What?!

1 0 0
                                    

WHAT?!

*

***

"Sa wakas, nabusog din." sabi ko habang nakahawak sa tiyan. Kanina pa talaga ako nagugutom sadyang nahihiya lang akong sabihin sa kasama ko. Natapos na kami at naglalakad na pabalik sa school.

"Lol, ayaw mo pa nga sumama kanina." Napatingin ako sa kanya at napakamot sa ulo. "Hehe, sabi ko nga e."

Nang makapasok kami ay bumungad ang makukulay na booth ng high school department. Nawala sa isip ko na Foundation Week nga pala ngayon. There's a lot of booths such as; jail booth, balloons, yung hinahagisan ng ring para ma shoot sa triangle, photo booth and marami pang iba.

Napansin kong wala pa sila, "Seb, wala pa ata sila. Inubos na ata ni Jaxon yung pagkain" Napatawa siya.

Pogi ng tawa ah..

"Let's walk around habang wala pa sila." suhestyon niya. Tumango na lang din ako kesa naman nakatunganga kami rito diba.

"May payong ka? Damn, ang init." sabay tingin nya saken.

"Ah oo, teka" aligaga kong sagot. Pusang gala parehas silang pogi ni Ellis kahit naiinitan.

'Tamakana Autumn, pumunta ka dito para mag-aral, hindi maghanap ng mga pogi!' sigaw ko sa isip.

Nakuha ko na at binigay sa kanya. I was expecting na siya lang gagamit but to my surprise ay binaling niya sakin ang halos kalahati. Siya yung nanghiram pero ako yung nakapayong...weird

"Tara."

***

Yawa nakakapagod mag-ikot. We're sitting here sa bench when I finally saw them. Tinaas ko ang aking kamay upang makita nila kung nasan kami.

"My AA!! Bat di kayo sumunod?" pasigaw na tanong ni Jaxon. Siraulo talaga to, MY AA daw. Binatukan tuloy siya ni Ian. Tumakbo na siya palapit.

Hinintay ko nalang silang makalapit at sumagot, "Eh loko ka pala e, ikaw tong nang iiwan tapos tatanong tanong ka jan!" Napangiti siya sa sinabi ko, "Yiee My AA wag kang ganyan, di naman kita iiwan e." pabirong usal nya habang nakapulupot sa braso ko. Kinilabutan naman ako bigla at pinaghahampas siya.

"Ikaw, tigilan mo ang kakapulupot saken at baka magdilim ang paningin ko sayo."

"A-aray My AA...m-asa-kit." singhal niya. "Nagbibiro lang naman e" nguso nya.

"Autumn, kumain na kayo?" napatingin ako kay Paisley nang magtanong siya. Nakita kong mas tumagal ang tingin niya kay Kieran bago saken.

"Ah oo Pai, di namin kasi kayo mahanap kaya dyan nalang kami sa tapat kumain." sagot ko na may pilit na ngiti.

Umupo sa tabi ko si Ian at bumaling saken, "AA, di kita masasabay mamaya, maaga akong aalis, may pinapadaanan kasi si Dad." sabi nya na may halong pag-aalala.

Ngumiti naman ako at sinabing, "Ayos lang Engot, kaya ko naman mag-isa." Totoo naman kasi na kaya ko. Simula pagkabata, busy na sila mom and dad sa negosyo, and as an only child, ako lang lagi naiiwan sa bahay mag-isa. Pero minsan, bumibisita tong si Ian para samahan ako.

Ginulo nya ang buhok ko at ngumiti, "Basta wag kang magpapagod ah. Maaga naman siguro akong makakauwi kaya ako na magluluto ng ulam."

"Aray! What!?" singhal nya.

Hinampas ko kasi siya. "Sabing wag mong guluhin buhok ko eh." ayoko sa lahat ay nagugulo ang ayos ng buhok ko. May mga pagkakataon naman na ayos lang magulo to dahil tinatamad akong magsuklay. But now, inayos ko to ng matagal tapos magugulo lang!?

"Sorry okay. Basta mamaya ah." tumango nalang ako.

"Mga parekoy, may booths pala dito ngayon?" nagtatakang tanong ni Jaxon habang nakatingin sa mga magagarbong ayos nito.

"Yes, as I remember, Foundation week ng High School Department." sagot ni Ellis kasabay ng pag-ayos ng kanyang salamin.

Hayss...gwapo.

"Tara ikot tayo!" aya ni Jaxon. Tumingin sila samin samantalang nagkatinginan naman kami ni Kieran.
Kakatapos lang namin umikot eh..



***



"Mga parekoy, una na ko. May emergency sa bahay e." paalam ni Jaxon.

Inabot na kami ng gabi bago umuwi. May pinagawa saming program na halos abutin ng ilang oras kaya ayun.

"Sige Dude, ingat ka." sagot naman ni Ellis. "Bye bye My AA!" kaway nya saken. Sasapulin ko sana siya ng kamao ko ng tumakbo na siya paalis. Dala nga pala nya yung motor kaya nakaalis na siya agad.

Napatawa naman yung mga kasama ko, "Autumn, let's go." aya ni Paisley. Kasama namin sila Jaina na may hawak na libro, Renz, Camilla, Rowan, Ellis and Kieran. Nauna na rin si Ian kanina kasi tinawagan na siya ni Tito.

"Are you ready for the upcoming party?" Camilla excitedly asked. She's a Morena girl na mas matangkad saken. Maganda siya.

"Wag na pumunta, tara inom nalang." pabirong sagot ni Rowan habang nakataas ang dalawang kamay na nakalagay sa likod ng ulo nya. Inches lang ang pagitan nila ni Camilla. Same as Ian and others, may itsura din ang isang to.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Camilla, "Idiot! laging alak nasa utak." Irap ni Camilla. "Idiot ka rin!Sabi ko lang inom, wala kong sinabi na alak ang iinumin. Ang daming pwedeng inumin kaya! Ikaw ah, halata ka masyado." Ngisi ni Rowan na binaba na ang kamay at nilagay sa kanyang bulsa. Di na siya pinansin ni Camilla na lumipat nalang sa tabi ko.

"Autumn, you're coming naman diba? Di pwedeng hindi."

"Pupunta yan gurl, nakapagsukat na nga e." ngiti ni Renz habang nakatingin saken. Pano ba naman, kayo ang may kasalanan!

"By the way guys, I'll send your clothes bukas." Jaina said. Tumango naman kami.

Lintek, ayokong magsuot ng dress!!

Samin kasing mga girls, ako lang ang di nagsusuot na dress, well except when there's occasion. Naka baggy pants, loose shirt na black and sneakers nga lang ako ngayon e. Kapag pumupasok kami, madalas naka skirt or dress si Paisly, si Jaina naman minsan pag natripan nya while Camilla is always. Di kasi ako makagalaw ng maayos kapag ganon so why bother to wear such thing.

Namalayan na lang namin na nasa terminal na kami nila Paisley, Renz and Jaina,"We're here na, see you tomorrow!" and she waved her hand. "Ingat kayo Pai." ngiti ko naman sa kanya. "Bye Ki!" dugtong nya at tumango naman ang huli.

Ellis put his hand on Kieran's shoulder,"Away kayo?" he asked. Kala ko ako lang ang nakapansin. Di naman sya sinagot kaya pinabayaan nalang nya.

"Guys, May pupuntahan pa pala kami ni Rowan. Dito kami padiretso. " sabi naman ni Camilla habang hinihila si Rowan.

"O-oy san tayo pupunta, bat di ako nainform?" binatukan naman siya ni Camilla at sinamaan ng tingin.

"Idiot! May kailangan tayong bilhin, yung gagamitin na materials sa party. Wag mong sabihing nakalimutan mo?" she frowned. Kasama nga pala sila sa mga mago-organize kaya lagi silang di nakakasama samin.

"Ngayon na ba yon? Kala ko bukas?"

"Idiot ka talaga!" di na siya nakapalag kaya nahila na siya. Di na kami nakapagpaalam kaya hinayaan nalang.

Lutang nanaman ang isang yon tsk.

Kaming tatlo nalang nila Kieran and Ellis ang nagpatuloy sa paglakad, nasa gitna nila ako. Bumaling naman saken si Ellis at nagtanong, "AA, may partner ka na?"


What?!





****

Once Upon A Misty (On-going)Where stories live. Discover now