya kong hilain.Di naman dahil sa pagkain eh tsk.
****
YOU ARE READING
Once Upon A Misty (On-going)
Teen FictionAng pagbuhos ng ulan ang tanging palatandaan ng ating pagmamahalan.