Gela's POV

6 2 0
                                    

Habang naglalakad palayo sa bahay nila Ellie hindi malaman ni Gela kung nasaan ang kanyang cellphone. Dali - dali niyang binuksan ang bag niya at hinanap sa loob nito ang cellphone. Habang abala sa paghahalungkat ng gamit sa bag naramdaman niya na bumangga siya sa matigas at maskuladong katawan ng kasalubong niya. "Aaaay sorry po," sabi ni Gela. Nag - angat ng tingin si Gela sa kaharap niya at laking gulat niya na si Jheriz pala ito. "Sorry din hindi kita agad nakita," nakangiti ngunit parang nahihiyang sagot nito. "Nasaktan ka ba?" tanong nito sa kanya. "Hindi naman," simpleng tugon ni Gela. Kinikilig talaga siya sa tuwing makakaharap ang lalaking ito. "Lord chance ko na to!" sabi ng isip niya.

"Taga dito ka rin ba?" tanong ni Gela sa kanya. "Aah! Oo malapit lang dito ang bahay namin," sagot ulit nito sa kanya. "Miss sorry talaga ha hindi ko sinasadya," paumanhin ulit nito. "Wala yon hindi naman ako nasaktan," pakumbabang tugon niya dito. "Ikaw taga dito ka din?" sabay turo nito sa lugar nila Ellie. "Ah hindi, sa kabilang kanto pa ang bahay namin," sabi ni Gela sa kanya. "Inihatid ko lang ang best friend ko dyan," sabay turo sa bahay nila Ellie.

"I see, sorry again Miss?" tanong nito sa kanya na waring gusto nitong malaman ang pangalan niya. "Gela," nakangiting sagot ng dalaga sa kanya.
"See you around sa campus Gela," feeling close na sabi nito sa kanya. "Bye," nakangiting paalam ni Gela sa binata.

"Ayiiee!" Hindi na napigilan ni Gela ang pasimpleng pag - irit. Agad niyang kinuha ang cellphone at dali - daling nagtext kay Ellie. "Dapat itong malaman ni Ellie," bulong ng isip ni Gela.

Pumayag nang makipagkita sa kanya mamayang 6pm ang kaibigan sa paborito nilang tambayan. "Uuwi na muna ako para makapagpaalam," bulong ni Gela sa sarili.

Dear Soulmate Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon