Best Friend 💕

12 2 0
                                    

Dear Soulmate

Nakakalungkot namang makitang itinapon mo lang ang sulat ko.
Hindi ko sinasadyang mapulot ang sulat na ako mismo ang nagsulat para sa iyo. Mag - ingat ka sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Hindi lahat ng malapit sa iyo ay kaibigan mo.

P.S
Napakaganda mo talaga lalo kapag nakangiti. Soon magiging akin ka rin.
Lagi kitang tinitingnan Ellie.

Nagulat si Ellie nang lingunin niya si Gela na pasimpleng nakikibasa ng sulat niya. Nag - aalalang tumingin ang kaibigan sa kanya. "May stalker ka Ellie? nagtatakang tanong ni Gela. "Nag - aalala ako para sa iyo Ellie," sabi ni Gela. "Magsumbong na lang kaya tayo sa mga prof natin?" suhestiyon ng kaibigan.

"Wag ka ngang praning Gela," natatawang sagot ni Ellie sa kanya. "Prank lang siguro ito ng mga walang magawa dito sa campus," matatag niyang sabi sa kaibigan. "Parang nagbabanta ang sulat niya Ellie, mag - ingat ka!" sabi ni Gela sa kanya.

"Ako pa ba Gela, parang hindi mo naman ako kilala!" sagot ni Ellie sa kaibigan. "Halika na Ellie at sasamahan na kita pauwi," mapilit na sagot ni Gela. "Huwag na Gela mapapalayo ka pa, kaya ko na ang sarili ko," nakangiting sabi ni Ellie.

"Ay, hindi! Ihahatid na kita Ellie, hindi ako mapapakali kapag hindi kita nakitang nakauwi ng ligtas," mapilit na sagot ng kaibigan.

Dear Soulmate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon