Dear Soulmate

14 4 0
                                    

Si Ellie ay isa sa mga libo - libong  kababaihan na nangangarap na mapansin ng varsity MVP player na si Jheriz. Matipuno, maputi, matangkad at maskulado. Ito ang mga katangiang pinapangarap at hinahanap ng isang babae sa isang lalake. Bukod doon talented at down to earth pa ang binata kaya naman walang sino mang babae ang hindi mahuhumaling sa kanya.

"Ellie ayan na siya," halos pairit na sabi ni Gela. Nagkunwari si Ellie na abala sa kanyang sketch pad. "Hi, Jheriz," ang malanding tono ng kanyang kaibigan. Ngumiti naman ang binata sa kanila. Tumingin sandali ang binata sa kanyang sketches bago ito tuluyang naglakad palayo. Bagay na hindi lingid kay Ellie .

"Ano friend hanggang tingin ka na lng ba?" tukso ng kanyang matalik na kaibigan. "Gela hindi mo kailangang magpapansin sa kanya!" matapang niyang sagot sa kaibigan. "Hay naku Ellie tigilan mo 'ko, alam kong gusto mo din siya!" pambubuking ng kanyang kaibigan.

"Mabuti pa kumain na lang tayo sa canteen," pagyaya ni Ellie sa kaibigan.
"Basta libre mo ha," sagot ni Gela. "Oo na, lagi naman eh," pairap na sagot ni Ellie sa kanya

Dear Soulmate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon