Ellie's Revelation

1 0 0
                                    

Matapos ihatid ng tanaw ang kababatang si Mateo ay agad na pumasok ng bahay ang dalaga upang makapagbihis at makapagpahinga. Mabilis na kinuha ang cellphone at tiningnan ang mga photos sa kanyang gallery. Agad na nagdial ng pamilyar na numero.

Kring! Kriiiiing! Kriiiiing!

Malakas na tunog ng telepono ni Gela.

"Hello. Alam mo ba kung anong oras na Ellie?" ani ni Gela sa kaibigan.

"Oo, Gela. Alas onse na ng gabi at kauuwi ko pa lang ng bahay." Tuloy - tuloy na sabi ni Ellie.

"Bakit ka napatawag Ellie?" sagot ng kaibigan

"Si Mateo at Jheriz! Magkapatid pala!" Mabilis na sabi ni Ellie sa kaibigan.

"Ano? Paano nangyari yon'?" Takang tanong ni Gela sa kaibigan.

"Hindi ko din alam. Basta kanina sa Red Spice nagkita ang dalawa at ipinakilala ako ni Matty sa kanya without knowing they're brothers!" Mahabang paliwanag ni Ellie sa kanya.

"Anong plano mo ngayon?" Tanong ni Gela

"Wala. Go with the flow as usual." Halos kibit balikat na sagot ni Ellie sa kanya.

"Sabagay. Kung ako sa'yo Ellie sasamantalahin ko na may mga kaibigan akong mayaman at popular. Malay mo maging sikat ka sa buong campus dahil sa kanila." Ani ni Gela.

"Ano ka ba Gela? Hindi ako ganoong uri ng kaibigan. Hindi kaya ng konsensya ko." Sagot niya

"Napakabait mo kase Ellie. Masaya akong naging kaibigan kita!" Sagot ni Gela.

"Babye na muna Gela. See you sa campus tomorrow." Sabi niya sa kaibigan.

"Alright see you Ellie. Good night" Sabi nito

"Okay, good night Gela." sagot niya.

Mabilis na pinindot ang end call button. Habang nakahiga sa kanyang kama ay hindi pa dalawin ng antok si Ellie kaya nagpatugtog siya ng mahinang mahina lamang hanggang sa maramdaman na niya ang pamimigat ng kanyang mga talukap. Agad na isinet ang alarm ng kanyang phone at natulog na pagkatapos.

Dear Soulmate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon